CHAPTER 83

316 8 2
                                    

Haddison POV

Nandito kami sa bahay nila Levi pero hanep di manlang kami inaasikaso nito, nasa sala lang ito at pangiti ngiting nakatutok sa cellphone niya, siguradong kachat nanaman nito ang girlfriend niya.

"oh mga iho kain muna kayo" saad ni tita, ang mama ni Levi,

"salamat po tita" sagot namin, inilagay na nito sa mesa ang masasarap na cookies na niluto ni tita kasunod naman niya si tito na may dalang alak, kayat pinalo siya ni tita sa braso

"aray"
"mahal ano yan!" saad nito sabay turo sa bote na hawak hawak ni tito.

"ano kaba mahal, dapat may refresher ang mga bata kapag matapos kumain, pampatunaw ng pagkain sa tiyan nila, diba, tsaka malalaki na naman sila" depensa ni tito, napailing iling nalang si tita at inalgay narin ni tito ang bote sa mesa.

"HEHEHE, katapos niyong kumain mag inom inom kayo, para naman fresh diba!" saad nito saamin, napatawa nalang kami ng mahina at tumango.

"opo tito, salamat po" sagot namin.
"walang anuman"

Mababait sila Mr. At Mrs. Fuego, iwan ko nga kung saan nagmana ang medyo pagiging yelo ni Levi eh.

"Levi anak, dito ka" tawag ni tita sa kanya pero  mukhang walang narinig si inigo, tss pasaway talaga. Hinarap ko na ito naman si tita.

"kami nalang po tita ang mag aadjust, siguradong kachat po niya ang mahal niyang girlfriend" saad ko at nakita ko naman ang pagngiti ni tita.

"binata na talaga si Inigo, parang kailan lang, ang babata niyo pa noong pumasok kayo sa industriya ng pag aarte, tas ngayon! Hay naku mukhang ilang taon nalang ay magkakasawa na kayo" iiling iling pang saad ni tita, nagtinginan naman kami at tumawa.

" naku tita, matagal pa po, mukhang si Inigo nga ang mauuna saamin eh" sagot ni Mark at tumangin kaming lahat kay Levi na ngayon ay kilig na kilig na nagtatype sa selpon niya.

"HAHHAA oh siya sige, maiwan na muna namin kayo't kami'y magtratrabaho pa" saad ni tito.

"sige po tito, ingat po kayo"paalam namin at umalis na nga sila.

"tara don tayo" saad ni Jaspher at dinala na ang pagkain namin, nagtungo na kami sa sala at umupo na. Nag salin na si Christian ng alak at uminom katapos ay binigyan niya rin si Levi.

"oh Levi uminom ka" napatingin naman si Levi sa kanya at sa kalahating baso ng alak na nasa kamay ni Mark.

"bakit?"

"advance celebration para sa breakup niyo"saad ko at mahinang tumawa naman ang tatlo.

"pshh iwan ko sainyo!" inis na saad nito saka kinuha ang baso at inlunok ang alak.

"baka magbreak kayo niyan ah, kilig na kilig kapa naman ngayon" saad ni Japsher, tumingin naman si Levi sakanya at ngumiti.

"talaga?! An-nong ginagawa ko? Pano ako kiligin pre?!" excited na tanong niya at niyugyug pa ito.

" yun tipong ihing ihi kana" sagot niya, napasinghal naman si Levi at umupo na, sakto rin na dumating si ate Amor.

"Hi ate Amor!" bati namin, lumapit na naman ito saamin at umupo saka kumuha ng isang cookie.

"Uyy Levi, pansinin mo naman tong mga kaibigan mo, natatutuk ka diyan sa selpon mo eh" suway ni ate Amor pero dinilaan lang siya nito.

"Naku ate, kachat nanaman niya ang pinakamamahal niyang si Dalia eh, mukhang ipinapagpalit na yata kami ni Levi sa girlfriend niya" tila nagtatampong saad ni Mark.

"hindi naman sa ganon" singit ni Levi at nagselpon ulit, napabuntong hininga nalang si ate amor at umiling iling,

"eh kayong apat kailan naman kayo mag gigirlfriend?" tanong ni ate Amor, kayat tumingin kami sakanya

"eh ikaw Ate kailan? mukhang nauunahan kana ni Levi ah, mas matanda kapanaman sakanya" saad ko.

"oo nga ate, tsaka siguro marami kang nirereject kaya wala kang jowa ngayon at isa impossibleng walang magkagusto sainyo dahil ang ganda niyo" saad naman ni Mark.

"apply kaming apat ate" biro ni Jaspher at nagtawanan kami, ganito talaga kami magbiruan pero hindi naman ito sineseryoso ni ate Amor, ateng ate na talaga siya para saamin kahit dalawang taon lang ang agwat namin sakanya.

"naku naku, tong mga to no, ayoko, masyado kayong binata para saakin, maghanap nalang kayo ng kasing edad niyo o mas bata sainyo" sagot niya.

"eh ate gusto namin ng mas matanda samin eh" usal ko.

"ah ganon, edi maghanap kayo ng señior citizen HAHAH" saad nito at tumawa .

"grabe kanaman ate" usal namin.

"HAHAH oh siya oh siya,tama na ang biruan,  tayo na't mag merienda" alok nito kayat nagsikain na kami.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now