CHAPTER 66: WEIRD! WEIRD!

379 14 0
                                    


Freya POV
Bumalik na ako pero bago paman ako makarating ay tinaggal ko muna ang jacket ni Levi at inilagay sa bag ko, dahil kapag nakita nilang suot suot ko to ay naku! alam ko namang maisyu yung mga kuya ko tsk, baka ano pa ang isipin nila.

Nandon na silang lahat sa labas ng tent kayat nagtungo na ako rito para magpaalam na uuwi.

"Eyy sis, teka- bat ka basâ?" biglang tanong ni kuya Blake, tiningnan ko si Levi pero nag iwas siya ng tingin.

"Ah wala nadulas lang sa ilog" sagot ko kayat napalingon naman saakin ang lima kong kapatid na nanlalakihan ang mga mata.

"Ano?!!"
"What the--Eya, paano kung nalunod ka?!!" ito nanaman, namamayani nanaman ang pagka OA nila.

"Wag nga kayong OA hindi nga umabot sa tuhod ko ang tubig ah" saad ko at pinagtatapik ang mga braso nila ng mahagilap ng mga mata ko si Levi na umiinom ng juice, napadako ang mga mata ko sa leeg niya, ang adams apple niya!!

Aish bat yun nalang lagi ang napapansin ko!

Umiiling-iling ako at ng tiningnan ko ulit siya at nakatitig rin siya saakin kayat nanlaki ang mga mata ko at umiwas na ng tingin.

"Wuy Freya" tawag ni Mark saakin, nilingon ko naman siya at nakita kong pinagmasdan nito ang mukha ko, anong bang meron sa mukha ko?!

"Ah teka bat namumula ka?" tanong nito, ako namumula?! napatingin silang lahat saakin at pinagmasdan rin ako, maski si Levi ay nakatitig rin,

WAHHH, bakit?!!!

"Oh mas lalo kapang namula  nagblublush ka!" saad naman ni Jaspher kayat kaagad kong hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"Aalis na nga ako!" pagpapaalam ko at umalis na,

pambihira, ito na yata ang nakakahiyang araw sa buhay ko.




Levi Inigo POV

Ang weird ng kapatid nila Azz, sometimes I just caught her staring at me?! Is she observing me o baka naman pingamumura na ako nito sa isipan niya, but why?!, At oo nga pala bat ko naman binigay ang jacket ko sa babaeng yun, tsk, oo nahulog siya pero diko naman kasalanan yun dahil hindi naman ako ang bato. Aish she driving me crazy~

"Wuy baby ang lalim ng iniisip mo ah" saad ni ate, pero diko ito pinansin.

"Pst Inigo, alam mo bang crush ka ni Freya noon" saad ni Christian, really?! yung babaeng yun may gusto saaakin, now I know kung bakit panay tingin niya saakin, hindi ako assumero sadyang yun lang ang totoo. Pero anyway di ako magkakagusto sa tulad niya, tatanga-tanga eh.

"Hoyy! kanina kapa kinakausap ah" singhal ni ate Amor, hayst natutulala nanaman ako.

"Oh ano Inigo anong masasabi mo?" tanong ni Christian kayat kinunutan ko naman siya ng noo.

"Ano?!"
"kakasabi ko lang eh"
"Ano nga?!"
"Sabi ko crush ka ni Freya noon"
"Di ako intresado" saad ko at kumain na ulit.

"Ang cute cute kaya niya!" singit ni ate, cute nga siya eh kaso wala akong pakialam.

Umiling-iling nalang ako at kumain na ulit ng maalala ko ang nangyari kanina. Yung paglahad niya ng tubig, noong nahulog siya (nag alala ako nun di ko siya tinulungan dahil nakita ko naman siyang okay), yung pagtakip niya sa mata niya noong tinaggal ko ang jacket ko.

Habang nererewind ko ang nga nangyari kanina may naramdaman akong sumiko saakin.

"Ang creepy mo pre, bat ka nakangiti"

"Wuyy boii bat mo nginingitian si Japsher" saad ni Clyde,nakangiti ako habang nag iisip sa babaeng yun?! At nakatitig pala ang mga mata ko kay Jaspher habang lutang na lutang ako,  nagpuppy eyes naman si Jaspher tila nang aakit.

"Ikaw ah Inigo, pinagsasamantalahan mo ako" pabebe nitong saad.

"Tumigil ka nga Jaspher kadire ka ah" singhal ko at kumain.

"Wow ah! ikaw itong titig na titig saakin tapos bigla nalang ngumingiti" sabat niya.

"May iniisip lang ako, diko naman namalayan na nakatitig na pala ako sayo" sagot ko naman

"Ang weird mo!" singhal niya, diko na ito pinansin at kumain na kami.

Nalulutang ako kakaisip sayo babae, tsk tsk!

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now