CHAPTER 119: LESSON LEARNED: WAG NG UMUTOT

162 8 4
                                    

Clyde POV

'Pooot! '

"ayy puchaaa! "

"ohoo! ohoo! "

"grrr mahihimatay yata ako nito sa baho ng utot mo"

"pwee pwee, kailangan ko ng hangin!" reklamo ng mga depungal kong mga kapatid! 

"pambihira ka Clyde!!  isang taon  nabang naka imbak yang tae mo sa tiyan mo, ambaho amputek!" grabee naman yang one year kuya Blake,

"tsk ayaw niyo yun,  vintage perfume HAHAAHA" halakhak ko, tiningnan nila ako ng masama kayat nag peace sign na ako,

"sorry na!  diko na kasi mapigilan eh"

Isa isa naman nilang binuksan ang bintana at lumanghap ng sariwang hangin, masakit kaya yung tiyan ko dahil sa limang itlog ang kinain ko,

ayy puchaa naamoy ko ang utot ko,

ambahoo!!

"grook" nasusukang saad ko at inilabas rin ang ulo ko sa labas ng bintana para lumanghap ng hangin, ang tindi ng baho parang patay na daga.

"BEEPPP!!! "

"WAHHHH CLYDEE!!" sigaw nila,  nanlaki ang mga mata ko at kaagad na iniliko ang monebila, tumingin na ako sa harap,grabe nawala ang kaluluwa ko don ah at kumakabog kabog pa rin ang dibdib ko,  bat ko ba kasi nakalimutang driver ako ngayon tssk tss.

Tiningnan ko ang apat kong kapatid, nanlalaki parin ang mga mata ng tatlo maliban kay kuya Azz dahil naka cross arm lang ito at nakatingin sa labas ng bintana natatawa  ako sa mga itsura ng nila,  pano ba naman eh nagsisitayuan ang mga buhok nila.

"ikaw!" tila inis na saad niya kumuha na si kuya Blake ng diyaryo at inirolyo ito saka pinagpapalo ang ulo ko,

"aray!  aray!" nasasaktan na saad ko, at hanep dipa nakuntento ang dalawa sumali rin sila at pinaghahampas at sinabunutan ako amputekk ang likot ng mga depungal na to!

"BEEPPP!!! " busina ng nito,  nanlaki naman ang mga mata namin ng makita naming may makakasalubong kaming kotse.

"WAHHHHH!!!! " sigawan ulit namin at pinagtulungang iikot ang monibela,  pambihira!! madedesgrasya kami ng wala sa oras.

"Titigil kayo o bababa kayong apat dito" tila natuyo naman ang lalamunan naming lahat ng marinig ang mala yelong boses ni kuya Azz,  napalunok na kami at isa isa naman nila akong binitawan. 

"hihi sabi ko nga titigil na" saad ni kuya Blake saka hinampas ulit ako ng diyaryo at umupo na,

Aba't--!!

Nilingon ko si kuya Blake pero senenyasan niya lang akong ituon ang tingin ko sa daan,  pambihira kong di lang ako driver ngayon baka nawrewrestling ko na siya.

"hayst sabi ko naman kasi sainyo, tumigil na kayo" saad naman ni Draken pero bago rin siya umupo ay sinabunutan niya muna ako, ayy puchaa!

"sabi ko nga" sang ayon naman ni Eji saka hinampas naman ang braso ko,

amputekk umutot lang akot0rture na ang naabot ko,

lesson learned: wag ng uutot.

Nilingon ko sila at pinaningkitan ng mata na tila ba nagbabanta pero ang mga depungal tumawa at dinilaan pa ako,

ahh ganon,

Tiningnan ko muna ang daan at ng makita kong deretso at walang papararing na kotse dito ay nilingon ko ulit sila at akmang hahampasin ko na sila ng bigla nilang ituro sabay sabay si kuya Azz,  dahan dahan namang akong tumingin kay kuya at nakita ko ngang di maganda ang awra nito, 

"a-ahemm" pag uubo ko saka ngumiti ng kay lapad kay kuya,  pero wala parin siyang reaksyon,  napanguso naman ako don.

