CHAPTER 148: COMEBACK TO ME

186 5 0
                                    

Freya POV

"di pa bumababa si kambal kanina"

"hindi rin siya kumain"

"I knocked the dord earlier but there's no responds"

"natutulog ba siya? "

"ang tagal naman kung tulog lang"

"kuya baka ano na nag ginagawa nito sa loob ah"

"Eya can you get the key duplicate of Eji's room"   utos ni kuya Azz,  kayat dali dali akong bumama, ng mahanap ko na ito ay kaagad na rin akong bumalik sa taas at ibinigay na kay kuya Draken.  Kanina pa kami nag aalala,  di siya lumalabas ng kwarto e,  di rin naman kami makapasok dahil nakalock.

'click'..

Na unlock na ang pinto kayat binuksan namin ito,  bumungad naman saakin ang malinis na kwarto ni kuya, pero ang ipinagtaka namin ay wala maski ni anino niya.

"where is he? " tanong ni kuya Bkake,  hinalughug na namin ang kwarto niya pero wala siya.

'ting! '

"Wait may natanggap akong message" tugon ni kuya Draken kayat napadako ang atensyon namin sa kanya.


'Kambal,  pakisabi sakanila na umalis ako ng bansa,  susundan ko si Chi. Alam ko na kung bakit siya nakipaghiwalay,  nakita niya kasi kami ni Zen pero nag explain na si Zen kay Chi at ako nalang ang nahuhuli.  You guys know how much I love her.

ps. pasensya nat hindi ako nakapag paalam, nagmamadali kasi ako ni hindi na ako nakapagdala ng damit kskssks.  Oh wag kang magdrama diyan, maaari mo ng hiramin ang brief kong naka costumize ng ben10 at spider man gusto mo yun hindi ba?  HAHHA

"g*go!" usal ni kuya Draken ng mabasa ito,  napangiti naman kami,  tsk tsk iba talaga si kuya ah,  ang swerte nila sa isat isa. Napahinga naman kami ng maluwag saka tumalikod na.

"tara bumaba na tayo"

"tara" saad namin, nilingon naman ni kuya Azz si Kuya draken at mapang asar itong nginisihan.

"sige na Draken,  wag ka ng mahiya tayo tayo lang namang magkakapatid. Pfft diko alam na hanngang ngayon ay paobrito mo parin ang costumize ben10 ni Eji"

"wuyy ano ba! "

"HAHAHAHAAHA"

Chi POV

Nandito na kami sa bahay ni tita, alas otso na ng gabi kayat nandito ako sa kwarto ko. Nanghihina parin ako sa nalaman ko. Paano ko naiwan si Eji, bakit ba ako nakupaghiwalay sakanya ng hindi ko nalalaman ang lahat arghh! 
Ginulo gulo na ang buhok ko saka gumulong gulong sa kama, 

"kainis! kainis!! "

"TOK! TOK! TOK! "

Napahinto akot kaagad na bumangon,  binuksan na nito at bumungad si tita saakin na may ngiti sa mga labi,  ayy bat naman?

"bakit po tita? " tanong ko, pero nanatili parin siyang nakangiti,  wahh ang creepy!  omg dikaya doppleganger to ni tita?  uso rin ba ang dopple ganger dito sa London?  nakss naman.

"HAHHA kung makatingin ka ay parang takot na takot ka saakin ah.  Oh siya oh siya may naghahanap sayo sa baba kayat halikana" saad nito at umalis na.

Naghihintay saakin sa baba?  sino naman?  wala naman akong kilala dito ah? kakarating ko lang,  may friend na agad ako. Bagamat nag aalangan ako ay inayos ko na ang sarili ko sa salamin at ianyos ang buhok kong gulomg gulo, 

hindi naman yata ako prinaprank ni tita no?

Bumaba na ako at pagkababa ko ay wala naman,

" tsk sabi ko nga e, prinaprank ako ni tita" saad ko sa sarili at tumalikod na pero agad akong napahinto ng makita si Eji na nakatayo.

"E--ji" nauutal na tugon ko kasabay rin ang pagtulo ng luha ko.

