CHAPTER 100: SAVIOR

310 13 0
                                    


Freya POV

Gabi na at uwuian na namin pero yung mga kapatid ko ay nandito parin mukhang nagkakasiyahan nga sila.

"paalam sa inyong lahat" pagpapaalam namin ni Chi at lumabas na kami. Naglakad na kami at ng tingnan ko si Chi ay mukhang malalim ang iniisip nito.

"okay kalang ba?" tanong ko pero parang wala itong narinig, siniko ko naman ito dahilan para tumingin ito saakin.

"huh? "
"okay kalang ba kako? "

"ah oo naman"
"sus, wag mong sabihing iniisip mo parin ang babaeng past ni kuya"

"hindi ah, wala naman yatang rason para isipin ko yun diba? " sagot niya.

"sige sabi mo yun eh" saad ko, ngumiti naman ito saka niyakap ang braso ko,

"halikana! " saad nito at hinugot ako.

****

"oh siya pano, dito nalang"
nandito na kami sa may eskenita kung saan maghihiwalay na kami ng daan ni Chi. Tumango naman ako sakanya at ngumiti.

"sige, ingat ka ah" saad ko
"ikaw rin"
"bye!"
"byee! "
paalam nito kayat naglakad na ako, sa kalagitnaan na ako ng daan ng makita ko ang apat na kalalakihan na nakaupo sa gilid ng kalsada, huminto na ako at nag isip kong dadaan paba ako o hindi kaso wala na akong madadaanang iba.

Yumuko na ako at binilisan ang paglalakad ng biglang may mabunggo ako, iniangat ko ang tingin ko at laking gulat ko ng bumungad ang mukha ng ex ko, si Mike.

"uyy mga {singhot} pare, tingnan niyo oh {singhot} yung ex ko" tawag niya sa apat, bat panay singhot siya at namumula ang mga mata, kinakalabutan ako sakanya, nag dr*dr*gs ba siya?

Kaagad namang nanlaki naman ang mga mata ko ng magsilapit sila at pinalibutan ako.

"wow pare ang big time mo naman, akalain mong nagka jowa ka ng mayaman, kapatid pa ng mga artista" saad ng isa, kinakabahan na ako, gusto kong umalis pero hinaharangan ni Mike ang daan ko.

"pa-paalisin niyo na ako" nauutal na saad ko habang yakap yakap ko ang sarili, nagsitinginan naman sila at humalakhak.

"HAHAHAH ano ka sweneswerte? katapos akong saktan ng kapatid mo noon? " tila inis na saad ni Mike at hinawakan ng mariin ang panga ko,

ang sakit!

"aray ko ano ba, bitawan mo ko! " naiiyak na saad ko, binitawan niya naman ako at maya maya pay sininyasan niya ang isa niyang kasamahan, tumango naman ito at may kinuha saka lumapit kay Mike, binuksan nito ang isang supot at kaagad namang nanlaki ang mga mata ko ng makitang dr*ga ito, naglagay siya sa bibig niya at pagkatapos ay idinuldul nito muli ang kamay niya sa supot at ipinakita saakin.

umaatras ako pero itinutulak lang ako ng mga kasamahan niya.

Mama, papa, lolo, kuya!!
tulungan niyo ko!!!

"kainin mo" saad niya at umiling iling naman ako sabay tulo ng luha ko,

nahihibang na nga siya!

"ibuka mo tong bibig mo!! " inis na saad niya at hinawakan muli ang panga ko,

"pakawalan niyo na ako pakiusap!, tulong!!!! " kahit papanoy nakasigaw pa ako,

"HAHAHA walan makakarinig sayo babae" saad ng isa at nagpatuloy langa ko sa pag iyak.

tulong!! tulungan niyo ako, kinapa ko pa ang bulsa ko at nakuha ko ang selpon ko pero kaagad namang may umagaw at itinapon ito.

"Kainin mo to!!! " malakas na boses ni Mike

"sabi nat--arayyy! " nabitawan na ako nito at napahwak siya sa noo niya, dumudugo ito,

"sino yun?! " inis na saad ng isa niyang kasamahan, kaagad naman akong nagtungo sa gilid, umupo na ako sa sahig at niyakap ang dalawa oong tuhod.

"hoyy ikaw! " sigaw ni Mike sabay turo kong saan, at may nakita nga kaming isang pigura ng lalaki na nakatayo,

si Levi.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now