CHAPTER 133: AZZ PICK-UP LINES

165 6 1
                                    

KINABUKASAN

Amor POV

"haysst kapagod! " saad ko sa sarili saka iniyuko ang ulo ko sa counter table,walang katao tao dito dahil lunch break na. Grabee ang hirap maging doctor pero worth it naman. Nag over duty rin ako kagabi ni hindi nga ako naka attend sa engagement party ng kapatid ko. Pinanatili ko lang ang posisyon kong ito ng makarinig ako ng mga yapak,  hudyat na may naglalakad patungo saakin.

Kaagad ko ng iniangat ang tingin ko at nakita ko nga siya na naka mask,  at nakasuot ng napakahabang coat, huminto na siya sa harapan ko at inilahad ang isang plastic na may naglalaman na pagkain. 

"salamat" ngiti kong tugon saka na ito inilagay sa counter. Tumingin na ulit ako sakanya at tinanggal na nga niya ang facemask niya.

"Anong ginagawa mo dito? " tanong ko kay Azz, tumingin na siya saakin saka nagsalita.

"I'm just checking the d3ad" he answered dahilan para gulat akong tumingin sakanya,  p4tay?!  sinong patay?!

"huh?!  bakit sinong n4matay?! " natataranta kong tanong at nakita ko naman siyang bahagyang ngumisi,  pambihirang lalaki to,  may patay na nga ngumigisi ngisi pa!

"You" sagot nito kunot noo ko naman siyang tiningnan, "huh? ako?"

"p4tay na p4tay ka sakin eh" saad nito samantalang napakurap kurap naman ako,  pambihira!! 

Nakapameywang naman ako sa tinaasan siya ng isang kilay.

"aber at sino namang nagsabi? " mataray na tanong ko,  oo na gusto ko nga siya pero ang proud naman yata niya. Inilapit naman niya ang mukha niya sa mukha ko habang nakangisi pa ito samantalang natameme naman ako.

"puso ko" sagot niya at kumabog nga ng malakas ang dibdib ko,  feel ko ang pula na ng pisnge ko sa kilig!!! 

WAHHH AZZ tama na masama to!

"tskk iwan ko sayo" at tinulak ito pero ang totoo'y,  ackk alam niyo na kilig talaga ako pero dapat di halata noh baka ipagmalaki niya lalo na p4tay na p4tay ako sakanya, no!...

Umayos na ako ng tayo at ganoon rin siya.

"magpapa-check up kaba? " tanong ko sa ngayon ay siya naman ang kumunot ang noo saka marahang umiling.

"No I'm not" tumango ako

"hmm, kala ko kasi ipapacheck up mo yung puso mo...kung tumitibok pa saakin" banat ko, 

boom!!! kilig 2.0

"tsk" tumingin siya sa kaliwa saka tinakpan ang bibig niya,  shemayy pinipigilan niya ang pagngiti niya,  kinilig amputekss haha.

"yiee kinilig siya" pang aasar ko pa saka tinusok tusok ang tagiliran niya,  siya naman iyong deny ng deny.

"okay okay.." pagsusuko niya,  oh diba sabi sainyo kinilig ang Azz Shantell natin,  kinikilig rin pala tong tahimik na to.

"Ikaw?"

"hmm, anong ako? " turo ko pa sa sarili ko

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now