CHAPTER 99: SHE'S MINE

314 10 9
                                    


Chi POV

"Chi dalhin mo nga to sa VIP room" utos ni chief, takte bat ako!? ayss oo nga pala hindi ako puwedeng umangal,  trabaho ko to eh, kinuha ko na ang ilang inumin at pagkain saka nagtungo sa nasabing silid, rinig ko ang masayang kwentuhan nila,  huminga muna ako ng malalim saka pumasok na, lahat naman ng atensiyon nila ay napuna saakin, ngumiti na ako sakanila saka lumapit na at inilagay sa mesa ang mga pagkain at inumin.

"Chi,  pakibigay naman ito kay lil sis, sigurado akong gutom na gutom na siya, ito rin para sayo" saad ni Azz at inilahad ang isang platong may naglalamang pagkain.

"salamat po"

"Chi ito rin kainin niyo rin tong dessert,  kawawa naman ang kapatid ko baka hindi napakain ang mga bulate  sa tiyan niya" saad naman ni Clyde kayat tinaggap ko na rin ito.

"pakisabi na rin sa ilang staff at chief na maari silang kumain" dagdag naman ni sir Eji, ang bait bait talaga nila, iniisip rin nila ang iba. Pero diko kayang dalhin to lahat.

"let me help You" presenta ni Eji,  napatingin nalang ako sakanya ng tumayo ito at dinala ang ilang pagkain, samantalang tahimik naman sila at kumain na,  tiningnan ko pa yung babae, busy ito sa pagkain pero grabee mas maganda pa pala siya kapag harapan.

"salamat po" pormal na saad ko at lumabas na kami. Wala mo nang kumibo saamin hanggang sa nakarating na nga kami kay Freya.

"Kuya" bati ni Eya, inilagay na namin ang pagkain sa mesa.

"para saamin bato? " tanong ni Eya at tumango naman si Eji, hinawakan pa nito ang ulo ni Freya saka ginulo gulo ang buhok niya.

"kumain kana, alam kong patay gutom ka"
"grabee ka ah"

"Manager, pakisabi sa mga staffs at chiefs na kumain na rin"

"opo sir Eji"sagot ni manager.

"Chi,  pakitawag ng mga chief doon sa kusina pupuntahan ko lang ang mga staff sa itaas at sa labas" utos ni manager saakin,

"opo manager" magalang na saad ko akmang maglalakad na ako ng hawakan ni Eji ang kamay ko, 

"samahan na kita" seryosong saad nito, tiningnan ko si Freya pero punong puno naang bibig nito kakakain.

"ahh-eh sige"naiilang na saad ko at binitawan na niya ako, nagtungo na kami sa kusina at pumasok na.

"Chiefs kumain lang raw ho muna kayo" saad ko, at nagsitinginan nga silang lahat sa gawi ko, 

"magandang araw ho sir Eji" bati nila at yumuko,  ngumiti naman ito sa kanila at bumati rin.

"magandang araw rin,  kumain lang muna kayo,  alam naming pagod na ho kayo sa trabaho"

"maraming salamat po sir Eji" tumango naman ito,

"hmm walang anuman"

Nagsilabas na nga sila kayat naiwan kaming dalawa, tumalikod na rin ako pero kaagad akong huminto ng nakaharang siya sa daan at makahulugan akong tiningnan, sunod suno na paglunok naman ang ginawa ko.

"m-may ka-ilan ka pabang kunin? "nauutal kong tanong pero di ito sumagot bagkus ay lumapit pa ito ng lumapit kayat umatras ako hanggang sa naramdaman ko na nga ang mesa sa likuran ko. Iniangat niya ang kamay niya, sinundan ko naman ito ng tingin at maya maya pay hinawi nito ang buhok kong magulo at inisantabi ito sa may tenga ko, kumuha rin siya ng panyo sa may bulsa niya at dahan dahan akong pinunasan,

"mukhang pagod kana" malambot na tinig niya, nakatitig lang ako sa mukha niya habang ginagawa ang bagay na to,

Napangiti naman ako at tila may naramdaman akong kakaiba, parang huminto ang paligid ko at nakatuon lang ang mga mata ko sa kanya.

pero hindi,

dapat di niya ito ginagawa.
Umiling-iling nalang ako

"ahm-E-ji ako na" saad ko at kinuha na ang panyo mula sa kamay niya at pinunasan ang sarili,  medyo nagulat pa ito sa asal ko pero pinabayaan ko nalang ito.

"tara labas na tayo,  baka hintayin kapa ng mga kasama mo" saad ko

"ahh-eh oo, para na rin makakain ka" sagot niya kayat lumabas na kami pareho,  umalis na ito at kaagad naman akong nagtungo sa mga kasamahan ko.

"oh chi halika, kain kana" alok ni chief

"opo chief"

umupo na, pero bago paman ako kumain ay hinawakan ko na muna ang dibdib ko grabe ang pintig ng puso ko.


Eji POV

Umupo na ulit ako at kaagad namang bumulong saakin si Haddison,

"cute nong waitress noh" saad niya, nilingon ko naman ito at saka pinitik ang noo niya.

"aray para saan yun Eji?! " may bahid na gulat na tanong niya,

"wala may langaw lang" pagpapalusot ko

"sinadya mo yun eh,  pambihira ka talaga parekoy,  ang sakit non ah"

"halika kiss ko nalang para mawala" pang aasar ko at ngumuso.

"oh sige kiss mo nalang ako" parang batang saad niya at inilapit nga niya ang noo niya sa labi ko.

"pwee pwee, yung pawis mo,  hmm ang asim" parang nandidiring saad ko, 

"HAHAHA" tawa ng ulupong,

"kumain na nga kayo! " singhal ni kambal

"uyy kumain na daw tayo"
"sabi ko nga kakain na"

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now