CHAPTER 89: THE TRUTH OF A GOLD DIGGER

300 9 2
                                    


Amor POV

Sinundan-sundan ko lang si Dalia at ng lalaki, masaya silang magkasama at sweet sila sa isat isa?! boyfriend niya ba to? sabi ko na nga bat manloloko ang babaneg to eh!

Huminto na sila sa isang bahay, bahay nila Dalia, nagharap na silang dalawa at hinawakan ni boy ang kamay ni Dalia nagtitigan sila,

hanep!

kinuha ko na kaagad ang cellphone ko at hinanda na upang kunan sila ng litrato at kaagad namang nanlaki ang mga mata ko ng maghalikan sila!

Levi need to see this!!!

kayat iclinick ko na ang camera, tiningnan ko ang litrato at buti't nakunan ko ito, inilagay ko na ito sa bulsa ko at tumingin ulit sakanila, nag paalam na ang lalaki samantalang nakatayo parin si Dalia habang nakangiting hinahawakan ang labi niya,

Akmang aalis na sana ako ng may marinig akong kalabog sa bahay nila, tiningnan ko ito, yung nanay ni Dalia! inis na inis ang mukha niya at kinaladkad si Dalia papasok sa kanilang bahay kayat lumapit na ako sa may bintana nila upang maki isyoso.

"Nay ano ba,nasasaktan ako?!!!" nahihirapang saad ni Dalia habang mariin na hinahawakan ng nanay niya ang braso niya, huminto na sila at binitawan na ng nanay niya ang braso nkya sakto rin na lumapit ang tatay niya, napatakip ako sa bibig ko sa aking nasaksihan,

sinampal si Dalia ng ama niya.

Nakita kong di nakagalaw si Dalia at nakahawak lang ito sa pisnge niya, aaminin kong ako ay nagulat at naawa sakanya.

"Napakawalang kwenta mong anak! mahirap na nga tayo papatol kapa sa mas mahirap!!" singhal ng nanay niya, nakita ko namang nag angat tingin si Dalia sa mga magulang niya na may bahid pa ng luha sa mukha niya at namumula pa ang pisnge niya.

"Nay! Tay! Si Jerome ang mahal ko! Hindi si levi! hindi ko siya mahal simula noong una pa! simula palang noong nanliligaw siya si Jerome na talaga ang gusto ko! Pero ano?! Pinilit niyo akong sagutin siya dahil alam niyong mayaman si Levi" umiiyak na saad nito, nabigla pa ako sa narinig ko.

so all this time, yung lalaking kasama niya ang mahal niya at hindi ang kapatid ko, hindi si Dalia ang gold digger kundi ang mga magulang niya!! anong klaseng mga magulang bato!

"tumigil ka?!! ginagawa namin ito para sayo!" sabat naman ng nanay niya kayat mapait namang tumawa si Dalia.

"HA! para sakin?! Eh mas lalo pa akong nahihirapan sa ginagawa niyo eh! mas maraming nasasaktan! ako ang naiipit sa ginagawa niyo, nay, tay! pabayaan niyo na ako! may puso ako! ako ang nakakaramdam at nagtutukoy kong anong nararamdaman ko at wala kayong karapatan na diktahan ang nararamdaman ko kay Jerome!"

"wala ka na ngang mararating sa buhay! Papatol kapa sa taong mahirap" saad ng tatay niya, tumitig ng kay sakit si Dalia sa kanya.

"Ang sakit niyo hong magsalita!! Kayo! Kayo mismo ang siyang nag dodown sa anak niyo imbes na kayo ang maging inspirasyon ko sa pag angat pero ano! sa inyo na mismo naggaling ang salitang nagpapahina ng loob ko! na wala akong mararating sa buhay! p*t*ng in*ng buhay to oh!!

"Alam niyo ba? Ay mali hindi niyo pala alam haha" mapait na tawa nuto muli habang patuloy parin sa pag agos ng luha niya,

"Ilang beses akong nasaktan ng palihim, pinagsasabihan nila akong gold digger! Malandi at ano ano pang mga salita na nakakasakit sa puso ko pero ano?! nakangiti lang ako pero ang totooy wasak na wasak na ako! hindi niyo lang ako sinaktan, nasasaktan ko rin ang taong walang kamalay malay! nasasaktan ko rin si Levi, kita niyo na! Ilang tao ang nasasaktan niyo dahil sa pagiging mukhang pera niyo!"

At sinampal siya muli

di ako makagalaw sa kinaroroonan ko, ramdam ko ang bawat sakit sa salitang mga binitawan niya, at isa na rin ako sa taong tiningnan siya ng masama.

"wala kang respeto!!" inis na saad ng ama at ina niya

"Wala kayong puso!!" sigaw naman niya dahilan para mapahinto sila.

"Akala ko, mga magulang ang gagabay sa gusto ng anak, na siyang magiging ilaw at haligi ng tahanan, pero sa naranasan ko nanay ko mismo ang nagpundi ng ilaw, tatay ko mismo ang nagsira ng haligi, samantalang akoy naiwan sa tahanan, naipit dahil sa inyong kapabayaan. Ewan ko kung saan ako nagkulang, ginawa ko naman ang lahat. Noon, kala ko ang swerte ko dahil mayroong akong magulang kahit pinapahirapan niyo ako, kala gagabayan niyo ko, kala ko kayo ang magsusuporta sa lahat ng gagawin ko pero nagkamali ako, akala ko lang pala ang lahat ng yun" matapos bitawan ni Dalia ang kanyang mga dinadamdam ay padabog siyang lumabas sa bahay nila, tiningnan ko muli ang mga magulang niya, di makagalaw ang dalawa at may may kaunting luha ang kumawala sa mata nila.

"A--ate- Am--or?!" gulat na saad niya kayat nilingon ko naman ito,

"k-kanina ka pa po ba diyan?" tanong nito at huminga naman ako ng malalim saka lumapit sakanya.

"here" saad ko sabay abot ng panyo, tinitigan niya muna ito

"tanggapin mo na, nangangalay ako eh" saad ko at tinaggap niya naman kaagad ito at pinahid niya ang mga mata niyang namumugtong.

"mag usap tayo Dalia"

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now