Ang mga Bata-an

5 0 0
                                    

Taong dalawang libo't labing apat.
Walong taon ang nakalipas.
Nakatagpo ng mga taong nanatili sa buhay ko.
Kasama sa saya at lungkot, sa tagumpay at pagkatalo
Sa bilyong tao sa mundo, nakatagpo ako ng totoo.
Sampung tao na naging matalik na kaibigan ko.
Mga taong napagsasabihan ng mga sikretong aking iningatan.
Mga lagi kong kasama, maging magulang namin ay magkakakilala.
Matapos ang kolehiyo ay nagkaroon ng kanya-kanyang buhay?
May mga bumuo ng pamilya, may mga lumayo para sa pamilya.
May mga makulay ang pag-ibig, may mga hindi handang umibig.
May mga laging magkakasama, may ilang dumistansya.
Iba't ibang plano sa buhay, iba't ibang pangarap.
Hindi maiiwasan, dahil  sa Iba't ibang daan na tinatahak.
Marahil darating ang panahon na ang komunikasyon ay mapuputol.
Mga obligasyon na dapat unahin,  lugar na dapat lisanin.
Mga takbo ng buhay ay sana palarin.
Ngunit ano man ang mangyari, wag nating kalimutan
na tayo ay mananatiling magkakaibigan.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now