CHAPTER 103: ADMIRATION

329 18 9
                                    

Dedicate to: jewelslyncaronan

Freya POV

"masarap noh?! syempre ako ang nagluto eh" proud na sabi niya, kunot noo naman akong tumingin sakanya habang nginunguya nguya ang pagkain, nilunok ko na ito saka tumingin sakanya na sa ngayon ay tuwang tuwang kumakain, parang bata.

"pinagmamalaki mo yun? eh fishball at kikiam lang naman yung niluto mo" saad ko sakanya at di siya makapaniwalang tumingin sakin.

"minamaliit mo ko ha, tsaka priniprito kaya to at first time ko to, matuwa ka naman" tila malungkot na saad niya dahilan para mapatawa ako ng mahina, grabee din tong lalaki noh, kakaiba din yung effort niya, grabee, HAHA.

"oo na oo na, pambihira talaga ang mga mayaman" saad ko at tumusok ulit ng fishball, ang saya dahil marami siyang dinala.

"teka mayaman karin naman ah" pagtatalo nito saakin saka kumuha ng kikiam, kinain ko muna ang fishball na hawak ko saka nagsalita.

"pero hindi ako lumaking tulad mo, lumaki ako sa hirap no" saad ko sakanya, hindi na ulit ito kumibo at pinagpatuloy lang ang pagkain namin. Tiningnan ko ang paligid, matiwasay at tahimik, nasa lugar kasi kami ng paaralan kung saan marami ang puno at luntiang mga bermuda grass ang daan, wala ring mga estudyante dahil nasa cafeteria ang lahat.

Nakaramdam naman ako ng siniko niya ako kayat nilingon ko ito, lumulubo pa talaga ang pisnge niya dahil sa dami ng pagkain na inistock niya sa bibig niya.

"aish lunukin mo na nga yan" singhal ko sakanya at linunok niya nga ito. sarap na sarap siya ah parang kailan lang eh nag iinarte siya.

"bat dika na ulit kumakain, busog kanaba?"tanong niya pero umiling iling ako.

"hindi pa"

"eh bakit hindi kana kumakain? "

"pinagmamasdan ko lang ang paligid" sagot ko at tumingin nga rin siya sa paligid,

"ang ganda dito noh, para tayong nag pipicnic" saad niya at sumang ayon naman ako

"oh siya ubusin na natin to" saad ko at kinain na nga ang natitirang fishball at kikiam.

Azz POV

"Ito yung script niyo, praktisin niyo muna maya maya pa naman tayo magsisimula, pakibigay nalang sa iba" saad ni direct sabay lahad ng papel, walong buwan na namin ito at hindi pa namin natatapos ang palabas namin pero tiyantang sa paparating na taon ito matatapos.

"Azz! " sigaw nito, ewan ko pero biglang nagreact ang puso ko ng marinig ko ang boses niya, nilingon na namin ito pareho ni direct at nakita nga namin si Amor

"ang ganda ni Amor ngayon ah" saad ni direct sa tabi ko, tskk araw araw naman kasi siyang maganda sadyang mas gumanda siya ngayon dahil sa magandang dress na suot niya.

May hawak hawak itong box at tumakbo na papalapit saamin, habang akoy nakatitig lang sa kanya, diko alam pero nitong nakaraang araw ay nag iba ang nararamdaman ko kay Amor, it feels weird and different, I hate to say this but it might be admiration.

"hoyyy!!!! " napakurap kurap ako ng makitang nasa harapan ko na siya, tiningnan ko ang paligid ko pero wala na si direk,

teka nasaan nas siya?

napa atras naman ako ng konti dahil sa sobrang lapit ng mukha niya, saka tumingin sakanya.

"hu-h?! "

"Kanina kapa tulala ah, nagpaalam na si direk pero lutang na lutang ka. Okay kalang ba?, o baka sinapian ka na? " saad niya kayat tinusok ko ang noo nito,

"arayyy naman! "

"ang daldal mo"

sumimangot naman ito,

"pshh kahit kailan talaga Azz"
"ano naman yang dala mo?" tanong ko sabay turo sa box niya

"ahh ito ba, cookies to. Nga pala nasaan si Aya? " tanong nito saakin.

"Nag aaral" sagot ko at bigla naman lumungkot ang mukha nito

"ayy sayang ibibigay ko sana itong cookies sakanya"

"Wuyyyy!"
"oh nandito na pala si ate Amor!"
"Wow ate ang ganda mo ngayon ah!"
Nagsilapit na sila kasama ang apat kong kapatid.

"Ang ganda mo ngayon ate" usal ni Clyde at iwinagayway nga ni Amor ang buhok niya sa ere.

"so ngayong araw lang, kahapon hindi?"sarkastikang saad niya

"uh hindi ah, ang ibig kong sabihin ay mas lalo kapang gumanda"

"HEHE salamat"

"kaya pala titig na titig itong kuya ko sayo eh" singit naman ni Blake dahilan para pangkunutan ko siya ng noo

"yiee ikaw Azz ah" kutya ni Haddison at tinusok nito ang tagiliran ko,

pambihira.

"bagay naman kayo"
"oo nga ate"

"gwapo nat maganda-nznsksjsndh" bigla namang sinubuan ni Amor ng cookies si Christian.

"mga lalaking tao pero ang daldal" saad niya kayat napangisi ako

"oh, magpractice na tayo" saad ko sabay bigay sakanila ng papel.

"si Levi nasaan ba?" tanong ni Jaspher kayat napagingin kami kay Amor

"Nasaan si Inigo?"
"abay iwan ko, kala ko nandito na, eh huling kita ko sakanya ay noong nagluluto siya sa kusina eh"

"ayy wehh marunong magluto si Levi?" di makapaniwalang tanong ni Draken at tumawa naman si Amor sabay hawak sa tiyan niya.

"HAHAHHA e kikiam at fishball lang naman yun HAHAHAH, tapos parang naka shining armor pa siyang noong ngaluluto siya natatakot daw siyang matalsikan ng mantika" kwento niya dahilan para mapatawa kami, iba din si Levi.

"pambihirang Levi" iiling iling na saad ni Mark

"oh siya, mag practice na tayo, siguradong susunod naman si Levi dito eh"

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora