Yakap

12 0 0
                                    

Yakap sa saya
Yakap na puno ng kalinga
kay sarap, at aking hinahanap-hanap.
nakapikit at dinadama ang saya.
Yan ang aking nadarama habang nasa bisig mo
at hinahaplos ang buhok ko.
Pakiramdam ay biglang gumagaan,
na tila natagpuan kung kanino talaga ako nakalaan.

Yakap sa lungkot
Kung nahihirapan ka na at di mo na kaya,
Tara dito, at yayakapin kita.
Yakap na mahigpit at kay init
Sana kahit papaano,
ito'y makapagpagaan ng pakiramdam mo.
Ipaalala sayo na talikuran ka man ng mundo,
ako ay mananatili pa rin sa tabi mo.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now