"pffttt" pagpipigil tawa ng tatlo,  tiningnan ko naman sila ng masama,  itong tingin na sinasabing 'mamaya kayo sakin'

Nakarating na kami sa bahay nila Christian,  mag iinuman kasi kami tinawagan rin kami ni Jaspher at ibinalitang ii-engaged  si ate Amor,  di kami makapaniwala at si kuya Azz naman ay nagmukmuk di niya daw gusto si ate Amor pero kong makatulala ay parang nakalutang siya sa ere dahil iniwan siya ni ate Amor pfft.

Yun rin ang dahilan bakit mas piniling langhapin ni kuya Azz ang utot ko kanina kaysa mawala sa isipan niya ang  iniimagine niyang nasa isang music video siya habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Supppp!" bati ni Draken sakanila, nagsilingunan naman sila at iisang reaksyon ang bumungad saaming lima.

Lahat sila gulat na gulat habang si Christian ay nakahawak pa ng papel.

"ano yan? " tanong ni kuya Blake sabay turo sa papel na hawak ni Christian, kumurap kurap naman ito, saka lumunok.

"ah-ehh--u-hm, i-invitation card p-p-para sa engagement p-party" nauutal na saad niya.

"ayy weh?  ang bilis naman mukhang tuloy nga ang engagement nila ate Amor" pagpaparinig pa ni eji kay kuya Azz pero ang totoo'y masasaktan rin kami para kay Azz.

"patingin" saad ko at kaagad namang inilagay ni Christian ang papel na iyon sa likod niya at umiling iling, nagtinginan pa kami saka na lumaoit kay Azz,  pinagtulungan na naming makuha ito,  nagusot pa nga.

"ito na nakuha ko na!" saad ni Eji saka inayos na ito,  nagtakip naman ng unan sa mga mukha nila sila Jaspher,  Had at Mark,  pshh. Samantalang si kuya Azz naman ay umupo sa saka uminom ng wine na nasa mesa,

Tininggan ko si Eji pero napahinto ito at naka awang ang bibig niya,  kumaway kaway pa si Draken sa mukha niya pero tulala na talaga ito.

"akin na nga!" saad ko sabay agaw sa papel, nagsilapit naman dalawa kayat binasa na namin ito.

"ENGAGEMENT  PARTY HELD AT PRIVATE PLACE OF FUEGO FAMILY,
AT A TIME OF 6:00 PM. YOU ARE INVITED TO WITNESS THE AGREEMENT OF FUEGO AND RODRIGUEZ TO BECOME A BUSINESS PARTNER TOGETHER. TO FULLFILL THAT THE TWO FAMILY HAD THEIR ONE CHILDREN TO BE ENGAGED AND SOON EXCHANGING VOWS AT ALTAR"sulat sa itaas at meron pa sa baba kayat pinagpatuloy na namin ang pagbabasa.

"ENGAGEMENT  OF MR.  LEVI INIGO FUEGO & FAYE RODRIGUEZ,  THE SON OF MR.  AND MRS.  FUEGO AND DAUGHTER OF MR.  AND MRS.  RODRIGUEZ, LETS BE BUSINESS PARTNERS FOREVER!" kaagad ng naibuga ang wine na iniinom ni kuya Azz samantalang nanlalakihan naman ang mga mata naming apat,  gulat at sakit ang nararamdaman namin.

Gulat- dahil hindi si Amor ang ii engaged  tulad ng pagkakaalam namin at

Sakit- dahil boy friend  ng kapatid ko ang ikakasal, masasaktan ang kapatid ko!

"ANO?!! " gulat na bulalas ni kuya Azz,  nabitawan na namin ang papel at bumagsak na ito sa sahig kasabay rin non ang malakas na tagungtung ng pinto at iniluwa nito si Levi na naiinis at naiiyak kasama rin nito ang kapatid niyang nag aalala na si ate Amor.



(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now