CHAPTER 90: I DONT LOVE HIM SINCE

301 11 2
                                    

Levi POV

Nakaupo ako ngayon sa isang bench sakto namang dumating si Freya.

"oh" saad nito sabay lahad ng sorbetes, tinitigan ko lang muna ito, pinag iisipan ko kung tatanggapin ko ba ito o hindi, hindi naman kasi ako masyadong mahilig sa ganito.

"ayaw mo? Edi wag" saad nito at akmang inilalayo na niya ito sa harapan ko ng agawin ko ito sakanya.

"akin na"
"kala ko ba ayaw mo!" saad niya pero diko na siya pinakinggan at kinain na ito, umupo na rin ito at kumain.

"lurp~lurp~lurp~lurp"
napabaling ang tingin ko sakanya, ang ingay niya kumain,

"ang baboy mo naman kumain" singhal ko sakanya, tuminin naman siya saakin at bigla akong napatawa ako ng makita ang ilang nagkakalat na sorbetes sa may labi niya.

"bat ka tumatawa ha!" singhal niya at mas lalong natawa pa ako, pambihira HAHAAHA
pinagtitinginan na ako ng mga tao pero wala akong pakialam basta makatawa lang ako.

"Yung--yung mukha mo HAHAHHAHA" grabe di ako makapagpigil, nagulat naman ang mukha niya at kaagad na pinahiran ang mukha niya.

hooo

huminto na ako kakatawa, masakit na tiyan ko at may luha na ang mga mata ko dahil sa sobrang tawa, tiningnan ko si Freya pero nakasimangot ito.

"ewan ko sayo, imbes na tutulungan mo ako, napahiya pa ako lalo, nahulog pa tuloy ang ice cream ko" malungkot na saad niya kayat napalunok ako, naguilty tuloy ako.

"so--sorry" nauutal na saad ko, pinunasan ko naman ang dumi na nasa gilid pa ng labi niya gamit ang daliri ko, di niya kasi napunasan ng maayos, nagulat pa ito pero ngumisi lang ako.

Natataranta niya namang hinawakan ang magkabilang  gilid ng labi niya, sinisigurong wala ng dumi, kumuha pa siya ng panyo at hinawakan ang kamay ko at pinunasan

"anong ginagawa mo?" takang tanong ko sakanya

"nadumihan ang daliri mo, pupunasan ko lang"saad niya pero kaagad ko itong inagaw.

"ano kaba, okay lang yun" sagot ko, di siya makapaniwala sa sinabi ko pero kaagad naman siyang ngumiti.

"salamat"

"wala na ba akong dumi sa mukha?"tanong nito at umiling naman ako.

"wala na" sagot ko,

"buti naman, nga pala dito kalang bibili lang ulit ako ng sorbetes, ikaw gusto mo pa ba?" tanong niya pero umiling ako

"wag na okay na ako" sagot ko, tumango naman siya at umalis na, pinagmasdan ko lang siya habang bumibili,

nag iba na ang pakiramdam ko sakanya, napaisip ako at sabi ko sa sarili ko na gusto ko na siyang maging kaibigan, mabait ang kapatid nila Azz at masarap pakisamahan, nakakatawa rin.

"oh bat ka nakangiti?" takang tanong niya, diko namalayan na nasa harapan ko na siya, at mas lalong diko namalayanan na nakangiti na pala ako ng mag isa.

"wala wala" naiilang na saad ko at umupo na ulit siya.


Amor POV

Tahimik lang na kumakain si Dalia sa harapan ko, diko rin naman alam kong pano ko sisimulan dahil na eespechless ako sa mga nasaksihan ko.

"ano ahm"
"ate"
sabay na saad namin, nagtinginan pa kami at mahina kaming napatawa.

"look Dalia, I'm so sorry, sorry sa mga nasabi ko noon ah, di--diko alam na ganoon pala ang pinagdadaanan mo. Nag sisisi ako dahil kaagad kitang hinusgahan ng hindi nalalaman ang totoo" sinseridad na saad ko, naawa ako sakanya at naguiguilty, totoo nga ang sinabi ni Levi, hindi ganoong tao si Dalia, ako nga ang nagsisi sa huli.

"okay lang, totoo naman kasi yun"

"no hindi! Ang mga magulang mo ang masama hindi ikaw, nakakainis nga ang ginawa ng mga magulang mo sayo, ginawa mo ang lahat pero hindi nila pinakikiramdaman ang nararamdaman mo e, iniisip lang nila ang sarili nila." saad ko at tiningnan siya, gulat na gulat ito tila hindi makapaniwala.

"na-narinig mo po kami?" malungkot na saad niya, bumuntong hininga naman ako at tumango.

"oo, sinundan ko kasi kayo ng lalaking yun, I guess siya si Jerome" tila nahiya naman ito sa sinabi ko pero nginitian ko lang siya.

"dont worry naiintindihan ko, siya naman talaga ang mahal mo at hindi ang kapatid ko, naawa rin ako sa kapatid kong yun eh, diko alam ang gagawin ko kapag nalaman niya ang totoo lalo nat mahal na mahal ka niya ng todo, pero yun naman talaga ang role ng pag ibig eh, you should take a risk at dapat handa kang tanggapin kong anong mga consequence ang mangyayari."

"sorry talaga ate, kasalanan ko to eh! Diko alam ang sasabihin ko kay Levi" saad niya at huminga ng malalim.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now