CHAPTER 91

297 12 4
                                    

Amor POV

"Nang malaman ng mga magulang ko na nagkakagusto saakin si Levi ay natuwa sila at pinilit nila akong iwan si Jerome, nagkahiwalay kami ni Jerome non at nagsimula na ngang manligaw si Levi saakin, ayaw ko siyang sagutin dahil wala talaga akong nararamdaman sakanya, pinipilit nila at sinabing papalayasin nila ako, natakot ako non dahil wala naman akong pera pangtustus sa sarili ko, di rin naman ako puwedeng makitira kila Jerome dahil baka madagdagan lang ang problema nila dahil saakin. Masakit nga eh dahil pinagsasabihan nila akong, ang t*nga t*nga ko raw dahil na kay Levi na daw ang lahat, samantalang si Jerome daw ay dagdag sa problema ko, pero hindi eh, si Jerome ang nagpapagaan sa lahat ng problema ko" saad niya, tumawa ito ng peke at pinagpatuloy ang pagsasalita.

"haha nakakatawa nga eh, pinipilit nila akong ibigin ang tao na alam ko namang di siya ang tinitibok ng puso ko. Diko ipagkakaila na mabuti at gwapong tao ang kapatid niyo ate, kaya nga nasasaktan ako dahil masasaktan ko siya. Buong buo ang pag ibig na ibingay niya pero ang mas nakakalungkot ay diko to masuklian{sight heavily} minsan nga'y pinagkukumpara ko silang dalawa, kahit gaano man karami ang sinasabi nilang pagkukulang kay Jerome para saakin napaka perpekto na niya." paliwanag niya at tumingin saakin.

Nakakahiya, nakakahiya ang mga maling paratang ko sakanya, mga masasakit na salita na inilabas ng bibig ko ng wala naman palang kabuluhan.

"Anong gagawin mo ngayon? siguradong dikana papasukin ng magulang mo, kapag bumalik kapa ay baga paulanan kalang nila ng masasakit na salita at baka nga'y saktan kapa nila" saad ko at ngumiti naman ito.

"di na naman po ako babalik don, ngayong nakapag ipon na kami pareho ni Jerome mula sa pag woworking student namin."

"pa--pano naman si baby? Anong sasabihin mo?" tanong ko, naawa rin ako sa kapatid ko pero hindi ko rin masisisi si Dalia biktima rin lang kasi siya pero ang kapatid ko, pano na? sigurado akong masasaktan siya ng todo.

maraming nasasawi sa pag ibig, unang nasaksihan ko si Azz at ngayon mukhang susunod na ang kapatid ko.

"makikipag hiwalay na po ako sakanya, alam kong masasaktan siya pero kailangan, kaysa naman tumagal pa, ayoko na ring magpakapeke sakanya" saad niya at nasaktan ako ron, siguro kong si Levi ang nandito baka ay magwala na ito.

"mabuti at ipinaliwanag mo saakin lahat, pagpasensyahan mo na rin ako sa ginawa ko"

"okay lang po yun ate, naiintindihan ko rin" saad niya at hinawakan ang kamay ko.

"Babe" tawag ng boses lalaki kayat nilingon namin ito, nagulat kami ng makita namin itong may dugo sa gilid ng kanyang labi.

"Jerome!" natatarantang saad ni Dalia at kaagad na lumapit kay Jerome

"okay kalang ba? anong nangyari?" nag aalalang tanong nito.

"pumunta ako sainyo pero pagbukas ng pinto bumungad saakin ang magulang mo at sinapak kaagad ako ng papa mo" sagot niya dahilan para mapaiyak si Dalia at kaagad niya itong niyakap.

"aalis na tayo Jerome, magsasama tayo" umiiyak na saad niya, napangiti nalang ako at the same time ay nalulungkot, hindi nga si Levi ang mahal niya.

di nagtagal ay humiwalay na ito ng yakap at humarap silang dalawa saakin.

" Jerome siya si ate Amor ang kapatid ni Levi" pagpapakilala ni Dalia saakin, nagulat pa ang lalaki pero kaagad naman itong naintindihan ni dalia

"alam na niya Jerome, pinaliwanag ko na rin lahat" saad niya.

"nagagalak ko po kayong makilala, pakisabi narin kay par Levi na sorry, pasenya sa ginawa namin ni Dalia, naiintindihan ko ang mararamdaman niya kayat handa rin ako kung sakali mang sugurin niya ako " semsiridad na saad nito at tumango naman ako.

mabuting tao nga itong si Jerome, simpleng tao gaya ni Dalia.

"sige ho ate, aalis na po kami, maraming salamat po, at sorry po"  saad ni Dalia at nginitian ko sila.

"sige ingat kayo" saad ko at umalis na sila, bagsak akong umupo sa upuan at uminom ng tubig, sa ngayon ay kapatid ko ang inaalala ko,

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang litratong nakuha ko kanina, noong naghahalikan si Dalia at si Jerome, mukhang wala na itong silbe, pinindot ko na ang delete button,  bumuntong hininga ako saka umiling iling.

kawawang Levi.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now