CHAPTER 104: MARSHI VEBIAN

303 13 11
                                    

Dedicate to: marshi_14



Mark POV

Nagliligpit ako ng mga gamit ko sa tent at paglabas ko ay kaagad namilog ang mga mata ko ng may makita akong mgandang babae na paparating,

"pre! pre! pre! " tawag ko kila Christian at Haddison na nakatayo, tumingin naman sila saakin kayat seninyasan ko silang lumapit.

"bakit? natatae kaba? " saad ni Haddison kayat binatukan ko ito,

"gaguee hindi, yun oh! " saad ko sabay turo sa babaeng kausap ngayon ni direk.

"ang ganda na noh! " saad niya kayat tumango tango ako.

"sino kaya yun? " tanong naman ni Christian, nag akbayan kaming tatlo at nagmasid sa gawi nila direk.

"siya si Marshi Vebian" sagot ni haddison, wow ang ganda pati pangalan.

"ano kaya ang trabaho niya? "

"Model"

at nagpapalitan lang kami ni Christian ng tanong, si Haddison naman ang taga sagot.

"ano kaya ang paborito niyang kulay?"

"sky blue "

"paboritong pagkain?"

"ice cream "

"eh yung birthday niya?"

" December 14"

"ah~" nagtinginan kaming dalawa ni Christian at tumango tango pero maya maya'y nanlaki ang mga mata naman at nilingon si Haddison.

"teka bat ang dami mong alam?" gulat na tanong ko at isa isa naman niya kaming binatukan.

"arayy"

" girlfriend ko yan eh, siya yung sinasabi kong ipapakilala ko sainyo ngayon" sagot niya dahilan para magsilaglagan ang mga panga namin.

Tumingin si direk at yung si Marshi sa gawi namin at nagwave sila saka naglakad na.

"nandito pala yung hinahanap mo eh" saad ni direk kay marshi ng makalapit sila.

"hi" bati nito, at pilit naman kaming ngumiti ni Christian

"h-ii"

"love" baling nito kay Haddsion at kaagad na niyakap, tsss kakainggit tong mga to.

"alam mo direk may naisip akong bagong scene, what if p4tayin nalang natin si Haddison sa movie no? " sarkastikong saad ko,

"hm oo nga po direk, para may thrill" pag sasang ayon ni Christian, napatingin naman saamin si Had saka kami binatukan.

"aray~~" daing namin at hinaplos ang mga ulo namin, samantalang nagyakapan ulit sila.

"huhu mga walang respeto"
"Had alalahanin mong action ang ginagawa natin hindi romance" pagdradrama namin pero hanep dinilaan lang kami.

"Ngayon naba ang flight mo?" medyo malambing na pagkakasad ni Had, ngumiti naman ito saka tumango.

"oo"

inakbayan na ni Haddison si Marshi at tumingin saamin.

"guyss meet Marshi Vebian Wilson, my girlfriend, sorry hindi ko siya napikalala sainyo noon dahil nga sa busy siya, isa rin siyang model at iisang companya lang sila ni Zenice, yun ngalang ay nauna siyang umuwi dito pero 2 weeks lang ang stay niya at magbabakasyon siya sa London kaya nawalan na ng oras, at ngayong araw na rin ang flight niya" paliwanag nito.

"Anyway, love meet Christian Kitomori and Mark Tehiro mga alagad ko"

"hoyy!!"

"HAHAHAHA biro lang, mga kaibigan ko pala" pambabawi niya,
pambihirang Haddison to may biro pang nalalaman palibhasa'y nandito ang jowa,

walang forever!

charot joke lang.

"Hii nice meeting you marshi"
"nice to meet you too guyss" nakangiting saad nito at nagshake hands na kami.

"sayang di mo makikilala yung iba, wala kasi dito sila Levi at Jaspher, at yung lima naman alam ko namang kilala mo na sila"

"hmm I see" sagot nito at tumingin saamin

"sayang at hindi tayo makakapag bonding, "

"oo nga eh sayang"

"hayaan mo may susunod pa naman"

"oo nga"

"so pano guys alis na muna kami, hatid ko lang siya sa airport" saad ni Haddison at tumango naman kami.

"sige parekoy ingat kayo"paalam namin at umalis na nga sila.

Nagtinginan pa kami nila direk at napabuntong hininga,

"pambihirang Haddison yun di nagsasabi na girlfriend niya yun" usal ko

"oo nga eh, sinabi na niya kung kailan napahiya na tayo" sang ayon naman ni Christian, tinapik naman kami ni direk.

"maghanap kasi kayo para sa susunod ay kayo na ang may ihahatid at isusundo" saad niya at umalis na, nagtinginan naman kami ni Christian na nakakunot ang noo

required pala yun?

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now