CHAPTER 85: BE HIS DATE

293 11 2
                                    


Freya POV

"At yun na,  tapos" saad nito, ang haba ng kwento niya, nakakakilig rin, akalain mo yun non-showbiz siya tapos na fall sakanya ang pinapangarap ng ilang babae.

"grabee mas ginanahan akong makinig sayo kaysa sa lesson namin" saad ko at natawa naman siya, di rin nakakaduda,  ang ganda niya at nakaka inlove ang tawa niya, eh ako parang takas mental lang.

"HAHA nakakatawa ka talaga." saad nito,  grabe nabusog narin ako,  habang nagkwekwento kasi siya ay sinasabayan ko ng kain, ngayon ay medyo lumulubo na ang tiyan ko. 

"tara ate, umuwi napo tayo" saad ko at tumayo pero kaagad akong napahinto ng hawakan niya ang kamay ko kayat nilingon ko ulit siya.

"yung kapalit" saad niya,  ay oo nga pala nakakalimutan ko na,  umupo na ulit ako at humarap sakanya.

"ano?  anong gusto mong kainin,sabihin mo lang ako na bahala" saad ko,  pero umiling ito,

"hindi,  hindi yun ang hinihingi kong kapalit" saad niya kinahaban naman ako,  anong gusto niya?!  bahay? lupa?  kotse?  gold?  WAHH wala pa naman akong pera?!

"eh ano? " tanong ko,  tiningan niya muna ang selpon niya saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"gusto kong ikaw ang sumipot sa date namin ni Inigo" saad niya na ikinalaglag ng panga ko.

"ANO?!!! " 

*******

"pambihirang koryusidad to, napahamak tuloy ako! "

*FLASHBACK*

"ano?! "

"sige na please"

"pero ate, date niyo po yun, di maaring ako dahil hindi naman ako yung girlfriend niya"

"di kasi ako makakasipot,  ayaw ko rin naman na umuwi siya ng malungkot kayat gusto kong pasayahin mo siya"

"pero ate-"
"yun ang kapalit,  kaya please"

*END OF FLASHBACK*

wala akong nagawa, kung nalaman ko lang kaagad na yun ang kapalit edi sanay diko na ito tinanong pa!  pero tela?  bat naman ako ang sisipot sa date nilang magjowa? okay lang ba tong si Dalia?

"pambihira naman oh" inis na saad ko sa sarili at kinalmot ang ulo,

"si Levi mapapasaya ko?  eh baka mainis to lalo kapag nakita ako" saad ko pa sa sarili habang naglalakad. Bat ko pa kasi inalam?! aishh nasa huli talaga ang pagsisi,  pero kailangan kong mapilit si Levi na magdate kami I mean friend date.

haysst

Napabuntong hininga nalang ako,  tiningnan ko ang orasan at alas tres palang saktong oras para sa meet up nila ni ate Dalia,  tiningnan ko na ang adress na sinasabi ni ate Dalia at hinanap na ito, sakto namang pagkadating ko ay nandoon na si Levi nakatayo at panay tingin sa selpon niya,  siguradong hinahanap na nito ang girlfriend niya,  kumuha mo na ako ng lakas ng loob saka lumapit sakanya.

"Levi" tawag ko, tumingin naman ito saakin at ng makita niya na ako nga ito ay tumaas ang isa niyang kilay,  oh kita mo na!  kilay niya palang halatang hindi na niya nagustuhan ang presensya ko,  date pa kaya?!

ate Dalia bat hindi mo kaagad sinabi na ito ang kapalit! huhuhu

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now