CHAPTER 117: INVITATION CARD

166 8 1
                                    

Mark POV
'click'
'click'
'click'

Napapakikit nalang ako minsan dahil sa mga flash ng mga camera, ang daming paparazzing nakapalibot saamin ngayon, kaming dalawa lang ni Haddison samantalang nasa bahay naman si Christian kasama si Jaspher at si Levi naman ay sinusundo namin ngayon, nandito kami ngayon sa labas ng building ng FueGuez Company ang kompanya ng mga Fuego at Rodriquez, pero ang pamilya nila Levi ang namamahala.

"dito po tayo sir" saad ng bodyguard, tumango naman kami ni Had saka dahang dahang naglakad. Patuloy parin ang sigawan ng ilan.

"HIII MARKK! "
"HADDISONN!! "
"WAHHHH"

Huminto naman muna kami saka ngumiti sakanila at kumaway kaway, may mga ngalalahad ng regalo at bulaklak kayat lumapit na kami sakanila at tinanggap ito.

May magbigay saakin ng susi kayat kaaagad na nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang babaeng nagbigay saakin nito.

"sasakyan ba to?!" gulat na saad ko sakanya,

"ah--ehh"

"Lamborghini?! "

"hindi"

"ahm BMW?! "

"hihi hindi po"

"ahm Ferrari?! "

"ehhhh?!! " gulat na bulalas niya at umiling iling, sabagay mukhang hindi naman ito ng pangsasakyan, dahil medyo manipis ito samantalang matataba naman ang susi ng sasakyan, ahh alam ko na.

"bahay to noh?! " saad ko muli at mas lalo siyang napailing at ngumiti,

"h-hindi po, para po siya dito" saad niya, kinuha na niya sandali ang susi at kinuha ang maliit na box sa kamay ko, may lock ang box na yun at yun ang susi, hihi kala ko sasakyan at bahay HAHA. Ibinigay na ulit ng babae ang regalo niya at ngumiti kayat nginitian ko naman ito pabalik, nahihiya na ako sa mga pinagsasabi ko.

"salamat ah"
"walang anuman po"

"WAHH GOLD BA TO?!!"
Napalingon ako dahil sa sigaw ni Haddison, may hawak hawak itong pulsera na sa tingin ko ay regalo sakanya, nagpaalam na ako sa mga fans na kaharap ko at nilapitan si Had, kaagad ko itong inakabayan at tiningnan ang pulsera, gold nga.

"puwede ba tong isangla?! "sabay na saad namin, napatawa naman ang nagbigay at pabirong tumango tango.

"salamat sainyong lahat" saad namin saka pumasok na, ibinigay na namin lahat ang mga regalo na ibinigay nila sa mga bodyguard namin at nagtungo na kami kaagad sa elevator at sumakay.

"eight floor, Mark" saad ni Had saakin kayat pinindot ko na ito, pagkarating namin ay may nakita kaming dalawang lalaking nag uusap, di na sana namin to tatawagan ng pansin pero narinig namin eh.

"iie-engaged na ang anak ng Fuego at Rodriguez" saad ng lalaki, teka Fuego at Rodriguez, ang pamilya nila Levi at ang kapartner nitong pamilya Rodriguez.

Naglakad na kami papunta sa opisina nila tita at tito, nalaman rin kasi namin na dumating sila kanina ng tumawag kami kay Levi. Di paman kami nakakarating ay nakita na namin sila tita at tito, napahinto pa kami ng makita sila, ilang taon narin bago namin sila ulit makita.

Napatingin na sila saamin, kaagad namang nanlaki ang mga mata nila at masayang ngumiti saamin.

"how are you boys?, its been a long time" saad ni tita at bineso kami ni Had.

"we're doing great po tita, kayo po? biglaan po ang pagdating niyo ah" saad ni Had,

"okay lang rin kami mga iho, oo biglaan talaga ang uwi namin, its business matter" saad ni tito, nagtinginan pa kami ni Had, so ang engagement na yun ay sa business partnership nga nila.

"-business and family partnership " nakangiti pang dagdag ni tita, may kinuha pa itong nakatuping kulay 'pink'na papel saka inilahad saamin tag-isa ni Had.

"Yan ang unang gawang invitation card, at ibibigay ko na ito sainyo, sa susunod nalang yung iba" saad ni tita, tinanggap na namin ito ng dalawang kamay at nagpasalamat.

"nga pala tita, si Levi po?"

"ay umalis na siya kasama ang ate niya" sagot nito, umalis na pala sial mukhang paparating na rin yun sa bahay nila Christian.

"oh siya, aalis na muna kami, medyo pagod pa kasi kami." saad ni tito,

"sige po, ingat po kayo" saad naming dalawa at umalis na nga sila.

Nagtinginan pa kami ni Had saka tiningnan ang unang gawang invitation card na ibinigay saamin ni tita.

Maganda ang desinyo nito at sa harapan nito ay ang nakasulat na 'ENGAGEMENT PARTY OF FUEGO en RODRIGUEZ' katabi nito ang dalawang printang singsing, sa ilalim naman nito ay ang nakasulat na 'you are invited' at linya kung saan ilalagay ang pangalan ng taong imbitado.

*****

" I can't, ii-engagaed nila si ate Amor?! p-paano si Azz?! " di mapakaling saad ni kuya Jaspher, nakaupo ngayon si Christian habang pilit na binubuksan ang invitation card, may pagka komplekado rin ang pagbukas non, may tali-tali pa kasi, wala pa si Levi sabi niya otw na siya.

Nakatayo kami ngayong tatlo habang nagpapabalik balik sa paglalakad, di kami mapakali sa magaganap na engagement, si ate Amor ang nakakatanda sa kanila ni Levi kayat possibleng siya nga ang mag take-over ng kompanya nila.

"ayy sa wakas na buksan na rin" masayang bulalas ni Christian, tssk wala parin namang magbabago eh, hindi naman mahihinto ang engagement na yun.

"aish wala parin namang magbabago, ii-engaged parin si ate Amor sa kung sino mang Rodriguez na yun, pambihira" medyo inis na saad ni Jaspher, parang mga kapatid na kasi kami ni ate Amor at ayaw rin naman naming makasal siya dahil lang sa soon na arrange marriage na to, mahal kasi ni ate Amor at Azz ang isa't isa kahit hindi pa sila.

"g--g-guys" nauutal na saad ni Christian, tumingin na kaming tatlo sakanya na sa ngayo'y napahinto ito at gulat na napatingin sa papel, kumunot pa ang noo ko dahil sa di maintindihang reaksyon niya.

"Bat ganoon naman ang reaksyon mo Christian? " di rin napigilan ni Had ang pagtatanong, tumingin naman siya saamin isa isa at lumunok ng malalim.




"Si Levi ang ii-engaged hindi si ate Amor!!!"

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now