Crushmate

182 5 1
                                    

May nakilala akong lalaki. Gwapo sya,matangkad
Pero mukhang masungit .
Natatandaan ko pa nung unang beses kaming nagkita sa isang silid. Sabay kaming kumuha ng pagsusulit para sa kolehiyo.
Ilang buwan ang nakalipas, Dumating ang ikalawang semester, hindi ko inaasahang magiging kaklase ko sya. Nung una'y binabalewala ko lang dahil wala akong gusto sa kanya pero sa hindi sinasadyang pagkakataon ay naging magkapartner kami sa isang sayaw. Hindi ako mapakali, parang may kung ano sa loob ko. Ayun na ata ang tinatawag na "butterfly inside the stomach"
Sa tuwing magkakahawak ang aming kamay ay may kaba akong nararamdaman. Ni hindi ako makatingin sa mga mata nya.
"nin" Unang beses nyang tawagin ang pangalan ko. Sobrang saya ko ng panahong iyon. Napakaganda ng pangalan ko sa tuwing sya ang bumabanggit. Sa mga panahong yun ay naging malapit kami sa isa't isa. Nagbibiruan, nag uusap at nagtatawanan.

Ngunit kasabay ng pagtatapos ng aming sayaw ay ang pagtatapos ng aming ugnayan. Bumalik sa dati ang lahat, tila hindi kami magkakilala. simula noon ay lagi ko ng napapansin ang mga kilos nya, kung gaano sya katalino, kaaktibo sa klase, kung paano sya ngumiti at kung paano sya tumawa.
Aksidenteng magkakatinginan kami ngunit agad na magiiwasan, magkakasama kami sa iisang grupo ngunit hindi nagpapansinan. Sa mga panahong yun, naamin ko sa sarili ko na gusto ko na sya.
Ilang beses ko ng tinangkang umamin ngunit sa tuwing susubukan ko ay umaatras itong dila ko kaya hindi ko nalang pinilit. Naging magkatext at magkachat kaming dalawa. Isa kaming malapit na magkaibigan sa mga nakakabasa ng usapan namin pero kaibahan ito sa personal dahil hindi na talaga kami nagkikibuan.

Lumipas ang ilang buwan, walang nagbago saming dalawa, hindi pa rin kami nagpapansinan. Masasabi kong nawala ang nararamdaman ko sa kanya.
Isang umaga, Sabay kaming kumakain ng aking mga kaibigan sa isang karinderya, Hindi sinasadyang napunta sa kanya ang usapan. Dahil sa dami ng mga nagkakagusto sa kanya ay hindi maiwasang sya'y aming mapagusapan. Umamin silang may gusto sila sa kanya.

Nagulat ako sa tinuran ng aking kaibigan
"Akala nga namin ikaw ang gusto nya, may nakakita kasi sa facebook nya na ikaw ang unang pangalan na nasa searchlist."
Umakto akong parang wala lang sakin yun pero sa totoo'y may nabuhay na pag asa dito sa puso ko.

Sa tuwing makikita ko sya'y may kung anong saya kong nararamdaman.
Isang araw ay nagulat nalang ako ng malamang may girlfriend na sya.

Inis ang naramdaman ko ng mga panahong yun. Hindi para sa kanya, kundi para sa sarili ko dahil pinaniwala ko ang sarili ko na baka nga may pag-asa kami, na baka pwede nya rin akong magustuhan. Pero sino nga ba ko para magustuhan nya?

Ngayon, napasama tuloy ako sa mga babaeng nagluluksa dahil ang lalaking gusto namin ay may girlfriend na.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now