Angkas: Part II

6 2 0
                                    

Apat na taon ang makalipas matapos mo akong ibaba sa kanto,

tanawin ka habang ika'y papalayo at hindi na muling nakita ni anino mo.

Naalala ko, 

Bago ka, takot akong sumakay sa motor,

iba yung kaba sa tuwing bumibilis ang takbo.

Mas gugustuhin ko pang maglakad noon kesa umangkas sa mga kapatid ko.

Pero ngayon ay nakahiligan ko na. 

Dinadama ang malamig na simoy ng hangin na humahaplos sa buong katawan ko.

Napapabilis ako sa pupuntahan ko, dinadala ako nito sa malayo,

habang ang payapa kong puso ay kumportable sa taong kasama ko. 

Matapos sayo, 

Tatlo. 

Tatlo ang dumating. 

Ang una ay matalik na kaibigan. 

Dinala ako kung saan una tayong nagpunta. 

Nagawa nitong burahin ang alaala sa lugar na iyon noong kasama ka

Hinawakan ang aking kamay at sinabing higpitan ang yakap sa kanya. 

Isang taong pinakilala ako sa buong pamilya at barkada. 

Ngunit sa kasamaang palad ay pinaglayo kami ng tadhana.

Naudlot ang relasyong magiging masaya sana.

Sa huli, nanatili kaming matalik na magkaibigan na minsa'y nagmahalan ng panandalian.


Ang ikalawa ay masyadong mabilis. 

Iba ang aking kaba sa tuwing kasama siya. 

Nakakatakot, nakakakaba. 

Marahil iba rin ang mundong ginagalawan niya. 

Tila nasa langit siya at ako'y isa lamang dukha.

Mabilis rin siya sa lahat ng bagay at hindi lang sa pagpapatakbo ng motor niya. 

Ang pag angkas sa kanya ay hindi ko na inulit pa.

Naglaho na lang ang presensya namin sa buhay ng isa't isa.


Ang pangatlo ay hindi sigurado, hiniling ko na sana ako ay kanyang ipanalo.

Marahan siyang magpatakbo sa tuwing ako'y kanyang sakay.

Sa kanya ko naranasan ang suotan ng helmet at halikan sa noo

Isang taong nagsabi na ang upuan na 'yon ay sakin lang. 

Ako ang permanente. Sa akin nakalaan at hindi kung kanino man. 

Dinala ako sa malayo, kung saan payapa ang aking puso. 

Binusog ako sa magagandang tanawin

Sinamahan akong magpunta sa mga overlooking.

Nagwakas man ang aming samahan, ako'y nagpapasalamat pa rin

dahil ang kasayahang naidulot nila ay hindi na mabubura sa aking ala-ala.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now