CHAPTER 65: JACKET NA HINDI NA ISINAULI

376 14 0
                                    


Freya POV
Nandito kami sa loob ng tent habang ginagamot sila kuya Christian at ang isang staff na nakita ko sa daan.

Gising na sila at nililinisan nalang ang sugat sa ulo ni kuya Christian samantlang nilagyan naman ang oxygen ang lalaki, may hika pala ito at nagtatakbo pa kayat natumba ito,

pinakaba ako nito ah.

"Kuya Christian, sorry talaga ah, diko naman alam na taping niyo pala yun" saad ko sakanya, hiyang hiya na talaga ako!!! Ngumiti naman ito saakin

"HAHAHA okay lang HEHE--ARAY dahan dahan lang po doc heh" napapikit nalang ako ng mata at ng binuksan ko ulit ito ay kaagad ko namang nahagilap si Levi na nasa labas, nakatingin rin ito saakin.

Ngumisi naman ito saakin katapos ay umalis na, ang weird niya naman. Bigla namang may kumalabit saakin kayat tiningnan ko ito, si ate Amor.

"Uhm Aya, puwede bang pakibigay itong tubig kay baby, alam kong uhaw na uhaw na yun" saad niya, eh?! bat ako nanaman?, tumingin naman siya saakin at inilahad ang isang bote ng tubig saka huminga ng malalim.

"Mapride akong tao eh, tsaka yung sinabi niyang panghahanting saakin hmp diko pa siya pinapatawad, puwera nalang kung ilebre niya ako ng ice cream mamaya" parang batang saad niya.

"Pero diko parin siya matiis, palihim akong marupok at inaasikaso parin siya dahil ate niya parin ako. Tsk pasaway talaga" dagdag pa nito at tumingin na ulit saakin at ngumiti.

"Please, gusto ko ikaw ang magbigay, dahil kapag ako pa ang nagbigay eh mahahalatang pinatawad ko na siya baka di na ako ilibre niyan" mukhang wala akong choice nito, tinaggap ko na ito at akmang lalabas na ako ng sumigaw ulit si ate Amor.

"Aya wag mong sabihin na galing saakin ah" tumango naman ako saka hinanap si Levi sakto namang nakita ko siya sa may tabing ilog na mag isa.

Wow ah nag momoment.

Dahan-dahan na akong naglakad pero natapilok ako kayat nagdiro-diretso ako sa ilog, buti nalang at di ito malalim. At--at Ayy oo nga pala nandito pala si Levi!!! Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin at nakita ko nga si Levi na nakatayo na at gulat na nakatingin saakin, grabe di manlang ako tinulungan pero

WAHHH nakakahiya!!!!

HUHUHU sana hindi na ako pumunta dito sa taping nila doble dobleng kahihiyan ang inaabot ko.Tumayo na ako saka lumapit sakanya.

"What are you doing here?!" panimula niya,

"Eh ikaw anong ginagawa mo dito?! Wag mong sabihing iinum mo tong ilog!"sagot ko naman sakanya at kita ko namang kumunot ang noo niya.

"Tsk corny" sabi ko nga korni

'Oh" sabay abot ng tubig, tinaggap niya naman ito saka ininum na niya, uhaw na uhaw na nga siya, napadako nalang ang tingin ko sa may leeg niya, gumagalaw ang adams apple nito habang nilulunok ang tubig, dagdag appeal sa kanya.

"Ehem!" dahil nga sa kakatitig ko sa kanya diko namalayan na tapos na siya, nagtataka naman itong tumingin saakin.

"Ahh--ehh" nauutal na saad ko, arghh!! bat ko pa kasi tinitigan,

"Tsk" ngisi nito, tumalikod na naman ako at naglakad na pero kaagad rin akong lumingon sakanya.

"Tsaka nga pala di saakin galing yan ah! g-gagaling yan sa isang staff," saad ko pa at tumalikod na ulit, akmang maglalakad na ako ng hawakan nito ang kamay ko.

*TUGDUG! TUGDUG!TUGDUG* kabog ng dibdib ko, nilingon ko naman ito pero walang emosyon itong nakatingin saakin.

Tinanggal niya ang jacket niya kayat tinakpan ko ang mga mata ko

"Hoyyy anong ginagawa mo!" saad ko

"Tsk, wag kang mag isip ng kung ano" sagot, kayat tinggal ko na ang pagkakatakip sa mga mata ko, ma damit pa pala siya, lumapit naman ito kayat nagwala nanaman ang puso ko.

Inilagay nito ang jacket niya sa likod ko saka umalis, di niya manlang ako pinagsalita, tinitigan ko lang ang likod niya habang papaalis siya.

Isa lang ang masasabi ko, yun ay---matangkad siya, edi sanaol matangkad rin naman ako 5'3 kaya ang height ko HEHE.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now