CHAPTER 75: LIBAGERS

302 10 0
                                    


Freya POV
Napalunok ako ng malalim, bat dipa kasi siya umalis!

"U--umalis ka-nga!" nauutal kong saad, tumaas naman ang isang kilay niya saka nagsalita.

"Bat naman ako aalis?!" saad nito,

shekss,

tiningnan ko ang paligid pero walang tao, pagkatapos ay tumingin ulit ako sakanya pero mas inilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko kayat medyo ibinaba ko ang katawan ko.

"May gusto ka pala saakin, kaya pala tingin ng tingin ka saakin" sarkastikong saad niya,

huh?!

Tingin ng tingin? eh siya nga itong tingin ng tingin! tsaka nagkakataon rin namang nagigi titigan kami.

"Nagkakataon lang yun, tsaka hindi porket crush kita eh palagi na kitang tititigan, isa pa, yung talent mo yung crush ko hindi yang mukha mo" saad ko,

totoo naman ah.

"Kahit ano pang sabihin mo, iisa parin ang ibig sabihin niyan yun ay--CRUSH MO KO" saad niya at mas diniinan pa ang salitang 'crush mo ko' tsk oo na.

argghh nasa huli talaga ang pag sisisi.

Napatitig nalang ako sakanya hanggang bumaba ang tingin ko sa labi niya, hindi ko yun type kayat mas bumaba pa ang tingin ko, hanggang sa huminto na nga ang mga mata ko sa nakabukol na butó sa leeg niya, ang adams apple niya!

ewan ko pero naattract ako dito,

Diko namalayan na inilapit ko na ang kamay ko sa leeg niya dahilan para manglaki ang mga mata niya

"Anong ginagawa mo!" singhal niya pero diko to pinakinggan,

"Wuyy ano ba!" at hinawakan ang kamay ko at inilagay ito sa pader,

"Bat mo hinahawakan ang adams apple ko! sira kaba!" inis na saad niya, teka bat naman siya naiinis, itinaas ko ang isa kong kilay at tiningan siya.

"Hoyy For your information! hindi ko hinahawakan yang adams apple mo, leeg mo ang hinahawan ko! Leeg mo!"

"Tsk palusot kapa eh!" umiwas na ito saakin at tumingin ulit saakin habang nakapamaywang

"Sige, Oh tapos!? At bat mo naman hinahawakan ang leeg ko?!"dagdag niya,

"Kasi!" panimula ko at lumapit sakanya at itinuro ang leeg niya.

"MAY LIBAG YANG LEEG MO! Yakss kaderder!" saad ko, at kita ko namang nanlaki ang mga mata niya at kaagad na hinawakan ang leeg niya, tsk pasalamat siyat tinanggal ko ang kwentas niyang  dumi sa leeg, HAHA,

pero wala naman talaga siyang dumi, inaasar ko lang talaga siya HAHA at success nga, pfft, laughtrip ang potek.

"HAHHAHAHHA" tawa ko ng malakas,

"HAHAHA te-ka HAHA teka, aray sakit na ng tiyan ko BWAHHAHAHA" tawa ko pa saka itinuro ang mukha niyang takang tanga I mean takang taka ngayon.

"HAHAH uto mo naman" at pinahid nga niya ang leeg niya saka kunot noong tumingin saakin habang akoy nagpipigil ng tawa

"Pinagtritripan mo ba ako! babae!" inis na usal niya, at tumango tango naman ako, dahilan para mapaawang ang baba niya, maya maya pay nakausad narin ako kakatawa, huminga ako ng malalim saka tinapik ang braso niya.

"Ohh siya aalis na ako, bye bye, lalaking may libagers Pfft HAHA"tanggal angas niya Haha

"Abat---" di na niya natapos ang sasabihin niya ng tumalikod na ako at umalis, habang naglalakad ako ay naiisip ko ang itsura ni Inigo,

yung naglalakihan niyang mata, paniwalang paniwala talaga siya, libag sa leeg?!

Libagers HAHAHAHA.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now