Regrets, none.

7 0 0
                                    

Ang matagal na paghihintay
ay tila nawalan ng saysay
Ang dating puno ng ngiti,
ay Imposible ng maulit muli

Hindi ko mawari kung ito'y pagsubok sa atin,
O hindi ka lang talaga nakalaan para sa akin.
hangang ngayon ay hindi ko maunawaan
kung ito na nga ba ang ating hangganan.

Gayun pa man, Ako' walang pinagsisisihan
Lamang ang masasayang bagay na aking naranasan,
magagandang lugar na ating napuntahan,
Pag-ibig- kahit hindi man napatunayan.

Salamat pa rin at dumating ka.
Pinaranas mo ang kakaibang saya
Ako'y naging palangiti at dumalas ang pagtawa
Kaya't ako'y nagpapasalamat pa rin dahil ika'y nakilala.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now