CHAPTER 143: THIS PICTURE TELLS WHAT'S THE INSIDE OF THIS 💔

159 6 1
                                    

Chi POV

"Tita lalabas lang po muna ako" pagpapaalam ko kay tiya, kapatid ni mama, umuwi kasi siya para umattend sa graduation ko, pero di rin magtatagal ay uuwi rin siya sa London para sa trabaho niya. Isinasama nga ako pero ayoko dito nalang ako magtratrabaho.

"Sige iha, mag iingat ka ah, at wag kang magpapagabi ah" pagpapaalala nito.

"opo"

Lumabas na ako ng bahay at naglakad lakad, gusto kong mamasyal at lumanghap ng sariwang hangin e, gusto kong ikalma ang sarili ko. Binuksan ko na ang selpon ko at nakita nga ang di matapos tapos na pagkalat ng mga pictures nila Levi, Freya, Faye at Michael sa nangyaring kasal. Umiling iling nalang ako at nagscroll ulit, wala na naman silang pakialam dito atleast nakita ng buong mundo kung gano nila kamahal ang bawat isa. Kung hindi rin nangyari ang pagtakas nila ay baka di rin magcocomeback ang FueResValTell na nagkabati noong trahedyang iyon.

Anyway, speaking of love, kaagad na akong napahinto sa paglalakad ng makita ang post ni bum 5 seconds ago.

Nandoon ang pictures naming dalawa na magkalapit at hinahalikan nito ang pisnge ko. Kinakabahan ako, first time mag public ni Eji ng picture naming dalawa at siguradong dudumog ang mga fans niya!! pero at the same time ay natutuwa dahil ipinakita niya sa buong mundo na ako ang mahal niya, napakagat nalang ako ng labi ng makita ang caption niya

'This picture tells what's the inside of
this 💖'


Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin ng paulit ulit sa litrato, kyahhhh kinikilig ako!! para na akong timang kakangiti habang nakatingin sa selpon ko maski ang nakakasalamuha ko ay nagtataka na rin pero diko talaga mapigilan.

Habang naglalakad ako ay diko namalayan na nasa parke na pala ako, may nakita akong bench at may nakaupo doon na matanda. Umupo na ako at bumati sakanya, mukhang kakatapos niya lang magwalis dito dahil may hawak itong walis at tagaktak narin ang pawis niya.

"magandang araw ho"

"magandang araw rin iha"

"anong pangalan mo? " nakangiting tanong nito, naalala ko tuloy si tatay.

"Chi po, Chi Smith po" sagot ko

"napakagandang pangalan naman" napangiti naman ako sa narinig.

"salamat po, ikaw po tay? anong pangalan niyo? "

"Mang Ben,"

"nagagalak ko po kayong makilala mang Ben." at ngumiti naman ito, sulam na ito, wala ng ngipin sa taas at ibaba pero ang cute niya tingnan pagngumingiti.

"napakabuti mo namang bata"

"salamat po"

"ano pala ang ginagawa mo dito? "

"namamasyal lang ho"

"ah" at tumango ito, pinunasan na nito muli ang pawis niya saka hinawakan ang walis niya.

"taga walis ka po rito? " tanong ko

"oo" maya maya pa'y tumingin na siya sa relo niya saka na rin siya tumayo ay isinuot na ang kanyang sombrero, hinawakan niya na rin ang walis niya saka tumayo at tumingin saakin.

"oh siya, maupo kalang diyan at magwawalis lang muna ako"saad nito tumango naman ako saka na ulit itinuon ang tingin sa selpon.

Nakita ko ang ibang ibang komento ng nakakita saaming litrato, ang ilan ay natutuwa't nagtataka narin kung sino ako, naiinggit daw kuno sila, pero syempre hindi mawawala ang mga taliwas na komento hindi ko na yun pinansin at mas tinuonan ko nalang ang komento nilang name merge nila Zen at Eji.

