Selos

17 0 0
                                    

Selos- isang pakiramdam na hindi ko maiwasan
Hindi ko gusto na kumakausap ka ng iba
Ngunit hindi ko rin gusto na pagbawalan ka
Hindi ako nagseselos dahil mas higit siya
Nagselos ako dahil hindi siya marunong dumistansya
Alam niyang may namamagitan sa ating dalawa
Subalit nagawa niya pa ring kulitin ka
Dapat ba'y ipagsawalang bahala ko na lang?
Maniwala nung sinabi mong ako lamang?
Alam kong walang tayo pero gusto kong maging sa'yo
Di ko mawari kung sasn ako dapat lumagay sa buhay mo
Mahal mo ako pero hindi ka handang um-oo
Hindi mo kayang papasukin ako ng tuluyan sa buhay mo
Paano kung siya ang naunang umamin sayo?
Sasabihin mo rin kayang hindi ka pa handa?
O papapasukin mo na lang siya bigla?
dahil sa tingin mo ay mas higit siya?
Oh dahil mas matagal mo na siyang kilala?
Ayoko ng pinaparamdam mo.
pakiramdam na parang ang daming wala ako.
Bago ka dumating ay sobrang hanga ako sa sarili ko
Ngayon tuloy ay kinikwestyon ko na ang buong pagkatao ko
Na tila hindi ako sapat para sayo
Kaya pag nagpatuloy pa 'to, paalam na agad
Dahil hindi maganda ang epekto mo
Masama ka sa mentalidad ko.
Unti unti akong nauubos sayo.

Inner ThoughtsWhere stories live. Discover now