CHAPTER 136: VIRAL PICTURES

126 4 0
                                    

•PEOPLE POINT OF VIEWS•

[staring to their phone]

Nagdadate parin si Levi at Freya?


Si Faye naman at isang kanong lalaki?


anong nangyayari sakanila?

double date?

nagpalitan ng partner?






Jaspher POV

'scroll down,
scroll down,
scroll down'

Yan lang ang ginagawa ko sa instagram,haysstt amboring,  tiningnan ko ang orasan ala sais palang ng gabi,  nandito kami sa bahay ng mga Shantell nag food trip, at tumabay.

"Christian pasa mo nga saakin yung basong yun,  yung may lamang juice" utos ko kay Chris na nasa may mesa,  kinuha na naman niya ito saka na inilahad saakin.

"salamat parekoy"

Uminom na ako at nag scroll ulit ng may makita akong picture dahilan para matapon ang juice na nasa bunganga ko at matapon sa sala na inuupuan namin at kay Christian na katabi ko.

"yucks!! HAHAHAH" tawa ni ate Amor at Zenice, si Christian nama'y napapikit nalang ng mariin saka pinahiran ang mukha niya gamit ang kamay niya,  samantalang ako'y gulat paring nakatingin sa litrato,  pano nato?!!

"a--aray" usal ko ng mahina akong sinak4l ni Christian,

"yung laway mo pre,  kadiri!!" nandidiring saad pa nito. Pilit ko naman siyang sinusuway.

"bitawan mo nga ako,  tingnan mo to!" saad ko sakanya at itinuro ang selpon ko, 

"ano ba yan?  at parang kinakabahan ka?" nagtaka naman ito saka na ako binitawan at kinuha na ang selpon na nasa kamay ko.

He gasped as he saw the picture, at tumingin saakin

"p4tay tayo" nanlalakihan ang mga mata niya ng sabihin yun

"wuyy ano ba yan? " tanong ni Zen kayat inilhad na rin ni Chris ang selpon ko at ipinakita sakanila ang litrato na kumalat sa socmed.



"OMY!!!  MAY NAGKALAT SA PICTURE NILA LEVI AT FREYA NA MAGKASAMA AT MAGKA HOLDING HANDS PA!!  KASAMA NARIN SILA MICHAEL AT FAYE NA NAGYAYAKAPAN!" gulat na sigaw ni ate Amor saka tumingin na sila saamin, 

"Pano nato?!!! "

 

Faye POV

"Bye" paalam nila Freya at Michael,  papalabas na kasi kami ngayon dito sa isnag restaurant ibig sabihin magpapalitan na ulit kami ng partner,

"bye" paalam namin pero bago paman sila makalabas ay lumapit na ulit si Michael saakin at hinalikan ako sa pisnge,

๏_๏

Ngnisihan niya lang ako saka nagtungo na sa gawi ni Freya samantalang tulala parin ako at hinawakan ng isa kong kamay ang pisnge ko. Napabaling naman ang tingin ko kay Freya at Levi na ngayon ay gulat rin, napatakip pa si Freya sa bibig niya.

"umamin kana?!! " sabay na tanong nila,  ibinaba ko na ang kamay ko mula sa pisnge ko at nginitian sila.

"hmm" tango ko,  nagtinginan naman silang dalawa saka sabay silang nag thumbs up dahilan para mahina kami natawa ni Michael.

***

"bye Levi" pagpapaalam ko, nandito na kami ngayon sa labas ng aming bahay,  ngumiti na naman siya saakin at tumango.

"bye,  good night Faye"
"ikaw rin. Ingat" nag wave na ako saka na rin siya sumakay sa kotse niya at umalis na.  Napahawak na ulit ako sa pisnge ko kung saan hinalikan ni Michael,  kinikilig ako kapag naalala yun,hihi.  Huminga muna ako ng malalim at ngumiti saka binuksan na ang pinto kaso kaagad rin akong napahinto ng bumungad saakin si mom at dad na naka abang inis na nakatingin saakin si papa.

