CHAPTER 114: FLOWER SHOP

221 7 2
                                    

MONTHS PASSED

Christian POV

"Grabee dinumog na tayo ng mga tao sa labas" saad ko habang nagsisilaglagan ang mga panga namin sa napakadaming tao sa labas ng shop, tiningnan ko ang relo ko at kaagad namang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang oras.

"Pambihira!  mahigit isa at kalahating oras na tayo dito ah! " gulat na sabi ko. Nandito kami ngayon sa isang flower shop kung saan hindi mapakali si Levi kung anong bulaklak ang bibilhin niya.

"Bat dimo nalang kasi tawagan yung girlfriend mo, Inigo" tila inip na komento ni Japsher,  bago't na bago't na kami kakaupo at kakatayo sa shop na to pero anong magagawa namin nandito ang pinakamamahal naming kaibigan na kung noon ay introvert ngayon ay naging ambivert na, pero nakakatuwa ah, nagbago siya ng makilala si Freya,  mukhang nag improve na nga ang Levi Inigo Fuego namin.

Ang bilis ng panahon parang kailan lang ay mamatay matay na kami kaka surprise,  bili ng regalo dito at doon,  kanta kahit mga sintunado ang mga boses namin, maski kami ay naghirap sa panliligaw ni Levi at Freya pambihirang Levi,  siya ang nanliligaw nun sinali pa kami. Pero worth it naman dahil naging sila, salamat naman.

So ayun nga pagkatapos sabihin yun ni Jaspher ay napahinto si Levi kakatingin sa mga bulaklak saka dahan dahan itong lumingon saamin saka pinandilatan niya si Jaspher ng kanyang mga mata.

"edi di na yun surprise " pagtataliwasay niya saka binaling na ulit ang mga tingin sa mga naggagandahang bulaklak,  napabuntong hininga nalang kami saka sumandal sa upuan,  noong tinutulungan namin siya mamili ay mas ginusto niya nalang na manahimik kami,

e pano ba naman?!

*FLASHBACK*

"wuyy ang ganda nito oh,  w--white h-hoary a-nd s-tock" pagbabasa ni Mark sa pangalan ng bulakalak

"ito nalang kaya bilhin mo Levi, nangangahulugan daw ng bulaklak na ito ang pagiging inosente,  simplicity at beauty,  perfect! " masayang paliwanag niya at kaagad naman siyang binatukan ni Levi,

"araybakit?! "
"eh para sa patay yan! " singhal niya kayat nanlaki ang mga mata nito at kaagad na binitawan ang isang sanga ng white hoary stock flower,

"eh ito kaya" saad ko sabay pakita ng bulakalak na Lavender ang pangalan,  kaagad namang umiling iling si Levi pagkakita niya sa magandang kulay purple na bulaklak

"wag yan,  it attract most of the bees" saad niya kayat binalalik ko na sa kinalalagyan ang lavender.

Sumunod naman si Haddison na isa ring walang kaalam alam sa mga bulaklak.

Tila namangha pa si Had ng makita ang kulay orange na bulaklak saka kumuha rin ito ng isang sanga at masayang ipinakita kay Levi,  pagkakita ni Levi sa bulaklak ay kaagad itong napasapo sa kanyang noo,  maski ako rin ay napailing.

"ang ganda nito! "
"talaga! gusto mo bilhan kita ng isang basket niyan Had" sarkastikong saad ni levi, nakangisi pa ang hanep. Umakto naman si Had na nahihiya

"Hiya ako eh hihi,  ene be kese teng flewer, ene beng pengelen ng flewer neto? " pabebe nitong saad na nagpangiwi sa labi ko,  ang rindi! kakahiya tong kaibigan ko,

 Marshi pakisako nalang itong boyfriend mo at ipatapon sa Mars!!

oras na yata para kalimutan ko muna ngayon na kaibigan ko kayo,  pambihira!

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now