CHAPTER 101: FORGIVE

302 10 0
                                    

Levi POV

Nang malaman ko ang lahat mula kay ate ay nanlumo ako, maliban sa sakit na nararamdaman ko sa paghihiwalay namin ni Dalia, nanlulumo rin ako sa maling inasal ko kay Freya.

"anong oras na? "tanong ni Clyde.

"7:30 na ng gabi" sagot naman ni Eji, kanina pa ako walang kibo, ilang araw na rin simula ng mangyari yun, daladala ko parin at alala ala ko parin ang sakit at traumang naipinta sa mukha ni Freya. Mukhang kailangan ko ngang humingi ng patawad sakanya.

"aalis na muna ako" biglaang tayo ko
"saan ka naman pupunta? "

"may kakausapin lang ako" sagot ko

"sige parekoy ingat ka ah"
"hmm" tango ko at lumabas na. Hinanap ng mga mata ko si Freya pero hindi ko siya nakita, may nakita naman akong nagmamap kayat nilapitan ko na ito at tinanong.

"magandang gabi "bati ko, tumingin naman ang lalaki saakin at gulat na gulat pero nginitian ko nalang ito.

"magandang gabi po idoll, papicture naman!! " masayang saad nito

"ahh-eh sige" nauutal na saad ko, kinuha na naman niya ang selpon niya at kumuha na nga kami ng litrato.

"salamat po"
"walang anuman"

"may kailangan po ba kayo?" tanong nito pero umiling lang ako

"wala naman, magtatanong lang sana ako kung nasaan si Freya"

"ah si ma'am Freya po ba, naku po nakauwi na" saad nito, tila nanhinayang naman ako sa narinig.

"pero hindi pa naman po matagal ng makalabas sila ni Chi mukhang maabutan mo pa po" saad niya dahilan para magkaroon ako ng pag asa.

"sige salamat" saad ko at lumabas na, kaagad akong tumakbo at tinahak ang daan sakto rin na nakita ko siya pero kaagad akong binalutan ng kaba ng makita ko siyang pinapalibutan ng kalalakihan.

"sh*tt!" mura ko at kaagad nang tumakbo nakita ko namang sinasaktan ng isang lalaki si Freya kayat kaagad akong pumulot ng bato at binato na ito sakto rin na tumama sa noo niya.

"hoyy ikaw! " sigaw nito at maya-maya pay isa isa na nila akong sinugod, nag aral naman ako ng ilang self defense kayat di nagtagal ay napatumba ko na silang lahat.

Nakaramdam naman ako ng mahapdi, at may kaunti akong sugat na natamo. Nilapitan ko na si Freya, humihikbi ito, dahan dahan ko nang hinaplos ang likod niya

"b-bitawan niyo ko! " umiiyak na saad niya

"shh Freya, its me" saad ko dahilan para mag angat siya ng tingin, nakita ko naman kaagad ang takot at basa niyang mukha, tila naawa naman ako at nakaramdam naman ako ng kakaiba sa puso ko ng makita ang kalagayan niya.

"shhhh tahan na Freya, tahan na" saad ko at niyakap siya ng mahigpit.

****

Nandito kami ngayong dalawa sa bahay, wala naman akong kasama dahil wala rito si ate.

Minabuti ko munang umuwi at isama siya para malinisan ko ang sugat ko at para namang kalmado na at hindi na namumugtong ang mga mata ni Freya kapag umuwi siya, siguradong mag aalala ang limang yun kapag nalaman nila, sinabi rin ni Freya na wag ko nalang munang sabihin sa mga kapatid niya lalo nat pagod padaw ang mga ito.

"inom ka muna" saad ko at inilahad ang isnag basonh tubig, tinanggap niya naman ito at uminom niya, buti naman at medyo na siya kumalma, kanina kasi ay nanginginig siya.

"okay kalang ba? may masakit ba sayo? " nag aalalang tanong ko, pero umiling iling nalanh ito, buti naman. Isinumbong na namin sa mga pulis ang nangyari at kaagad silang dinakip, mga dr*g add*ct pala ang mga yun at lider na don ang sinasabing Mike.

"sa--salamat" saad niya at tumingin saakin,

"walang anuman" sagot ko at bumuntong hininga.

"Actually, I want to say sorry, mali ang ginawa ko at pinagsisisihan ko yun. Dapat talaga ay inalam ko muna ang lahat, hindi nga iyon ang rason ni Dalia ng pakikipaghiwalay niya, patawarin mo sana ako Freya" sensiridad na saad ko, medyo nagulat pa ito sa sinabi ko.

tahamik lang ito at tila nag isip ng malalim, maya maya pa'y

"oo nasaktan mo talaga ako, hindi lang physically kundi emotionally, pero mas masakit talaga yung sinabi mo, kahit ilang segundo mulang sinabi yun pero parang rinig na rinig ko parin hanggang ngayon" malungkot na saad niya dahilan para lalo akong maguilty.

"sorry talaga! " saad ko pa at nakita ko naman
ang pagngiti niya

"naiintindihan ko Levi, kayat pinapatawad na kita, utang ko rin sayo ang buhay ko" saad niya dahilan para maging mapanatag na ang loob ko,

"talaga?"
"hmm"
"hayaan mot babawi ako sayo araw araw"

"HAHA wag na"
"hindi babawi ako"
"wag na nga"
"babawi ako"
"sige sabi mo eh"
pagtatalo namin at maya maya pay-

"HAHAHA" tawa naming dalawa, parang nawala kaagad sa isipan namin ang trahedyang nangyari kanina, nagititigan pa kami pero kaagad kaming nag iwas ng tingin.

"ahm-ano pala yung sugat mo? " tanong nito kayat napatingin ako sa kamay ko na may band aid na.

"I'm fine, hindi naman masyado" sagot ko maya maya pay tumunog na ang selpon niya.

" si Kuya" saad niya at sinagot na ito maya maya pay natapos na rin ang usapan nila at tumingin ito saakin.

"umuwi na pala sila at hinahanap na ako. Maraming salamat sayo Levi ah" saad niya, tumango naman ako.

"sige hatid na kita"
"wag na, magpagaling ka, paparating narin dito si Kuya Clyde" saad niya,

"I see"
maya maya pa ay may narinig kaming busina sa labas, mukhang nandito na nga si Clyde, kayat lumabas na kaming dalawa.

Humarap muna ito saakin saka yumuko.
"aalis na ako, maraming salamat talaga"

"walang anuman yun Freya"

"Parekoyy! bat mo kasama ang kapatid ko? ikaw ah! " sigaw ni Clyde mula sa kotse niya kapwa namang nanlaki ang mga mata naming dalawa at humarap nga si Freya sa kapatid niya.

"wag kangang mag isip ng kung ano ano kuya! " sigaw nito at sa huling pagkakataon ay humarap ito muli.

"paalam Levi"
"hmm paalam" saad ko at tumakbo na siya papunta sa kuya niya at sumakay na,

"bye Levii! " sigaw ni Clyde
"bye! " sigaw ko pabalik, bumusina na muna ito saka umalis na.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now