CHAPTER 147: ZEN, EJI, CHI

155 6 0
                                    

Eji POV

Nandito ako ngayon sa park, napapagaan kasi nito ang loob ko sa mga nangyari. Hanggang ngayon ay palagi kong iniisip si Chi, gabi gabi ay nag o 0verthink ako sakanya, pilit na tinatanong kung bakit? bakit nakipaghiwalay siya saakin. Napadako ang tingin ko sa selpon ko kung saan nakita ko ang post ko ilang oras bago maghiwalay kami ni Chichi. Kung kailan nagpublic ako ng pic namin, kung kailan ko ipinagsigawan sa lahat na siya ang mahal ko doon rin pala magtatapos ang lahat ng yun.

Ang tanong bakit?

wala naman kaming pinag awayan na malala, nag aaway kami pero naayos naman namin.

•Nagtampo ba siya na nakalimutan ko siyang suyuin? p4tay!! Pero hindi, hindi naman siya nagtampo saakin.

•May problema ba siya kaya ganoon nalang ang desisyon niya? o dikaya alam niyang dadalhin siya ng tita niya sa ibang bansa kayat nakipaghiwalay siya? pero sabi niya hindi naman daw siya pinipilit ng antie niya na sumama siya, ibig sabihin ang pag alis niya ngayon ay kusa.

•Dahil ba to sa sakit niya? hindi e alam ko namang may sakit siya pero nag stay naman kami non.

Inulit ulit ko pa ang huling. message niya,

sabi niya nin4kaw niya daw ang puso ko na hindi niya pagmamay ari, anong ninakaw? nin4kaw niya sa pamilya ko? hindi. Siya lang naman ang ikatlong babaeng mahal ko, anong sinasabi niyang pinapalaya niya ako, hindi niya naman ako kinul0ng ah. Kinulong niya daw ang puso ko? aba dapat lang kasi mahal niya ako't mahal ko siya.

Argh feeling ko mab4baliw ako nito kakaisip. Tiningnan ko na ang picture namin at pinindot ko na ang d3lete butt0n pero napahinto ako, hindi ko muna ito bubur4hin kapag may nararamdaman pa ako, bubur4hin ko nalang to kapag wala na. Inilagay ko na ang selpon ko sa bulsa ko at tumingin sa alapaap,

'ingat ka sa byahe Chi, mami miss kita'

"ohh! " napabaling ang tingin ko sa harapan ko, dito nakita ko ang matandang lalaki na gulat na nakatingin saakin, may hawak itong walis sa isang kamay at ang isa namay nakaturo saakin. Nginitian ko naman ito saka ako nagbow sakanya.

"magandang araw ho! " saad ko at tumingin sakanya, pero gulat na gulat parin ito.

"upo po kayo tay" alok ko pa, tumango naman ito saka umupo na sa tabi ko, may kung anong kinukuha ito, ay selpon pala niya.

"p-pwede bang mag p-iksur tayo" saad ni tatay, wala na siyang ngipin pero ang cute tingnan kapag nakangiti niya.

"sige po" hinawakan ko na ang selpon niya saka kami nagselfie.

"salamat iho "
"walang anuman po"

"bat ka napadaan dito? at bat mag isa kalang? " tanong niya na nagpalungkot saakin.

"ah-kasi po uhm gusto ko lang po mapag isa" saad ko at nakita ko naman siyang mahinang tumango saka na kami tumingin sa harap, haysst, ang lungkot ng paligid.

"aysusm4riah0sep!!" bulalas ni lolo, nakatingin ito sa kabila kayat napatingin rin ako doon nakikita namin na may naghahalikan na babae at lalaki, mahina naman akong napatawa dahilan para mapatingin saakin si tatay na nakangiti rin.

"parang noong nakaraan lang ay ikaw at ang sy0ta mo ang nakita namin, na naggaganon rin" saad nito na nagpahinto saakin, kami? hindi pa kami naghalikan dito ni Chi sa park ah,

wait! si Zen ang sinasabi niya?!!

Gulat ko si tatay na nilingon.

"nakita niyo ho kami? " gulat na tugon ko, ngumiti ito saka tumango.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now