CHAPTER 124: FREYA THE VIOLENT

163 6 0
                                    

Freya POV

Huminto na ang kotse hudyat na nakarating na nga kami sa bahay.

"We're here! " saad ni kuya Clyde,  isa isa na naming tinanggal ang seatbealt namin at kinuha ko na rin ang mga pagkain na binili namin na mga snacks. Bago pa man ako pumasok ay kinuha ko muna ang selpon ko at tinext si Levi.

TO: HOMIE♡

Nakauwi na ako,  ikaw ba? 

*MESSAGE SENT*

Ilalagay ko na sana ang selpon ko sa bulsa ko ng tumunog ito.

TING!

ang bilis naman yata niya mag reply?  Binuksan ko na ulit ito at ng tingnan ko di pala ito galing kay Levi.

FROM: kuya BlakeBoard🍕

Ano pang tinatayo mo diyan?  halikana, balak mo yatang itakas at kainin mag isa yang mga snacks na binili natin ah! 😒

Kumunot naman ang noo ko at tiningnan siya na nasa harapan ko lang mismo,  may pagka buang rin tong kuya ko noh.

"Tara na" tawag ni kuya Azz kayat lumapit na ako sakanila,  hinampas ko pa si kuya Blake sa braso.

"Arayyy" daing nito
"May pa text text ka pang nalalaman" 

Pumasok na kami at kaagad naman naming nakita sila Nanay at lolo na nakaupo sa salas at nanonood ng tv, lumapit na kami sakanila saka nagmano isa isa.

"Pagpalain sana kayo ng diyos" saad ni Nanay, bumukas na ulit ang pinto at pumasok ang nahuhuling si kuya Ken-chin dala ang ilang pagkain.

"Hi mom,  dad" bati nito at tinanggal na ang kanyang sapatos, ibinaba niya rin muna ang mga paper bag saka dumiretso na sa gawi namin.

"Mano po nay,  lo" pagmamano ko at sumunod naman si kuya.

Akmang maglalakad na ako ng mapahinto ako at mapagtanto ko ang sinabi ni kuya Draken. Nilingon ko sila kuya at ganoon rin sila,  bali gulat kaming nagtitinginan sa isa't isa.

Sabay sabay kaming tumingin sa kusina at totoo nga!  nandito sila mama at papa!!

"Mom! Dad!!" di makapaniwalang usal naming apat, kailan pa sila umuwi?

"Kailan kayo umuwi?! " gulat na tanong ni kuya Clyde,  pinatay na muna ni mama ang kalan saka tumingin saamin na tila ba natutuwa't naiiyak saka ibinuka nila ang mga kamay nila na tila humihingi ng yakap.

"Di niyo ba kami namimiss? "
"At di niyo ba kami ihuhug? "

Nagtinginan pa kami pero kaagad ng naglakad si kuya Azz sa gawi nila mama at papa, di rin kami papahuli kayat kaagad na kaming sumunod. Para kaming mga bata na nag aagawan kung sino ang mauunang yayakap sa mga magulang namin.

"Teka ako muna, ako nauna eh! "

"Ako na muna! "

"Eya sa huli kana tutal bunso ka naman"

"Aba kuya,  ladies first kaya! "

Pag aagawan namin sabi kasi nila nasa unang yakap ang sobrang excitement samantalang medyo boring na ang huling yakap.

So ang nangyari,  nag group hug nalang kami.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz