CHAPTER 127:FUTURE HOME TO FUTURE HOUSE

153 4 0
                                    

LEVI POV

Umalis si Faye ng alasais at 8:45 pm na ay hindi parin siya bumabalik. Tiningnan ko ang selpon ko na ngayon ay sira na dahil natapunan ng kumukulong sabaw kanina. Gaya nga ng di-makatarungang desisyon ng mga magulang namin, nakatira na nga kami ni Faye sa iisang bubung, sa bahay ko; Sa bahay na pinagawa ko para saakin at sa magiging pamilya ko balang araw,

this is my future home

dito kami gagawa ng pamilya, magkakaanak at magkaka apo ng taong mahal ko, wala ng ibang hinihiling ang puso ko na kasamang bumuo nun kundi si Freya, ang magiging ina ng mga anak ko at lola ng mga apo ko. SANA.

Napangiti nalang ako ng mapait, natutuwa ako't kahit papaano'y si homie ang unang babaeng nadala ko dito maliban kay mama at ate. Pero hindi siya ang makakasama ko hambambuhay sa bahay kong to.

My "future home" become just a "future house"

Looks like the destiny is playing with me again and I think I needed to game with it.

But nah,

I will not allowed destiny to make me, rather, I will make my own destiny.

Napaupo nalang ako sa sofa, sa harapan ng nag aalala't galit kong mga magulang. Masaya ako't umuwi sila after 3 years nilang pamamalagi sa London, diko lang akalain na imbes na tsokolate ang matatanggap ko ay iba pala ang pasalubong nila saakin.

"Pag may mangyaring masama kay Faye! tayo ang mananagot! Inigo nag iisip kaba?! " galit na tugon ni dad dahilan para mapayuko ako, nag away kasi kami kanina ni Faye.

*FLASHBACK*

Nagluluto ako ng tinolang isda kanina, ulam namin yun ni Faye, wala kaming katulong, ayoko rin naman, hindi naman kasi masyadong kailangan kayat ako na ang gumawa.

'groohh'

pag uusok ito hudyat na kumukulo na, binuksan ko na muna ang takip nito at tinikman ang sabaw kong sakto ang timpla, sakto rin na tumunog ang selpon ko na nasa tabi lang. Akmang kukunin ko na ito ng bigla akong nakaramdam ng pamumulupot sa beywang ko dahilan para magulat ako at matapon ang sabaw patungo sa selpon ko, mainit na mainit ang likidong iyon kayat mabilis na bumitak ang screen ng selpon ko. Inis ko itong nilingon at nakita ko nga ang gulat na mukha ni Faye habang nakatakip pa sa baba niya ang kamay niya.

"ANO BA?!! " inis na saad ko,

"S--sorry d-iko sinasadya" kinakabahang saad nito, pero naiinis parin ako, nagkausap narin kami at nagkasundo na hanngat diko pa siya natututunang mahalin ay wag na wag niya akong hahawakan.

"Bat mo ba ako niyakap?!!"

"T--t-triny ko--lang namang maging sweet sayo p--para n-naman may ambag ako" nauutal na saad nito halatang natatakot, napakamot ako sa ulo ko sa sobrang inis.

"Ide umupo ka pero mas mabuti kong umalis ka nalang!! " inis ko pang saad, kita ko naman na nasaktan ito at kaagad na tumalikod. Tumakbo na siya palabas ng bahay samantalang huminga naman ako ng malalim tila pinapakalma ang sarili.

*END OF FLASHBACK*

At ng kumalma na nga ako ay saka narin ako nagsisi sa mga nasabi ko sakanya, nag aalala rin ako't mahigit dalawang oras na siyang di bumabalik, baka anong nangyari na sakanya.

"Tawagan mo si Faye, ngayon din!" matigas namang utos ni mom, dahan dahan ko namang iniangat ang kamay ko na hawak ang bumitak kong selpon. At ng tingnan ko sila ay nakaawang ang mga bibig nito at napahilamos nalang si dad sa sobrang inis.

"Anak mag iisip ka naman bago ka magbibitaw ng mga salita! magkaroon ka naman sana ng respeto sa magiging asawa mo! " pagpapangaral ni mom.

"Pero ma, pa, diko siya mahal! ayokong makasal! puwede namang mamuhay tayo ng wala ang suporta nila! kaya na naman natin ngayong iangat ang kompanya natin ng wala ang mga Rodriguez! Puwede na naman nating ihinto ang patnership natin sakanila--"

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now