Ang huling tula para kay Ex

22 0 0
                                    

Paano mo nga ba masasabi na tama?
Na tama sila na mali ang desisyon na iyong ginawa?
Na lahat ay pinapamukha na sayo na ang ang gago mo para iwan siya
Na tanga ka kasi may nagmahal na sayo ng tapat pero pinagpalit mo pa.
Hindi ko sinasabing ako to ah, pero parang ganun na nga.

Iniwan kita sa kadahilanang aayusin ko muna ang sarili ko
Sapagkat bumabalik na naman ako sa bisyo ko
Sa bisyo kong hindi na naman marunong makuntento
hindi ako makuntento kahit sobra sobra na ang binibigay mo

Iniwan kita dahil ayoko ng masaktan ka
Sa mga masasakit na salita na aking binitiwan
Mga panahong ika'y aking pinagtatabuyan,
Mga pambabalewala, ako lamang ay iyong layuan

Bakit nga ba? Kasi gago tong minamahal mo.
Na kahit anong gawin ko hindi ako magiging tama para sayo
Na kahit ipilit ko, laging may mas hihigit pa sa pagmamahal na pinapakita ko
Na kahit anong pag iingat ko, nasasaktan ko pa rin ang damdamin mo

Gusto kong bumalik. Gustong gusto kong bumalik sa piling mo
Damhin muli ang mga halik mo
Magpakulong ulit sa bisig mo
Malunod muli sa titig mo
Gusto kong bumalik
Gusto kong bumalik at yakapin kang muli
Gusto kong bumalik at hagkan kang muli
Gusto kong bumalik at mahalin mong muli
Iyon ang gusto ko pero hindi na ata iyon ang gusto mo

Gusto mo ng makawala
Gusto mo ng makawala sa sakit na aking pinaparanas
Gusto mo ng umalis, umalis sa nakaraang ating minsang pinagsaluhan
Gusto mo ng lumayo, lumayo sa babaeng minsan mong minahal
Gusto mo ng kalimutan, kalimutan lahat ng ala ala na ako'y iyong kasama

Masama bang hilingin na wag mo akong kalimutan?
Masama bang hilingin na akin ka lang?
Masama bang hilingin na akoy iyong balikan?
Masama bang hilingin na wag kang mawala?

Siguro nga, masama.

Hindi ko alam kung paano ako makakabawi.

Alam kong ako'y nagkamali
Alam kong ako'y nagpakagago
Alam kong ako'y nanloko
Alam ko na ikaw ay sinayang ko
Oo alam ko! Alam ko rin na Wala ng pag asa
Wala ng pag asa na may part two pa ang pagmamahalan nating dalawa
Dahil nandyan na siya.
Na andyan na siya sa tuwing sinasaktan kita
Na andyan na siya at ika'y pinapasaya
Na andyan na siya at pinapahalagahan ka

Na noon palang ay nandiyan na siya ngunit hindi mo lang napapansin dahil ang iyong mata ay sa akin nakatingin 

Bakit ngayon ko lang napagtanto?
Na sa istorya mo, hindi ako ang permanenteng bida
Isa lang akong karakter na dumaan sa isang kabanata
Na darating ang panahon na sa sunod na paglipat mo ng pahina
Wala ng ako at ikaw.... dahil may kayo na
Na ako'y mananatili sa nakaraan at ika'y magpapatuloy sa susunod na kabanata
Na ako'y mananatiling alaala sa iyong mapait na nakaraan
Na ako'y mananatiling nakaraan, sa nakaraang ayaw mo ng balikan

Sa pagtatapos ng tulang ito, hiling ko na sana matapos na din ang sakit

Ang sakit na naidulot ko sayo

Ang sakit na naglamat sa puso mo

ang sakit na nagpaluha sayo kahit ang sakit sakit na ipaubaya ka sa kanya dahil deserve mong sumaya

Pasensya na, pasensya na kasi sinaktan lang kita

pasensya na kasi napako ang pangakong hindi ako susuko

Pasensya na kasi hindi ko nagawang ipaglaban ka

Pasensya na kasi nagawa kong isuko ka

At pasensya na dahil ngayon, pinapalaya na kita.

Sana maging masaya ka

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now