CHAPTER 53: RUNAWAY

433 17 0
                                    


Freya POV

"WAHHHH FREYA!! " kaagad na bungad saakin ni Chi ng makapasok ako sa restaurant,  kaagad naman itong tumakbo sa gawi ko at niyakap ako ng mahigpit.

"A-aray Chi,  di ako makahinga" nahihirapang saad ko kayat humiwalay na siya ng yakap.

"Na miss kita! "
"na miss rin kita Chi"
"Ano pala ang gagawin mo dito? "
"Magtratrabaho ako at kakain" nakangiting saad ko at tumango tango naman ito.

Nagbihis na ako at naglagay ng apron saka sinimulan ng magtrabaho.

"WAHH nandito na sila!!"
"Omgg!! Ang gwagwapo!"
"Ayy sayang naman hindi sila dumaan dito"
sigawan na narinig ko sa labas, iniangat ko naman ang leeg ko para tingnan ito, may itim na kotse pero umandar na ito.

"Wuy sino kaya yun?" biglaang tanong ni Chi na nasa tabi ko

"Diko rin alam eh" sagot ko ng biglang mag ring ang phone ko.

"Hello, kuya Clyde"

("Hi lil sis")

"Bat ka napatawag?"

("Bilhan mo naman ako ng mga snack sa mall, tas dalhin mo dito, isesend ko nalang sayo ang adress"

"Ok sige sige"

("Tsaka may ipinadala pala kami para maging safe ka HEHE, tsaka wag kang magalit ah") saad niya na ikinakunot ng noo ko,

("Babye")
"Bye"

Ano naman kaya yun?

Bagsak balikat akong naglalakad ngayon papasok sa mall, eh pano ba naman kasama ko pa ang mga bodyguard nila pinagtitinginan tuloy ako ng mga tao, natatakot daw kasi sila lalo na si kuya Azz na may mangyari saakin tulad ng nangyari saakin noon sa kamay ni Mike.

Haystt, sayang di rin nakasama si Chi saakin may sakit kasi si tita.

Hayst paano kaya ako makakatakas dito, nilingon ko naman sila at timing! busy sila kakatingin sa paligid, kayat dali-dali akong tumakbo.

"Anong---ma'am!!!"
"Ma'am Freya!!"
"Ma'am lagot po kami sa mga kuya mo, MA'AM!!"

Pasensya na mga kuyang bodyguard pero gusto kong mapag isa.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo pero hanep mabilis rin sila. May nakita akong ang escalator kayat umakyat na ako rito pero hanep pababa pala ito, ang tanga-tanga ko naman.

Bumaba na ulit ako at tumakbo ng tumakbo hanggang sa diko na nakayanan, huminto na ako na hinahabol ang hininga ko, buti at hindi na sila nakasunod.

"Omyy ayun si Levi!"
"Levi!"
sigawan ng mga kababaihan habang nakaturo sa pwesto ko.

"Levi?!" mahinang usal ko at may katabi nga akong lalaki.

"D*mn" mahinang mura nito at walang lingon lingong, hinugot ako.

"Wuyy teka--"

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now