"mom.. dad.. bat--" di na natapos ang sasabihin ko ng sampalin ako ni papa,

"tama na! " suway ni mama at pinipigilan si papa samantalang ako'y nakatulala parin at nakahawak sa pisnge ko na ngayon ay ramdam na ramdam ko ang hapdi.

"Where is Levi?!!  at ng makaausap ko siya!!  Pati narin ang lalaking anak ng mga Valdos, bibigyan ko lang sila ng leksyon!  Alam mo ba kung gaano kalaking eskandalo ang ginawa niyo?!! "

"Ricardo! tama na!" pigil ni mama, tumigil na ito pero matalim parin itong nakatingin saakin, samantalang tumutulo na ang luha ko,  ito ang unang beses na may sumampal saakin at ang masakit ay nagmula pa ito sa ama ko.

"Give me that d*mn phone at ng tawagan ko sila Damian at Rowena! " hinablot na nito ang selpon na nasa kamay ni mama pero nahulog ito, at doon ko nga nakita ang nga L3aked pictures namin ni Michael na nagyayakapan at si Levi at Freya na magkahawak kamay. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita,  hindi maari!

Lumapit naman si mama saakin saka ako niyakap ng mahigpit.

"shh tahan na"






Levi POV

"Mr. Ricardo called me!  and he was very angry!! " sermon ni mama habang ako'y nakayuko pa, pagkauwi ko ay kaagad akong binungad ng sampal ni mom dahil umano'y nalaman na nila ang pasekretong pagdadate namin ni Freya na akala niya ay kami ni Faye ang nagdadate.

Marami ang nag vir4l na mga pictures namin ng nandoon kami sa restaurant at sa mga shop na magkahawak kamay pati narin sila Faye at Michael.  Marami ang samot saring naging komento dito dahilan para maapektuhan rin sila mom at dad.

Itinaas na ni mom ang kamay niya hudyat na sasampalin na niya ulit ako, kaagad namang tumakbo papalapit saakin si ate at niyakap ako

"arghh!!! " hinawakan na kaagad ni dad ang kamay ni mama,

"hon that's  enough" mahinahong suway ni dad,

"You didn't know what you been put into Levi!  iniisip mo lang ang sarili mo!"

"Mom I cant love Faye,  even Faye didn't love me! " sagot ko, 

"Fine!  sige magsama kayo ng lintek na Freya nayan!  at ng makita mo kung gaano unti unting magiging lubog ang pamilya natin sa utang" sigaw nito,  napahinto naman ako pati narin si ate ay humiwalay na ng yakap saakin at tumingin kay mom.

"Makikita mo't kung papaano magiging abandonado ang mga kompanya na pinaghirapan namin ng papa mo!! makikita mo ang pagkawala ng bagay na tumustus sa pag aaral niyo at ang marating kung ano kayo ngayon! Kahit ipagtambal niyo pang magkapatid ang suhol niyo para baydan ang ating ibabalik na pera sa mga Rodriguez kapag mawala na ang tiwala nila hinding hindi niyo iyon matutustusan."

"Pumili ka!  ang maghirap tayong lahat o maging masaya ka,  you choose,  at kapag mawala na ang lahat ng aming pinaghirapan,  DONT YOU EVER BLAME ME AND YOUR DAD" huling saad ni mom saka na kami tinalikdan,  tumingin muna si dad saakin at ngumiti ito ng mapait saka na sinundan si mom samantalang ako ay napahinto sa mga narinig at napaluhod nalang ako sa sahig.

"broo! " alalay ni ate sakin at hinawi nito ang likod ko.

"magiging okay rin ang lahat" saad nito  at niyakap ako, samantang ako'y di mapakaling mapaisip,  naguguluhan ako. Kailangan kong pumili ng isa.

"Diko na alam ate ang gagawin ko" wala sa sariling saad ko,  hindi ito umiimik at pinagpatuloy lang ang pagcocomfort saakin.

Si Freya o ang kapakanan ng pamilya ko

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora