CHAPTER 128: TIME OF DEATH

165 6 4
                                    

Eji POV

Pagkadating ko sa bahay ni Chi ay wala ng tao,  nilibot ko pa ang bahay para tingin kong nasaan siya pero wala talaga. Napahawak rin ako sa dibdib ko dahil sa kabog nito, diko rin mawari kung bakit ang bilis ng tibok nito. Paulit ulit kong tinatawag ang pangalan niya,  hinanap ko siya sa bawat sulok pero wala talaga, mukhang umalis nga siya. Tinawagan ko naman ito.

'KRING! KRING! KRING!'

Naibaba ko ang selpon ko ng makita ang cp niya na nasa sofa. Nilapitan ko na ito at kinuha,  bat niya naman iiwan ang cp niya kung aalis siya?  di niya kasi ugali ang pag iiwan ng cp eh,  lalo na talaga kapag lalabas siya ng bahay. Kahit kinakabahan ako ay pilit kong pinakalma ang sarili ko at hindi na nag isip ng ano pa. Umuwi na ako pero si kuya Clyde at Blake ang nandito, busy naman silang maglaro ng chess.  Pumunta na ako sa kusin at uminom ng tubig sakto rin na tumunog ang cp ko.

*CALLING LIL SIS... *

"Eya" panimula ko,  pero wala akong narinig.

"hello" pag uulit ko at sa pagkakataong ito narinig ko ang hikbi niya dahilan para magpanic ako.

"Heyy whats wrong?!  okay kalang ba?  lil sis!  are you okay? " maski ang dalawa ay napabaling ang tingin saakin at kaagad na nagtungo sa gawi ko.

"heyy bakit daw?! "
"anong nangyari?! "

"hello! Eya!  is there someone thre4thening you? nasaan ka?! "

"Eya,  heyy answer me! " kinakabahang saad ko pa,  maya maya pay huminga ito ng malalim tila pinapakalma ang sarili.

("I--I'm fine kuya") sagot nito dahilan para makahinga ako ng maluwag. D*mn! I was so worried na baka ano ng nangayri sakanya buti nalang at okay lang siya

"Kala ko kung ano ng nangyari sayo. Nasaan ka..and... why are you crying?" I ask again, seconds has passed pero di parin siya sumagot.

"Eya hey,  still there?" then I heard her clearing her throat.

("I... Im.. still here kuya")

"Umiiyak ka.  Where were you? I'm worried" maya maya pa'y sumagot na ito

("Si--S-i C-hi") nauutal na saad niya,  napahinto ako at kasabay rin nun ang mabilis na pagtibok ng puso ko kahit di na niya sabihin ang kasunod ko alam ko na kung ano ito.

"w--why?  what happend to her? " diko na napigilan ang kaba ko.

("Kuya--p-umunta ka nalang dito please") di N ako nakapagsalita pa,  maski ang mga mata ko ay hindi makakurap. Dahan dahan kong naibaba ang cp ko samantalang nanginginig naman ang isa kong kamay na may hawak na baso.

"I'm going" agarang saad ko at dali daling umalis.  Di ako, maka concentrate  sa daan, si Chi ang iniisip ko.

"Fvck!  kasalanan ko to!  dapat diko siya iniwan!! " inis na saad ko sa sarili habang hinahampas ang monibela.

Nakarating na ako sa ospital at kaagad na umakyat, napahinto ako ng makita ko ang kapatid ko na umiiyak sa gilid.

Please God!!  wala sanang nangyaring masama sa kasintahan ko.

Nilapitan ko na ito, kaagad naman siyang nag angat ng tingin ng makita ako, may luha pa sa kanyang mga mata.
Kaagad niya naman akong niyakap.

"Kuya--si Chi" iyak na saad niya.

Di parin ako makapagsalita,  kaba ang nadarama ko sa ngayon.

Nabaling ang tingin ko sa kulay green na kurtina sa tabi niya,  dahan dahan na akong kumawala sa yakap niya, nanginginig na inilapit ko ang kamay ko sa kurtinang iyon saka dahan dahang hinawi at doon na nga huminto ang mundo ko ng makitang kinumutan na nga ito ng puting tela.

"TIME OF DEATH: 6:00 PM"

Christian POV

"bukas na ang engagement party ni Levi" usal ni Jaspher,  kakatapos lang naming tumulong na maglahad ng mga invitation cards kila direct at sa mga kasamahan at staff namin sa trabaho, at nandito kami ngayon sa bahay nila Levi, nakaupo sa sofa samantalang nasa taas naman si Levi nag hahalf bath.

