CHAPTER 96: EJI'S CONFESSION

304 11 0
                                    

Eji POV

Hinanap ng mga mata ko si Chi, nakita ko kanina na may puting butil ng tubig sa mukha niya alam kong luha yun, umiyak siya. Kahit itanngi niya yun ramdam ko na nagsisinungaling siya, kakainis, bat kailangan niya pang magsinungaling.

Patuloy lang ako sa paghahanap sakanya hanggang sa may nakita akong pigura ng isang babae na nakaupo sa isang lilim ng puno, nakayuko ito sa pagitan ng mga paa niya, tumakbo na ako at nilapitan ito.

"*huhuhuhu*hik*huhuhu*" iyak nito tila nanlambot naman ako at umupo na sa tabi niya.

Dahan dahan kong idinapo ang kamay ko sa likod niya dahilan para iangat nito ang tingin niya, gulat naman itong tumingin saakin at akmang pupunasan na nito ang luha niya ng hawakan ko ang kamay niya.

"iiyak mo lang, wag mong pigilan, mas sasakit yan kapag dinamdam mo pa" saad ko at umagos nga ng malakas ang luha niya, kaagad ko naman itong niyakap ng mahigpit.

"tell me, what happened? "

"si--si Dave--n-niloko ako ni Dave huhuhu, nakita ko siya sa bar may kahalikang babae, ang sakit, ang sakit sakit! " iyak nito, iniharap ko na siya at pinahiran ang luha niya gamit ang daliri ko.

"nasasaktan ako chi, nasasaktan akong makita kang umiiyak. Please, you tears are precious to me" saad ko at hinawakan ang magkabilang braso nito.

"Chi please look at me"
at tumingin nga saakin ang namumula niyang mga mata, mga maliliit na ugat na nakaukit sa dalawa niyang mata pahiwatig ng sakit na nararamdaman niya.

"Please, give me a chance Chi. Hindi ko to sinasabi sayo ngayon dahil nasaktan ka, I will tell this dahil nararamdaman ko na ito noon pa. Chi, Iloveyou okay, noon pa. I know hindi madali sayo ngayon since you are now a broken hearted, naiintindihan ko rin kung wala kang nararamdaman saakin, pero pabayaan mo sana akong iparamdam ang nararamdaman ko sayo. I cant--I cant help to hide it anymore at baka pagsisihan ko sa huli na hindi ko sinabi saiyo." buong damdamin kong saad, kita ko naman ang malambot na pagtitig niya at umiyak.

"Hayaan mot samahan kita sa pagheheal mo Chi, hayaan mot ako ang iyong maging panyo at magpunas ng luha mo" saad ko pa at niyakap siya ng mahigpit.

"thankyouu Eji, thankyou" umiiyak na sagot nito.




Freya POV

Nakahilata lang ako dito sa kwarto ko at nakatitig sa ceiling, palaging nagflaflashback sa isipan ko ang nangyari saamin ni Levi sa likod ng paaralan, di ako mapakali, palagi akong nag ooverthink sa ginawa niya.

nakakainis!

Kinuha ko na ang unan ko at itinakip sa mukha ko, sakto rin na may kumatok sa pinto

"tulog kanaba? " rining kong saad ni kuya Blake pero diko na ito sinagot, wala akong ganang bumangon eh.

"sabi ko nga tulog kana" dagdag nito, narinig ko na rin ang yapak ng paa niya hudyat na papaalis na siya. Bumuntong hininga na ako at tinanggal ang unan sa mukha ko.

Nakauwi na pala sila, siguradong lasing na lasing ngayon si Levi, tsk, required ba talagang mag inom kapag broken hearted? sakit ng ulo ang idudulot niyan bukas eh, mawawala nga sa isip mo pero ang sakit na nararamdaman sa puso, hindi naman yun matatanggal ng alak eh, siguradong mamayat maya maiisip mo parin siya.

haystt

Nagdasal na muna ako, baka sakaling mawala na ang mga bagabag sa isipan ko at katapos non natulog na ako.

1 WEEK PASSED

Nasa restaurant kami ngayon ni chi nagtratrabaho, wala kasi kaming pasok ngayon. Pareho kami ngayong nagpupunas ng mesa,

"Isang linggo na pala ang nakalilipas simula ng mag break kami ni Dave, nakakainis at nakakalungkot, minahal ko naman siya, lolokohin lang pala ako" saad nito, nakikinig lang ako sakanya, di ako marunong masyadong mag advice pero willing naman akong makinig sakanya.

"ano bang nagawa kot niloko niya ako? ang alam ko lang naman ay minahal ko siya ng todo" dagdag pa nito, tiningnan ko naman siya saka ako nagsalita.

"isa lang ang ibig sabihin non, dahil nga sa alam niyang mahal mo siya, inabuso ka niya"

"ganon ba talaga ako hindi kamahal mahal?!"

"wag ka ngang ano diyan, marami namang nagmamahal sayo eh, hindi naman lahat ng pag ibig makukuha mo sa isang tao, at isa pa may isa naman akong kuya na alam kong mahal ka higit pa sa inaaakala mo" saad ko, alam kong masakit pero sana wag idown ni Chi ang sarili niya dahil sa walang kwentang lalaking yun, nagpatuloy na kami sa trabaho namin ng biglang may sigawan kaming narinig sa labas.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now