CHAPTER 102: BABAWI AKO SAYO

328 13 4
                                    


Freya POV

"Buti nalang talaga nadakip ang mga hayop na yun eh! " inis na saad ni kuya Clyde,  nandito kami ngayon sa hapagkainan nakaupo habang hinihintay ang agahan namin.

"kung nagkataon na nadoon ako, dilang talaga suntok ang maabot nila! " singit naman ni kuya Eji,  di ako makakibo at nakikinig lang sa bawat inis nila.

"bat kaba pumatol sa lalaking yun? " tanong naman ni kuya Blake saakin,  napakamot nalang ako sa noo ko.

"malay ko ba kuya,  di naman siya ganon noon eh" sagot ko

"buti nalang talagang nandoon si Levi"

"bat dika tumawag saamin? " saad naman ni kuya Azz

"eh tinapon nila ang selpon ko eh"

"abat!-- mga walanghiya yun ah,  kunin ko kaya ang kidney nila isa isa at ibenta saka ibili natin ng selpon mo--arayy" kaagad namang napadaing si kuya Draken ng batukan siya ni Kuya Azz. 

"iba na yang iniisip mo eh,  kumain na nga tayo" suway nito kayat nagsikain na kami.

Nandito ako sa paaralan naglilibot-libot,  pambihira nasaan naba kasi si Chi,  pumunta na ako sa cafeteria at akmang mag oorder na ako ng biglang magsisulpot ang mga kapatid ko.

"anong ginagawa niyo dito? " takang tanong ko, dahil sa kanila nagkaka skandalo na dito.

"WAHHH yung five satr boyss nandito!"
"idolll!!"
"Azz"
"Blake!!"
"Clyde!!!"
"Draken, Eji, kambal!!!!"
sigawan nila

Haysttt, hirap talaga kapag mga sikat.

drop out na rin kasi sila actually tapos naman talaga sila sinamahan lang nila akong mag aral.

"ito cellphone mo,  bago yan at binili ko yan" saad ni kuya Eji kayat masaya ko itong tinaggap.

"salamat naman"

"okay kalang ba dito?  wala bang nambubully sayo?" sunod sunod na tanong ni kuya Blake,  ngumiti naman ako at umilimg iling.

"wala naman"
"hmm buti naman" patango tango pa nito, naningkit ang mga mata ko ng may mahagilap akong mga nakatayo sa labas ng canteen.

"kuya" tawag ko sa kanila
"bakit lil sis? " nagtatakang tanong nila,  feeling mga inosente tong mga to ah.

"wag niyong sabihin na nagpadala nanaman kayo ng bodyguards  saakin! " saad ko,  nagtinginan naman sila at pilit na ngumiti, abat halos sengkwenta yatang mga bodyguard  ang nasa labas eh.

"sorry na lil sis,  tsaka protection mo naman yun"

"oo nga. Palagi ka nalang napapahamak at hindi na namin alam ang gagawin namin kapag may naulit pa"

"hindi naman kami  palaging nasa tabi mo kayat kailangan ring may magbabantay sayo" bumuntong hininga naman ako.

"salamat sa pag aalala mga broo,  pero wag kayong mag aalala wala na namang manggagagalaw saakin,  nakulong na naman sila Mike "

"tsk kahit na"

"eh mas lalo akong mappaahamak kapag marami akong kasama, pano nalang kapag isipin nilang isa akong mafia dahil marami akong bodyguard  at bar*lin ako, oh diba,  hala kayo" pangtatakot koat tila nag isip naman sila

"oo nga no" pagsasang ayon ni kuya Clyde, oh diba HAHAA,

pero pinitik nito ang noo ko

"Aish wag mo nga kaming inuuto" dagdag niya dahilan para mapasimangot ako,

"sige na,  please!"
"wag ka na ngang makulit"

"pramiss wala ng mangyayari sakin" saad ko at itinaas ang isang kamay ko, ilang segundo ay walang kumibo sa kanila hanggang sa nagsalita na nga si kuya Blake.

"pramis? " saad niya at tumango naman ako,
"pramis"

mukhang wala na nga silang ibang choice,  bumuntong hininga nalang si kuya Azz saka kinuha ang wokie tokie sa bulsa niya, at kinausapa ang isa sa kanila,  maya maya pay nakita ko ngang nagsialisan na ang iba at naiwan ang mga bodyguard  nila,  napangiti naman ako dahil don.

"sige aalis na kami,  mag iingat ka lagi,  tsaka mag aral karin ng mabuti,  wag mo masyadong galingan ayaw naming ma pressure ka" saad ni kuya Draken dahilan para matuwa ako,  ito palagi ang pinapaalala nila at natutuwa ako dahil don dahil maski sila at sila mama ay di ako masyadong prenepressure pero pinagbubutihan ko naman ang pag aaral ko.

"I will po kuya,  salamat sa inyo ah" saad ko at niyakap sila,

"oh siya aalis na kami"
"sige ingat kayo"
"bye"

"WAHHHH bye idoll!!!"
"Bye star boyss sana pumunta ulit kayo!!"
"Goo shantell brotherss!"
"thankyouu everyone, hayaan niyot bibisita parin kami dito!"
"Bye!!"
"WAHHHHH"

Nagwave na ako sa kanila hanggang sa nakaalis na nga sila,  nakahinga na ako ng maluwag at humarap na ulit sa may counter pero laking gulat ko ng bumungad sa harapan ko si Levi.

Ano naman ang ginagawa niya dito?

"Teka,  umalis na sila" saad ko sa sabay turo sa labas

"hindi naman nila ako kasama at hindi rin sila ang pakay ko,  ikaw ang pakay ko Freya" saad niya dahilan para mapahinto ako,  ano naman ang kailangan niya sakin?

"ano naman ang pakay mo sakin? " tanong ko sakanya at itinaas nga nito ang kamay niya na may dalang supot,  taka ko naman itong tiningnan.

"palagi akong babawi sayo,  hindi naman sapat ang salitang sorry lang sa ginawa ko" saad niya na nagpalaglag sa panga ko.

"okay lang naman kasi"
"nah~ah" di pag sang ayon nito, mahina akong natawa at umiling iling saka ulit tiningan ang supot at itinuro ito.

"eh ano naman yan"
"pagkain,  ako mismo ang nagluto niyan,  at--at first time kong magluto ah" tila nahihiya pa nitong saad,  pambihira.

"oh oh siya,  halikanat kainin na natin yan, magtitime na eh" saad ko at hinugot ito.

"wuyy tekaaaaa!!!! "

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Donde viven las historias. Descúbrelo ahora