Arch Nemesis

8 0 0
                                    

"I was blessing to some, toxic to others."

Ayan ang madalas sabihin ni Ara. Maldita, isnabera, mataray at walang pakielam sa iba ang pagdescribe niya sa sarili niya. Sobrang taas rin ng standard niya sa mga bagay bagay. She's always looking forward to something and forget to look what's in front of her. She always came out strong. Kaya akala ng lahat ay lagi siyang okay.

Akala nila kaya niya lahat.

Akala nila madali lang sa kanya ang lahat, lagi siyang masaya at siya ang laging takbuhan sa tuwing may problema.

Pero akala lang nila yon dahil napapagod na rin siya. Walang nakakakita nung nagbreakdown siya, nung sobrang gulo ng isip niya, nung umiyak siya dahil parang hindi na niya kaya. Napagod na siya

Walang nasa tabi niya nung sobrang lungkot niya, nung sobrang dami niyang problema.

Hindi nila alam na yung taong akala nila sobrang tatag ay sobrang disappointed na sa sarili niya.

I was her best friend, yet I didn't know a thing inside her mind. Isa rin ako sa nag-akalang okay siya. Isa rin ako sa nag-akalang kaya niya. Ni hindi ko siya tinanong kung kumusta siya. Isa ko sa naging dahilan kung bakit nagpakamatay siya.

She was there when I was in my lowest. Noong bumagsak ako sa isang subject ko ay tinulungan niya ako magpaliwanag sa mga magulang ko.

Noong niloko ako ng una kong naging boyfriend ay niyakap niya ako at sinabing "tahan na, wag kang umiyak. Sayang ganda sa pangit na kagaya niya" At nang okay na ako ay sinugod niya ang lalaking yon.

Noong wala akong pang tuition nung college ay tinulungan niya ko mangutang sa parents niya at dinamayan niya ako sa paghahanap ng trabaho.

She was there for me. Always there. yet, I wasn't there for her when she needed me the most.

I didn't know that she's in war inside her head.
I didn't know that she struggle to stay sane.
I didn't know until her suicide note was uploaded

It was a simple note that said:
"I'm tired. I just can't continue this life thing. Goodbye, everyone."
Everyone thought that it was just a sad quote but it shocked me when her sister called and told me to come to their house immediately.

But We're too late, I was too late. Nanginginig akong naglalakad papasok sa kanila. Maraming tao, maraming nakikiusyoso. Palakas ng palakas ang iyakan habang papalapit ako sa kwarto niya. Hindi ko napigilang maluha ng makita ang walang buhay na katawan niya na nakalapag sa kama niya habang nasa tabi si tita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang pag-iyak pero para lang namilipit ang dibdib ko sa sakit.

"Totoo ba to o panaginip?" tanong ko sa sarili ko. Parang nung nakaraang Linggo lang ay ang saya niya pa, marami siyang baong kwento nung nagkita kami, ang gaganda ng ngiti niya kaya paano nangyari ang ganto? Nakumbinsi ko ang sarili ko na baka panaginip lang pero bumalik ako sa realidad nang may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako kung sino ito.

Si Bella. Ang kapatid niya.
Walang salitang lumabas sa bibig namin. Niyakap lang namin ang isa't isa at patuloy na umiyak.

———

Habang nakatingin sa puntod niya ay hindi ko pa rin maiwasang maluha. Marahil desisyon niya ang mawala sa mundong to pero isa pa rin ako sa may kasalanan bakit sumuko siya. I was her best friend yet I failed to be at her side sa panahong kinakain na siya ng kalungkutan. Napatingin ako sa sobreng hawak ko. Hindi ko akalaing planado na niya to. Karamihan ng malalapit sa kanya ay nakatanggap ng sulat pamamaalam. Ang natanggap ko ay higit isang buwan na makalipas ang petsa mula ng sinulat niya ito. Pinunasan ko ang mga luha ko at marahan ko itong binuksan.

September 16, 2022

Dear Nali,

Pag nabasa mo to, ibig sabihin ay sumuko na ako hehe.

I'm sorry if I am unfair and leaving the world first. Sorry if I failed to keep my promises. Sorry if I didn't say a thing and pretending to be okay. Sorry if I gave up. Things are just so messed up, Life becomes dull, tasteless, sad and I can't tolerate it anymore. I'm so tired. I wanted to rest. I'm pretty sure you're sad but please don't be. This is my choice alone.

Please be happy and live your life to the fullest. Do that for the both of us. I'm hoping na maachieve mo yung mga pangarap mo, makapagtravel ka sa iba't ibang bahagi ng mundo, makilala mo yung taong para sayo, makabuo ka ng masaya mong pamilya at mga cute na anak. I know you're a strong woman. You're sweet, caring, loving, intelligent and confident. You deserve all the good things this life can offer. It's a shame I cannot be with you during those times but I will look over you if sa Heaven ako napunta hehe.

Thank you for being my best friend. You don't know how much positivity you incur to me. I would've give up long ago if it weren't for you. Thank you for being the reason I extended my stay here. Thank you for putting smile on my face and for being my one call away. Please keep in touch with my family, they all love you too. Take care of each other, Nali. I love you.

-Ara.

Halos mabasa ang papel dahil sa mga luha ko. Marahas kong pinunasan ang mata ko ngunit ilang sandali lang ay nanlalabo na naman ito gawa ng luha na patuloy sa pagpatak.

Why does it have to end like this? Bakit yun yung solusyon na naisip niya? Why does she have to left everyone?

Maybe if I tried harder, if I just read between the lines, siguro narealize ko sana na may problema. Na sobrang bigat na ng damdamin niya. I should've done better. I should've cared better. But no matter what I do, it's already done. She's already gone. We lost her. I lost her and that's the most painful chapter in my life.

———
I was thinking for years what was biggest struggle a person will face.

Akala ko yung maging insecure sa taong mas better, someone na out of my league, a high level competitor, someone with more accomplishments and with much better life. Pero matapos ang nangyari kay Ara, narealize ko na pinakamabigat na kalaban natin ay ang sarili natin mismo.

Ang isip natin. Ang emosyon natin.

Mahirap kontrolin

mahirap labanan.

Kaya kadalasan ay sinusukuan.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now