CHAPTER 95: DRUNK

312 12 3
                                    

Levi POV

Nakauwi na ako sa bahay na puno ng inis at sakit!  diko maintindihan kung bat nakipaghiwalay si Dalia saakin,  ito yung mahirap eh yung bigla bigla nalang makikipag break ang isang tao na hindi ipinapaliwanag ang lahat.

arghhh bakit?!!!!

Bigla ko namang naalala si Freya,

nawala ako sa isip non dahil puno na ako ng inis pero agad akong nanlambot ng nakita ko siyang nanginginig sa takot parang traumang trauma siya,  naawa ako pero huli ng humingi ako ng patawad, sinampal niya rin ako sa hindi ko inaasahan.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si ate kasama ang apat,

"Oh nandito pala si Levi eh" saad ni Christian at nagsilapit na sila saakin.

"Baby bat parang problemado ka?" alalang tanong ni ate, tumingin naman sila saakin.

"bakit Inigo? " si Mark

"Si Dalia,  nakipaghiwalay na sila sakin" malungkot na saad ko,  at kita ko naman ang gulat sa kanilang apat.

"Talaga?! "
"she already did?!! "

Bumuntong hininga naman ako at tumango,

"yes kahapon lang--" naputol ang sasabihin ko at kunot noong tiningnan si ate.

"what do you mean,  she already did? alam mo? " tanong ko rito,  nagtinginan naman ang apat at takang tumingin rin kay ate, akmang magsasalita na si ate ng magring ang phone niya.

"hello,  oh, kamusta?, ahm yes I will" saad nito at ibinaba na ang selpon niya saka tumingin ulit saamin,  huminga ito ng malalim at lumapit na saamin saka umupo,

"I will tell you everything,  but this time hindi galing saakin to,  its all from Dalia,  siya ang tumawag saakin ngayon she told me that hindi na niya magawang magpaliwag sayo non dahil daw isinugod si Jerome sa ospital"

at mas lalo pang kumunot ang noo ko

"Whose Jerome ate? " tanong ni Haddison, isa isang tiningan ni ate ang apat at ng huminto saakin ay tinitigan niya ako at saka siya muling nagsalita.

"Ang totoong boyfriend at mahal ni Dalia"






Clyde POV

"Best actors parin tayong sampu"

"Totoo ngang malaki ang proyekto natin"

"hindi ako nagsising makipag collab sa mga kaibigan natin"

"oo nga eh"
masayang saad naming lima,

"chersss! " saad namin at itinaas ang mga baso naming naglalaman ng tubig, ipinagtapat na naming lahat ang mga ito at ininom,

"may ulam paba?"

Napabaling ang tingin naming lahat ng sumipot si Freya,

"oo meron pa"
"halikana kumain kana"

umupo na ito at walang ganang kumain,  nagtinginan naman kami tila di namin maintindihan ang mood niya ngayon, ang lumbay naman yata ni lil sis ngayon.

"wuyy okay kalang? "tanong ko at walang gana naman itong tumango, di na namin ito tinanong pa at pinabayaan nalang saka ipinagpatuloy ang pagkain,bigla namang tumunog ang selpon ni Blake.

"KRING! KRING! KRING"

"hello"
"huh?! bakit naman? "
"talaga? "
"sige sige pupunta kami"
"sige bye"

*CALL ENDED*

"wuyy sino yun? " tanong ni Azz sakanya, tumingin naman si Blake saamin.

"Tumawag si Jaspher saakin, nasa bar daw silang lima nakipag aya daw kasi si Levi na uminom kaninang hapon nagbreak kasi sila ng girlfriend  niya. Ngayon ay di nila kayang apat na iuwi si Levi lasing rin kasi sila" paliwanag niya,  break na si Levi at ni Dalia!

"tara! " saad niya kayat nagsitayo na kami bago paman kami umalis ay nilingon pa namin si Eya.

"wuy walang kasama tong kapatid natin" saad ni Eji,  oo nga noh. Tumingin naman si Eya saamin at ngumiti, 

"wag na kaya ko naman dito"
"sure kaba? "
"opo"

"sige dadalahan ka nalang namin ng pasalubong"

"salamat kuya pero wag na, gabi na eh"

"sige sabi mo eh"
"tara na guys"

Kaagad na kaming nagtungo sa sinasabing bar. Nilibot namin ang tingin namin at may nakita naman naming nag wawave si ate Amor.

"Doon!"

Nagsilapit na kami at nakatulog na nga si Levi dahil sa kalasingan.

"Salamat naman at dumating kayo. Ang dami na niyang nainom, diko naman siyang kayang buhatin dahil mas malaki tong kapatid ko kaysa saakin, di rin naman kaya ng apat dahil may tama narin sila. Patay talaga kami ngayon kila mama at papa" saad ni ate Amor, pinagtulungan na namin itong buhatin,

"guyss *gulp* ang lakas ng lindol, duckk cover and hold *hik*!!!!" gumigiwang na lakad ni Mark, napailing iling nalang kami, pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Inalalayan na namin silang lahat, si Jaspher ay hindi masyadong nalasing kayat tumulong rin saamin sa pagbuhat. Binuksan na namin ang pinto at sakto rin na nakita namin si Chi,

"chi" tawag namin, tila pinunasan pa nito ang mukha niya saka ngumiti saamin.

"oh, nandito pala kayo" saad niya
"oo, nalasing kasi ang mga to" sagot ko, at tumango tango naman siya.

"umiyak kaba?" rinig naming tanong ni Eji tila nataranta naman si Chi.

"ahm-ah hindi-hindi ako umiyak, ahm sige na aalis na ako ingat kayo ah" paalam nito at umalis na.

Isinakay na namin ang apat, grabee ang bibigat ng mga to ah.

"salamat talaga mga pare ah" saad ni Jaspher,
"ok lang yun magtrotropa naman tayo"

"hatid na namin kayo" saad ni kuya Azz, nagsisakay na kami pero parang may kulang pa saamin, tumingin ako sa labas at nakita ko ngang may timitingnan sa malayo si Eji.

"hoyy halikana" tawag ko dahilan para mapatingin siya.

"sige kuya may pupuntahan lang ako"
"sus sususndan mo lang si Chi eh"
"sino si Chi?" si ate amor at si Japsher

"kaibigan ni lil sis crush ni Eji yun eh" si kambal ang sumagot.

"ikaw Eji ah"
"Eji natin umiibig na"
kutya namin, nakasali narin sila ate Amor at Jaspher sa pang aasar

"Aish tumigil na nga kayo kuya, sige na ihatid niyo na yung apat baka mamaya sumuka pa diyan sa kotse eh"

"grookkkk!"

"yahhhhhh si christian sumuka na"
"kadiri!"
"tara na!!"

"HAHA sabi ko sainyo eh, sige na ingat kayo ah!" saad ni Eji kayat pinaandar na ito ni kuya Azz.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now