CHAPTER 84: DALIA X FREYA

292 10 0
                                    


Freya POV
"Bye chi, bye manager" paalam ko sakanila.

"bye rin"
"bye po ma'am Freya" paalam nang mga staff, tumingin naman ako sakanila at ngumiti saka nagwave.

"paalam" saad ko at lumabas na ng restaurant sakto rin na may nakabangga ako, isa itong babae.

"sorry ho" at inalalayan na ito,
"sorry sorry, nasaktan kaba? " nag aalalang tanong ko at pinunasan na ito, ngumiti naman ito saakin, nainsecure tuloy ako, ang ganda niya!!!

"wag kang mag alala, okay lang ako" saad nito at ngumiti, ang bait naman nito pero teka pamilyar ang mukha niya.

"pamilyar ang mukha mo" saad ko sakanya at nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha niya.

"ah nasa iisang campus lang naman tayo kaya siguro pamilyar ako, ikaw si Freya diba? ang kapatid ng star Boys" masayang saad niya, kilala niya ako?

"ahh eh oo, ikaw ba? pamilyar ka talaga sakin eh" tanong ko, diko din namalayan na naglalakad na pala kami.

"I'm Dalia, Dalia Fuarez" pagpapakilala niya, inisip isip ko naman ito, at ayon naalala ko rin! tiningnan ko ulit siya at napalunok ako, siya! siya ang girlfriend ni Inigo, HEHEHE kaagad ko namang niyakap ang braso niya na ikinagulat niya.

"ahh--ehh" unkomportableng saad niya, siya ang girlfriend ng ex-crush ko, kayat gusto ko malaman ang love story nila, hindi ko aagawin si Inigo sakanya, ngayon ay kampante na talaga ako, bagay sila at mukhang mabait si ate girl.

"HEHEH nice meeting you po ate, mag merienda po tayo, libre ko, friends na tayo ah" parang batang saad ko, pilit naman itong ngumiti at tumango.

"ah--eh sige ba" tila napipilitan niyang saad kayat hinugot ko na siya.

***********
" Ate kamusta naman po ang relasyon ni Inigo? " tanong ko, kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya, feeling close ako eh.

"diko alam na interview na pala to" saad niya at bahagyang natawa, medyo napahiya naman ako sa part nayon.

"ah sorry" saad ko at humigop ng juice.

"biro lang, tsaka mukhang mabait ka naman at magandang pakisamahan, alam mo, parang bestfriend na tuloy kita ngayon, payag kabang maging best friend ko?" nakangiti pa niyang tanong, napangiti naman ako sa narinig at tumango, ang bait talaga niya.

"sig--" napahinto ako ,teka baka magselos si Chi kapag nagkaroon ako ng bagong bestfriend, selosa yun eh, tumingin ulit ako kay ate Dalia at pilit na ngumiti.

"close friend, close friend napo kita" saad ko pa at tumango naman siya.

"sasabihin ko lahat lahat ang gusto mong malaman sa isang kondisyon" saad niya na ikinataka ko, mukhang mapapaatras ako nito ah.

"sige po" sagot ko, kahit ilibre ko pa siya ng lahat ng pagkain dito sa restaurant gagawin ko, wag lang akong mamatay sa koryusidad.

"payag kana ah" paguulit niya at tumangi naman ako

"sige" saad niya at sinimulan na niyang magkwento.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon