CHAPTER 86: FRIEND DATE

280 11 0
                                    


Freya POV

"Ako daw ang date mo ngayon" walang ganang saad ko,  kita ko namang tumaas ang isang kilay niya.

"ano? "di makapaniwalang tanong nito,
"sabi ni ate Dalia ako daw muna ang mag dadate sayo tsk" saad ko,

"WHAT?!  prinaprank mo ba ako,  babae?!  tsaka bat naman kita idadate?  jowa ba kita? " aray naman,

nilingon ko naman ito.

"kung ayaw mo edi mabuti,  diko din naman gusto" saad ko, mas mabuti nga, akmang maglalakad na ako ng may maalala ako

*FLASHBACK*

"ayoko po ate siguradong di papayag si Inigo"

"pilitin mo siya"

"paano kapag hindi pumayag? "

" pilitin mo parin,  ayokong umuwi siya ng malumbay eh,  gusto ko mag friendate kayo,  friendate lang naman. At saka kapag hindi mo siya napilit, ipopost ko tong stolen picture mo habang kumakain"

"Huh?!!!!  grabeng blackmail naman yan!"
"HAHAH kayat pilitin mo siya okay,"
"haysst sige na nga"

*END FLASHBACK*

So ngayon napa isip ako,  kailangan ko ngang mapilit si Inigo, 

"ayoko!  ayoko! " saad niya at nilagpasan ako,

aba dapat akong makagawa ng paraan

"hoyy mag friend date tayo! di mo ba ako narinig?!  FRIEND lang FRIEND! " sigaw ko,  napahinto naman ito at nilingon ako saka lumapit saakin.

"at bakit mo gustong makipag date? "
"dahil hindi ikaw ang mapapahiya kong hindi ka pumayag"
"wala na akong pakialam" saad niya at tinalikuran ako,  ah ganon!

"Fine,  atsaka di naman ako ang nasayangan ng LAWAY si ate DALIA naman" pagpaparinig ko at napahinto ito,  aba epekteb!  bwahaha, kayat pinagbutihin ko pa ang pag aarte yung tipong maguiguilty talaga siya.

"nakaka awa nga si ate DALIA,  napaos kaka PLEASE saakin na itreat ko ang jowa niya DAHIL SABI NIYA AYAW NIYANG UMUWI NG MALUNGKOT ANG PINAKAMAMAHAL NIYANG JOWA" dagdag ko pa, dinidiinan ko rin ang ilang salita, at nararamdaman ko nang  nag iisip na siya.

" Haystt sabagay okay lang naman saakin, pero kay ate Dalia tss tss" saad ko pa at umiling iling,

jusko naman! pumayag kana kasi nakasalalay dito yung bibig kong kaylaki na pinicturan ng abno mong jowa eh,

"siguro kapag nalaman niyang malungkot na umuwi ang jowa niya baka ay mag overthink siya tsaka di maka tulog, tska di makakain hanggang sa magb1gte na siya" saad ko, di na nito matitiis kayat lumingo ito at nilapitan ako,  hinawakan niya ang magkabilang braso ko at isinandal sa may pader.

"tumigil kanga kahit ano ang mga pinagsasabi mo eh"

"pumayag kana kasi tsaka frienddate lang naman,masyado ka namang assumero"

"ay wow, baka nakakalimutan mong crush moko"

"noon lang yun di na ngayon"
"aishh" singhal nito at lumayo na saakin sakto namang tumunog ang cp niya.

"hello, why?,  ganon ba?  sige ingat ka lagi ah,  love you" sagot nito at pin4tay na, bumaling na ulit siya saakin, bumuntong hinga pa ito bago nagsalita.

"Dalia explain me everything, she said shes busy but at the same time she doesn't  want me to go home unhappy so she sent you, not knowing  that it could made me more unhappy" ayy wow ah,  edi sisihin niya ang jowa niya,  pambihira!

"but anyways ayoko rin na masayang ang laway niya kakausap sayo" saad nito at hinawakan ang pamulsuhan ko saka tumakbo, pero habang tumatakbo kami ay narinig ko itong nagsalita.

"why she always do this? bat, I have a doubt that I didn't  feel her love anymore" bulong niya sa sarili pero narinig ko ito, ewan ko lang kong tama ba itong pagkakadinig ko. Tiningnan ko ito pero walang expression ang mukha niya.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now