CHAPTER 92: LEVI'S FIRST BREAKUP

300 10 0
                                    

Dalia POV

Naglalakad na ako ng ayon papunta sa cafe kung saan kami magkikita ni Levi,  kinakabahan ako,  paano ko ba sasabihin at ipapaliwanag sakanya?  pano ko sasabihin na ginamit ko lang siya o ginamit lang namin siya ng pamilya namin?! 

nakakahiya at masakit para saakin na nakasakit ako ng damdamin ng iba pero mas mabuti sigurong gawin ko na ito ngayon kaysa mabulag siya sa peke kong damdamin sakanya,

patawad

Huminga na ako ng malalim at ipinagpatuloy na ulit ang paglalakad.

Di nagtagal ay nakarating na ako kaagad ko naman siyang nakita na nakapila akmang papasok na sana ako ng biglang may tumawag,  tumalikod na ako at sinagot ito, napahinto ako at nabitawan ang selpon ko, saka ako tumakbo.

Si Jerome, isinugod siya sa ospital, marami daw itong pasa dahil sinuntok ito ng paulit ulit ni itay!!, umiyak ako ng umiyak  pero napahinto ako ng may tumawag sa likod ko.

"Dalia!!! "

Levi POV

Tiningnan ko ang oras, 7:00 pm na pero wala parin si Dalia,  tiningnan ko ang paligid at wala namang tao kundi ako lang at ang mga babaeng nakapila sa counter,

"ano ba!"
"tumigil nga kayo! "
mukhang nag aaway pa ang mga to,  diko naman sila tinuonan ng pansin dahil iniisip ko si Dalia baka di siya makarating at di na niya ako siputin.

Iniwaksi ko muna ang mga pangambang yun at tumayo,  siguro ay kailangan ko munang magkape para naman marelax ako,  naglakad na ako at pumila pero kaagad akong napapikit naitulak ako, natumba ako at ng nadaganan, pero kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman ang malabot na labing nakalapat sa labi ko!

Iminulat ko na ang mga mata ko at kaagad na naipinta ang gulat sa mga mata ko ng makita kong sino ito!

si Freya!

gulat na gulat rin ito, kaagad na siyang tumayo at nahihiyang tumingin saakin.

"so--sorry! " nauutal na saad niya,  di ako makapagsalita ng dahil sa gulat, may isang nakatalikod na babae sa tabi niya, maya maya pay humarap na ito at nakangiti sabay thumbs up!

"huh?! " saad ni Freya at may itinuro, nilingon ko naman ito at si Dalia, siguradong sigurado ako na siya yan kahit nakatalikod siya,

no no no no!  baka nakita niya kaming nagkahalikan ni Freya!!!!

tumakbo ito kayat kaagad akong lumabas at hinabol ito.

"Dalia!! " tawag ko, huminto naman ito at humarap saakin tila nahaplos naman ang puso ko ng makitang umiiyak ito.

"B--bakit ka umiiyak?! hey" nag aalala kong saad, nilapitan ko na ito at niyakap.

Humiwalay na ito ng yakap kayat mas lalo akong kinabahan.

"I--Im sorry" nauutal kong saad, pero ngumiti lang ito at umiling iling.

"NoI'm sorry" saad nito,

"sorry aksidente lang yun, nadaganan lang ako ni Freya kaya nahalikan ko siya" paliwanag ko, gulat pa itong tumingin saakin pero maya maya ay napalitan ito ng ngiti.

D*mn please!  wag yang ngiti,  alam kong iba ang ibig sabihin ng ngiti na yan!  ngiting nasasaktan yan eh.

"no sillyhindi ganon," saad nito, lumapit pa ito saakin at hinaplos ang pisnge ko.

"LeviI'm breaking up with you"

napahinto ako,  totoo ba to?!  tiningan ko siya na nakaawang pa ang bibig ko, 

"W--what did you just said? " nauutal na tanong ko,  she just looked and me and she cried.

"I'm sorry" saad nito at tumalikod na,

"you're lying"

"no Im not,  masyado na kasi akong nasasaktan Levi,  ayokong ikaw rin ay masktan"

"Please Dalia! no!!  bakit?!, is that beacuse nahalikan ko siya?, please explain to me"

"I dont have time Levi" saad nito at tinalikuran ako.

Napaluhod ako sa sahig at umagos ang mainit na likido mula sa mga mata ko.

masakit!

wala akong malaman na rason why she do that, ang alam ko lang--ay baka nakita niyang nahalikan ko si Freya at but it was all accident, inis akong tumayo at tumingin sa cafe, ng dahil sa babaeng yun nagkahiwalay kami ni Dalia.

Paulit ulit na nag flaflahsback sa isipan ko ang pag thumbs up at pag ngiti ng kaibigan niya,  is it all planned ni Freya?!  Plano ba niya na mahalikan ako at makita ni Dalia para magkahiwalay kami! Ganoon ba siya kadesperada sakin?!

Bumalik ako ng cafe pero wala na sila, 
Inis kong sinuntok ang pader at sumakay ng kotse ko, 

ang sakit!  ang sakit sakit! 

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now