CHAPTER 135: CONFESSION GONE WRONG

132 5 0
                                    

***
MONTHS PASSED
***

Faye POV

Today is August 25, dalawang buwan na ang nakalipas simula ng gawin namin ang pasekretong pagdadate nila Levi at Freya, diko kinoconsider na date ang pagsasama namin ni Michael bagamat gusto kong sabihin date to pero hindi dahil wala namang kami, ang mas bagay yatang term sa pagsasama naming to ay friend date.

Akalain mo yun, natiis ko ang dalawang buwan na hindi umamin sakanya kahit nagsasama kami araw araw at ang masama pa don ay mas lalong lumalalim na nga ang nararamdaman ko.

Napabuntong hininga nalang ako,  limang araw nalang ay magaganap na ang kasal namin ni Levi at prepare na prepare na ang lahat, may oras pa naman para matigil ito, yun ay kung makaamin na ako kay Michael. Alam kong konti lang ang tiyansa na mahal rin ako ni Michael pero hindi na yun mahalaga basta't maamin ko na to sakanya.

Maaring pareho kami at hindi ng nararamdaman pero pagkatapos kong umamin, kakausapin na namin ang mga magulang namin ni Levi at sabihin na hindi nga namin mahal ang isat isa.  Gagawin ko to para sa kasiyahan ni Levi at Freya, nakikita ko kasi sakanila ang tunay na pagmamahal,  iyong ipinaglalaban nila ang isat isa. 

*/ sigh

Mabuti pa si Freya noh,  ito ang ikalawang beses na may mang iiwan saakin para sakanya,  una si Azz,  iniwan niya rin ako dahil sa masamang pagtrato ko kay Freya pangalawa naman si Levi.  oo masakit pero hindi naman na ako nagdadamdam ng galit, I know mahahanap ko rin ang para sakin.

May kumatok na sa pinto dahilan para maiwaksi ko na ang mga iniisip ko at bumangon na ako sa pagkakaupo sa kama ko.

"Iha Levi is here" tawag ni mom,  8:00 am na pala at gaya ng nakagawiang plano namin,  lalabas ulit kami nila Freya at Michael. Inayos ko na muna ang sarili ko at bumuntong hinga saka binuksan na ang pinto.  Bumungad na naman saakin ang nakangiting mukha ni mom kayat ginantihan ko rin ito ng ngiti.

"mukhang nagkakaayos na kayo ni Levi ah,  hindi ako nagsisisi na inarrange namin kayo sa maagang panahon.  Levi is smiling when he came here,  mukhang excited na excite nga siya" natutuwang saad niya,  peke naman akong ngumiti,  mom kong alam mo lang, hindi ako ang dahilan ng mga ngiti niya,  hindi ako ang taong dahilan ng pagka excited niya, hindi ako ang idadate niya dahil palabas lang yun,  at higit sa lahat hindi ako ang mahal niya.

"yeah... we're doing great" pagsisinungaling ko pero mukhang naniwala naman si mom dahil nginitian niya ako ng kay tamis niyakap ko na siya ng mahigpit at pinikit ang mga mata ko,  may munting luha ang tumulo sa pisnge ko,  ayokong magsalita dahil baka humagulhul ako.  Kahit papaano'y natutuwa ako't ipinakilala nila saakin si Levi dahil dito ko pala marerealize at makikita ang tunay na pag ibig,  na malaman ang pinagkaiba ng gusto at mahal na dati'y diko maintindihan.

Alam kong para sa kapakanan ko ang ginagawa nila pero sadyang hindi yata ito ang tamang paraan. 

"You guys only have five days before your weeding" biglang saad ni Michael na kasama ko ngayon maglibot libot ng shop, huminto na muna kami saka ako tumingin sakanya.

"Yes,  we only have very short time to do the confession plan"

"They already comeback here in the Philippines, why you guys still didn't tell them? " tanong niya,  pero umiling iling ako.

"I still have something to do" sagot ko at nagtaka naman siya,

"huh?  what is it? " tinitigan ko na siya,  kumakabog rin ang tibok ng puso ko ng makita ang kumikinang niyang mga mata.  "a confession"

"confession? " nagtakaka niyang tanong,
"I will confess to the person I fell inlove with" sagot ko at nakita ko naman ang pagkagulat sa kanyang mukha,  mas magugulat kapa talaga kapag sinabi kong mahal kita.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now