"Eji!! " saad ko muli at kaagad ko na itong niyakap,

"Chi,  I'm sorry" nanlambot naman ang puso ko dahil sa boses niya na rinig na rinig ko.

"miss na miss na kita,  ka-kahit lang dito sa panaginip ko ay makayakap kita. Sorry sorry talaga,  huhuhu mahal na mahal kita" niyakap ko ito ng mahigpit at isinubsub ang mukha ko. Pati sa panaginip ko ay naririto siya, kahit dito lang maramdaman kong yakap yakap ko siya.

Narinig kong mahina itong natawa, shemayy namimiss ko tawa niya huhu

"anong pinagsasabi mo?  nandito ako.  Hindi to panaginip" saad niya,  kita muna pati pagsasalita niya ay totoong naririnig ko. Hinawakan na nito ang dalawang braso ko saka hinarap sakanya,

" pakiusap wala sanang gumising saakin ngayon. Mag sstay lang muna ako dito sa panaginip ko" pagdarasal ko,  rinig ko pa ang pagpipigil tawa niya, iminulat ko na ang mga mata ko at nakita kong nakayuko ito at nagpipigil ng tawa,  napangiti naman ako sa nakita ko,  mukhang binabangungut ako sa ginawa ko. Tumingin na ito saakin saka lumapit at at pinisil nito ang pisnge ko.

Teka?!

Napahawak ako sa pisnge ko

Nakaramdam naman ako ng sakit

Panong?!!

Gulat akong tumingin sakanya.

Kumurap kurap pa ako? pero sa twing iminumulat ko ang mga mata ko ay nakikita ko siya sa harapan .

Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko pero nandiyan parin siya.

HINDI AKO NANANAGINIP?!!

impossible?!

hindi!  hindi binabangongot yata ako. Sinampal ko pa ng mahina ang sarili ko na ikinagulat niya.  Ang sakit ng pisnge ko!  ibig sabihin totoo nga?!!

"AHHH! " sigaw ko at napaupo sa sahig.

"i--i-ikaw?!!  p--p-paano ka nak-apunta dito?! " gulat na saad ko at itinuro turo ito maski yung nakangiti niyang mukha kanina ay napalitan ng gulat.

"s--sinundan kita" sagot nito,  sumunod siya saakin?  dito sa London?!!!

"Chi"

Lumapit na ito saakin at inalalayan akong tumayo. Ramdam ko ang paghawak niya,

Nandito nga siya!  nandito nga si Eji sa harapan ko!!

"mahal kita Chi,  hindi mo kailangang isauli ang puso ko dahil ikaw ang nagmamay ari nito.  Patawarin mo ako Chi" malumanay na saad nito at lumuhod,  shekss napaiyak tuloy ako.

"Tumayo kana Eji. Pinapatawad na kita" kaagad namang nagliwanag ang mukha niyat niyakap ako ng mahigpit.  Ang Sarap,  ang sarap sa pakiramdam na akin nga siya.

"salamat at hindi mo ko iniwan. Patawarin mo rin ako" saad ko sakanya,  hinaplos nito ang ulo ko saka na kami naghiwalay ng yakap.

"mahal na mahal kita bumbum" nyaaaa nabuhayan na ulit ang puso ko ng tinawag niya akong bumbum.  Napangiti naman ako.

"iloveyou too bumbum" sagot ko,  hinawakan na nito ang batok ko saka inilapit sa mukha niya.

"loveyou more" mahinang saad nito hanggang sa naglapit na ang labi naming dalawa.

Salamat dahil ibinalik niya rin siya saakin.




A/N: EPILOGUE NA ANG SUNOD!! KYAHHHH!!!  SALAMAT SA PALAGING PAGSUBAYSAY SA STORYANG TO AH. KAHIT DI GAANO KAGANDA.

KATAPOS NG EPILOGUE AY MAY PAHABOL ITO,  (yung mga letters na ibinigay ni Freya noon kay Levi, yung OPLAN 8 DAYS LETTERS PARA KAY CRUSH)  tapos sunod naman ay yung ILANG FACTS DITO SA STORY.

btw,  thankyou sa lahat ng aking mga mahal na readers, labyahh💛💖

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon