Umbrella friend (Paasa)

57 3 0
                                    

"Ako ba ang mali dahil umaasa ako o sya na pinaasa ako?"

J, nung sinabi ko na gusto kita. Totoo yun. Masaya ko na hindi mo ako iniwasan, in fact mas lalo pa nga tayong napalapit sa isa't isa. Minsan mong dinala ang bag ko, madalas mo rin akong pagtripan sa paraan ng pagtitig sa mata tapos bigla mo nalang sasabihin na ang ganda ng mata ko. Minsan mo pa nga akong tinawag na my loves. Lagi mo pa akong kinukulit at inaasar.

Akala ko may something na satin e yun pala may girlfriend ka. Ay oo nga pala! Kakabreak nyo lang! Sakin ka pa nga humingi ng advice diba? Ako namang si tanga, todo makapagpayo sayo maging okay kalang!

Simula nun, sinabi ko na magmumove on na ako! Kahit hindi naman naging tayo! Isang buwan ang lumipas. Hindi na kita naiisip, hindi ko na iniistalk ang fb mo at mas lalong wala na akong paki sayo! Pero isang araw bigla kang nagchat.

"Kamusta ka?" Sabi mo na mabilis ko namang nireplyan. Hanggang sa bigla mong sinabi na may gusto ka sakin, na naattract ka sakin. Nagbigay ka pa nga ng dahilan para maniwala ko.

"Hindi laruan ang feelings ko!" Pagpapakipot ko. Baka kasi pinagtitripan mo lang ako.

"Hindi rin naman laruan yung feelings ko" reply mo. Matapos nun, halos araw araw na tayong nagkakachat pero natapos yun nung dumating yung panibagong semester. Sabi sakin ng mutual friend natin gusto mo daw magsorry kasi pinagtripan mo ko. Na lahat ng sinabi mo hindi totoo, na gusto mo lang ng distraction para makamove on dyan sa ex mo na sobrang mahal mo. Ayokong maniwala hanggang hindi nang-gagaling sayo kaya tinanong kita kung totoo ba yung sinasabi nya.

Oo ang isinagot mo. Dinugtungan mo pa ng "para makamove on ka isipin mo nalang na kung magkakagusto man ako sayo, katawan lang ang habol ko!" Sampal sa mukha ko yung mga sinabi mo. Ganun ba ko kapangit at hindi kagusto gusto? Isa lang narealize ko, mali pala ang magkagusto sa katulad mo!

Kaya please lang, wag mo na akong landiin pa sa tuwing magkakasalubong tayo! Ayoko ng umasa! Masakit e! Kaya please lang! Wag ako, iba nalang!

~Scar

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now