'Zenji parin'

'forever Zenji'

'Zenji'

'#Zenji'

'Zenji'

'Zenji'

'Zenji'

'Zenji'

'Zenji'

'Zenji'

and so on, puro Zenji ang nababasa ko parang natabunan na nga ang mga magagandang komento kanina dahil sa sunod sunod na komento ng mga ito. Pinatay ko na ang selpon ko at pumikit ng mariin, may anong kirot nanaman ang nararamdaman ng puso ko kayat kaagad akong napahawak sa dibdib ko, kailangan kong di masaktan, makakasama to sa sakit ko.

Huminga na ako ng mariin saka na idinilat ang mga mata, dapat ko ng hindi isipin ang komento nila dahil hindi naman sila ang nakakaalam sa relasyon naming dalawa, oo masakit pero naniniwala ako kay bum, sabi niya kasi sakanya lang ako magtiwala kayat inialay ko ng buong buo ang tiwala ko sakanya, di niya naman ako bibiguin diba? ---

"iha iha halika! " tila na eexcited na kampay niya saakin, kaagad na naman akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sakanya.

"ang swerte naman natin! " masayang tugon niya samantalang ako nama'y nagtaka.

"ho bakit po? " may itinuro ito kayat napatingin ako sa direksyon na itinuturo niya. Dahan dahan na akong napatingin dito noong una ay diko masydong makita pero maya maya pa'y nagulat ako ng mapagtanto kung sino ang mga ito, si Eji at si Ze--nice?

bakit sila magkasama, bakit sila? --- ha!!! napatakip ako sa aking bibig.











"ang swerte naman natin at nakita nating naghahalikan ang isang sikat na artista at ang nobya niya"

hindi! hindi maari! bakit Eji? bakit?!!
hindi hindi totoo to, Rji wouldn't do such thing! pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi totoo ang lahat ng to! hinihiling na sanay isang masamang panaginig lang ito. Pero hindi, totoo at gising na gising ako.

"tss tss tss" iiling iling na saad ni Mang Ben

"iwan ko kung pasyalan paba ang lugar nato o PDA park na. Sabagay sanay naman ako dito juskoo" dagdag pa niya habang ako'y nakatitig parin sakanilang dalawa. May naramdaman akong tumulo sa pisnge ko,

bakit pa ako pumunta dito?
bat pa ako dito dinala ng mga paa ko?
Tinahak ba ako nito sa katotohan?
Na iminulat ang aking mga mata na hindi kami karapat dapat sa isat-isa?

Dahil sa pagkatulala ay nabitawan ko ang selpon ko, nakaopen pa ang picture naming dalawa na napost niya lang kanina.

"naku naku! " bulalas ni Mang Ben at pinulot na ito,

"iha ito pala ang selpon mo--teka umiiyak kaba? " nag aalalang tanong niya pero patuloy parin akong nakatitig kila Eji, unang kumalas si Eji sa halik nilang dalawa at hinawakan ang magkabilang braso ni Zenice. Gumagalaw ang labi niya tila may siansabi ito, diko alam kong bakit tutuk na tutuk parin ako kahit na ikinadudurog na ito ng puso ko.

Pinahid ko na muna ang luha ko saka tumingin kay Mang Ben na ngayon ay nag aalala saakin, nginitian ko nalang ito.

"salamat po Mang Ben" saad ko saka na tinanggap ang selpon ko, nakita ko pa ang picture naming dalawa ni Eji pero kaagad ko ng inihome ang slepon ko, mukhang wala ng sibli ang larawan na yun.

"okay kalang ba iha? " tanong nito at tumango naman ako,

"opo Mang Ben, okay lang po ako"

"Sige ho aalis na po ako" tumalikod na ako saka tumakbo kasabay rin nun ang tuloy tuloy na pag agos ng luha ko. Wala na akong pakialam kong pagtinginan pa ako ng mga tao, wala na akong pakialam kung umatake ulit ang asthma ko, sana nga'y hindi na tumibok ang puso ko't mawala narin siya mula dito.

Mukhang naging tama nga ang hinala ko, maaari ngang pagtagpuin lang kami ni Eji pero hindi talaga kami ang endgame, mukhang totoo ngang di kami bagay sa isa't isa.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now