"mukhang di parin alam ni Freya ang tungkol dito,  di rin nila tinanggap ang mga invitation card,  mahirap na daw baka makita ng kapatid nila pero mukhang dadalo parin sila" saad naman ni Mark,  napabuntong hininga nalang ako,  mukhang maiipit ang dalawang to at masasaktan talaga si Freya kapag nalaman niya ang tungkol dito.

"Wala bang way para mahinto ito?, kausapin kaya natin sila tito at tita" si Haddiso ang nagsalita,  and speaking of tita, bumukas na ang pinto at bumungad saamin ang donyang mukha ni tita.  Kaagad na kaming tumayo at bumati sakanya.

"oh nandito pala kayo" panimula niya,

"ah opo,  kakatapos lang..naming maghatid ng mga invitation cards" sagot ni Mark, ngumiti naman si tita saka tumango tango.

"thank you so much"

"anyways,  mag snack muna mayo. Feel at home,  kumuha nalang kayo ng food na gusto niyo sa kusina. Magbibihis lang muna ako...okay." saad nito saka naglakad na.

Nagtinginan naman kami at sensyasan ko si Had na gawin ang sinasabi niya kanina. Lumunok muna ito ng malalim saka nagsalita.

"ahm...tita.." tawag niya dahilan para mapahinto si tita saka lumingon na ulit saamin.

"hmm? ano yun Had? " tanong nito, tumingin naman ulit si Had,  tila kinakabahan kung sasabibin niya ba o hindi pero senenyasan naman siya ni Jaspher na ituloy ito. Lumunok na muna ito saka binaling na ulit ang tingin kay tita.

"uhm.. tita.. wala na po bang.. uhm.. way.p..para hindi..matuloy ang engagement.. at kasal ni.. Levi? "kabadong tanong niya,  maski kami kinakabahan,  alam kong hindi tamang itanong to kay tita lalo nat sila ang nagplano nito pero di narin namin kayang tingnan ang dalawa naming kaibigan na umiiyak samantalang ang isa naman ay walang kamuwang muwang. Dahan dahang napawi ang ngiti sa labi ni tita saka tiningnan kami isa isa.

"and why is that?  bat mo naitanong Had?  are you guys against sa kung anong plano namin sa anak namin? " sarkastikang saad niya dahilan para hindi muna kami makapagsalita,  shekss sobra akong kinakabahan.

"so? I ask you again,  against ba kayo sa plano namin para sa anak namin? " pagtatanong niya ulit,  tiningnan ko ang mga kasama ko lahat sila nakayuko na, kasunod ko namang tiningnan si tita,  nakataas ang isang kilay nito.

"opo tita" lahat sila nag angat ng tingin at gulat na tumingin saakin.

"fvck Christian bat mo sinabi yun?! " may halong takot na bulong ni Mark na nasa tabi ko,  maski ako ay nagulat rin sa sinabi ko, 

"ha?!!! " bulalas ni tita dahilan para mabaling ang tingin namin sakanya,  maya maya pa'y tumawa ito na tila hindi makapaniwala.

"diko akalaing bad influence pala ni Levi ang mga kaibigan niya" saad nito dahilan para gulat kaming mapatingin kay tita,  bad influence?!  kami kay Levi?!

"h--hindi naman sa g-ganoon tita" sabat ni Jaspher, itinaas nito ang kamay niya tila senenyasahan kaming wag ng magsalita. Nabigla ako,  di naman ganito si tita dati ah?

"Anong nangyayari? "biglaang saad ni Levi dahilan para mapatingin kami sakanya,  bumaba na ito saka tumingin saamin at kay tita.

"Levi sa susunod, pumili ka ng mga kaibigan na hindi pala desisyon noh! " sarkastikang saad nito saka tumingin saamin pero di lang yun nagtagal dahil umalis na ito.

Lumapit na naman saamin si Levi kayat gumaan gaan narin ang pakiramdam namin.

"narinig ko ang sinabi niyo. Mabuti nga yun at ng malaman nila na hindi lang ako ang hindi sang ayon sa plano nila" saad niya at tinapik naman siya ni Had sa braso.

"naiintindihan ka namin parekoy. Nahihirapan rin kasi kaming makita kang nagihirapan at nasasaktan" tumango tango naman si Levi sakanya.

"tara uminom muna tayo,  pampakalma lang" tugon niya at sumang ayon naman kaming lahat sa sinabi niya.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now