CHAPTER 81: COMFORT?! NAH~ T0RTURE NI AMOR

313 11 0
                                    


Amor POV
Naglakad akon ngayon pauwi sa bahay ng mapadaan ako sa parke, huminto muna ako at bumili ng cotton candy akmang aalis na sana ako ng mahagilap ng magaganda kong mga mata ang isang pamilyar na tao kayat naglakad na ako patungo dito.

"Eyy" saad ko at umupo sa tabi niya, nasa bench kami at ang ganda ng view, mga masasayang tao eh except sa katabi ko.

"Anong problema Azz? Ang lonely mo naman yata ngayon broken kaba?"sunod sunod na tanong ko, tumingin naman ito saakin saka dahan dahan na itinaas ang isa niyang kamay saka itinapat sa noo ko.

Huh?

At-at

Tinusok niya ang noo ko gamit ang daliri niya.

"Tsk bakit ikaw pa ang makikita ko sa ganitong sitwasyon ko, nag iba tuloy ang emosyon ko" saad nito

"Bakit? naging masaya kaba ng makita ako? nawala ang sakit sa puso mo?" masayang saad ko, tumaas naman ang isang kilay niya.

"ano--"

"Shhh"pinigilan ko siya at tinakpan ang bibig niya gamit ang daliri ko.

"Shh wag ka nang magthankyou Azz, maliit na bagay" dagdag ko at bigla naman nitong tinapik ang kamay ko.

"Pwee pwee"
"Grabee kanaman Azz, malinis kaya ang kamay ko"

"Ang daldal mo, tsaka nag iba ang emosyon ko, nainis ako eh" singhal niya,

"aray naman!" tila nasasaktan kong saad, ngmisi lang ito saka tumingin ulit sa harap, pinagmasdan ko lang siya, malungkot ang mukha niya.

Anong problema niya?

"Wuyy okay kalang ba?"tanong ko.

"break na kami" biglaang saad niya, di muna nag process sa isipan ang sinabi niya pero ng marelaize ko ito ay napatakip ako sa bibig ko at gulat na tiningnan siya.

"Kayo ni Faye?!!"
"oo,"

"huh bakit?! sino nakipagbreak? may nagcheat ba sainyo? Nagsawa ba kayo?! ano?!" tanong ko at tinusok nanaman nito ulit ang noo ko gamit ang daliri niya.

"aray bakit?!"
"isa isa lang kasi"

"ohh siya sige na, anong nangyari? Bat kayo nagkahiwalay? Tsaka kailan pa?"

" ako ang nakipag break sakanya, nagpunta kasi kami non ni Freya sa isang restaurant at biglang sumugod don si Faye at binuhusan si Freya ng tubig, diko nagustuhan ang ginawa niya sa kapatid ko, nakakabastos lalo nat di na yun magtatagal na ipapakilala ko siya sa kanila, atsaka sinabi kasi ng mga kakilala niya na nilalandi daw ako ni Eya di niya naman kasi alam na kapatid ko ito. Pero mahal ko siya" paliwanag niya dahilan para mapahinto ako, hindi talaga tama ang ginawa ni Faye susugod siya ng hindi inaalam ang katotohanan, pero nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman niya, private ang relationship nila Azz at Faye at sa tingin ko'y ako lang ang nakakaalam.

"Kailan pa? "malungkot na tanong ko.

"ewan ko noong dating linggo yata yun" sagot niya at tumingin saakin,

"anong gagawin ko Amor, para makalimutan siya?" tanong niya kayat hinawakan ko ang sintido ko at nag isip isip katapos ay tumingin ulit sakanya.

"tanggin mo ulo mo, mabisa yun" pamimilosopo ko at kinunutan niya naman ako ng noo at tinusok niya ulit ako.

"wala kang silbe,"sagot niya
"sorry naman, kala ko kasi matatawa ka"
"tsk"

hinawi ko naman ang likod niya at pinagpagpag.

"okay lang yan" saad ko at pinagpag ulit ang likod niya.

"OHO! OHO! A-aray ko naman Amor, di na yata comfort to eh, t*rture na to eh" uubo ubong saad niya kayat itinigil ko na ito, HEHEH napalakas yata.

"ayy sorry sorry"
"aishh ewan ko talaga sayo babae"
"sorry na nga" huminga naman ito ng malalim saka tumingin sa may kamay ko maya maya pa'y

" Anyways akin na to ah! " saka hinablot ang cotton candy na nasa kamay ko, abat!!

"Hoyy bumili ka ng sayo!! " sigaw ko pero hanep tumakbo lang ito, lumingon pa ito at kinain ang cotton candy tila nagpapainggit pa.

"AZZZ!!!!!"

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now