CHAPTER 46

554 17 2
                                    

Freya POV
"Lis sis, tara na!!" sigaw ni kuya Blake,

"Opo!" sigaw ko at binilisan na ang pagbihis, first day of school namin ngayon sa bagong paaralan at kasama ko sila.

Natapos na ako kayat bumaba na ako at naabutan ko nga sila Nanay, mama,papa, lolo at ang lima kong kapatid na kumakain.

"Hi lil sis, morning" sila kuya
"Morning" sagot ko at umupo na.

"So first day niyo ngayon, hm good luck sainyo, dont pressure too much okay, hayst atsaka alam ko namang kaya niyo yan dahil ang tatalino niyo, mana talaga kayo sakin tsk HAHAHAH" saad ni lolo Diego, kayat napangisi nalang kami.

"Oh bakit totoo naman ah!" Dagdag nito

"Oo na Dad kumain na ho kayo" saad ni mama

"Aba at parang napipilitan kapa, oh sige ngayon niyo subukan ang galing ko, noong nag aaral ako hindi ako ng susulat dahil kaagad na nadedeliver ang mga lesson sa utak ko" depensa naman ni lolo,

hayst ang saya ko sa pagbabago ni lolo.

"Sige na pa wag na"
"Hindi, hinamon niyo ko eh" napatawa nalang kami sa inasta ni lolo at hinahamon pa nga niya si mama, napailing naman si mama pero pinipilit parin siya nito.

"Oh sige sige pa math"
"Sus ezzyy" napahinto naman kami sa pagkain at nag abang sa pakulo ni lolo at mama, huminga na ng malalim si mama at binigkas na nga ang mga numero.

"Ok, 153 x 100 - 15,000 x 3-500+200-600" tanong ni mama na nagpanganga saamin, grabee!!

Tiningan ko si lolo pero nakatulala lang ito, HAHAHAHA

"Lo!"
"Ahh eh sige kumain na kayo, tapusin niyo na yang pagkain niyo at baka malate pa kayo," at nagtawana naman kami

"Wala ka pala lo eh" si kuya Draken
"Eh ano ba ang sagot aber!"
"zero lo, zero" singit ni kuya Eji.

"Aish alam niyo na dahil sa katandaan diba," pagpapalusot nito kayat napailing iling  naman kami.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now