CHAPTER 109: WE DON'T LIKE HIM

302 9 6
                                    

Freya POV

Nandito ako nakaupo sa kama ko habang nakailing ang ulo ko, habang nag iisip sa mga nakaraang araw. Habang tumatagal ang mga araw may kakaiba akong napansin eh, kay Levi. Hes being weird, ewan ko pero lagi siyang sumusulpot eh, baka nagkataon lang pero hindi eh parang sinadya. Tapos, iba ang pakikitungo niya saakin, alam mo yun, yung dating masungit saakin naging mabait, tss tss.

At habang tumatagal ang araw nag kakaroon narin ako ng nararamdaman sakanya, at nararamdaman ko rin na mayroon siyang nararamdaman sakin, charr mahirap umasa, pero totoong ramdam ko.

"LIL SIS!! alas otso na ng umaga, gising na!!" malakas na sigaw ni kuya Draken ng makarating siya sa kwarto.

"kanina kapa tinatawag, lumalamig na ang pagkain" dagdag niya, napabusangot nalang ako at tumayo na.

"ewan ko sayo kuya, ang laki laki ng bunganga mo! may mikropono ba yan sa leeg mo?"

"abat-- gusto mo bang iuntog ko yung ulo mo sa pader" biro niya,alam niyo yun, ganito na talaga kami magbiruan

"kaya mo?" paghahamon ko
"hindi" sagot niya at napailing nalang ako.

"Tsk, bilisan mo, tsaka magtoothbrush ka muna bago bumaba ah, baka mamaya ay paglagay mo palang ng pagkain sa bunganga mo ay pumanis ito" pan iinsulto niya, kita niyo na, ki aga aga!

"nakakahiya kay levi" dagdag pa niya saka na umalis, tsk ano naman ang pakialam ko sa lalaking yun, tumalikod na ako at akmang tutungo na ako sa cr ay napahinto ako at napalitan ng gulat sa mukha ko.

NANDITO SI LEVI?!!!!

Lumabas naman ako kaagad sa kwarto ko at dahang dahang nagtungo sa hagdan at pagsilip ko,

Confirmed!

Nandoon nga siya, masayang masayang nakikipag usap sa kanilang lima habang nakamasid lang sila mama at papa sa kanila. Kaagad na akong bumalik sa kwarto at ginawa ang morning routine ko, kung wala talaga akong bisita, hahayaan ko talaga ang sarili kong bumaba na punong puno ng muta sa mata.

"Hi sistah morning~" bati ng lima,
"morning braderss" saad ko naman at nagtungo ako kila mama at papa saka hinalikan sila sa pisnge, nagtungo rin ako kay NayNay at bumati,

Si levi? denedma ko siya HAHAHA, pero alam kong nakatitig siya.

Pagkatapos kong bumati sa kanila ay saka ko na itinuon ang tingin ko kay Levi,

"bat ka nandito?" tila may pagkainis na tanong ko, deretso lang itong nakatingin saakin saka dahan-dahang tumayo at lumapit saakin, pero pagkarating saakin ay lumagpas ang tingin niya papunta sa magulang ko.

"tita hihiramin ko lang muna ang anak niyo ah" pagpapaalam niya, hihiramin? ano ako bagay?!

Tiningnan ko sila mama at papa, nagtinginan pa silang dalawa pero maya maya ay tumingin siya kay Levi at pilit na ngumiti

"ah--eh s-sige" tila nauutal na saad ni papa, base sa mga expresyon nila parang may problema.

Nakaramdam naman ako ng mainit na bagay sa kamay ko,hinawakan niya pala ang kamay ko!

Gulat naman akong napatingin sakanya pero ngumisi lang ito.

"hoyy--"
"shh na Blake hayaan mo na"
"bawal pa yan ah"
"shh na"

"sige na umalis na kayo" pagtatabuyan ni kuya Clyde saamin.

Pagkalabas namin ay tumingin siya saakin at ngumiti, bagamat nakakailang ay nginitian ko nalang ito pabalik.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now