CHAPTER 71: LOVE LETTER? NAH~ ANNOYING LETTER WOULD BE BETTER

323 8 0
                                    


Freya POV

"TING!TING!TING!"
tunog ng bell hudyat na tapos na ang klase namin,

"Uyy Freya yung notebook namin HEHE" lapit ng isang kaklase ko hanggang sa nagsilapit na nga sila, kinuha ko na ito at ipinamigay sakanila, yung notebooks na pinamirmahan nila kuya.

"Thankyouu Freya"
"Salamat ah"
"Thankyouu"
sabay sabay na saad nila, nginitian ko naman sila at lumabas na ako.

Nagkakad lakad na ako at nakita ko naman si Nica, ang kaklase ko, tumingin tingin siya sa paligid at binuksan ang locker at may inilagay na isang box at papel.

"Nica!" tawag ko, napalingon naman ito at gulat na napatingin saakin.

Lumapit na ako sakanya at nakiisyuso ako sa ginagawa niya, chismosa ako eh.

"Hayst Freya buti nalang at ikaw to" saad niya at huminga ng maluwag katapos tumingin ulit siya saakin at ngumiti.

"Ano bang ginagawa mo? Atsaka anong inilagay mo diyan, teka- locker yan ni Justin yung basketball player na crush mo!" saad ko, nakita ko namang ngumiti siya ng kay lapad at ngumiti ngiti.

"Shh kalang, alam mo kasi hindi alam ni Justin na crush ko siya, kayat pasekreto akong nagbibigay ng letters at pagkain sakanya" paliwanag niya,

"Bat di mo nalang kasi kaagad sabihin sakanya" saad ko at kaagad niya namang tinusok ang noo ko, aray naman.

"Walang thrill yan eh, alam mo sa pamamagitan ng pagbibigay ko ng mga sulat, syempre babasahin niya tapos magtataka naman siya kung kanino galing, siya ang maghahanap saakin" paliwanag nito at hanep may action pa,

oo nga noh, nagmukha tuloy si Justin ang maghahabol sakanya, magandang ideya nga to, kinamot niya ang ulo niya saka nagsalita ito.

"Aishh dimo maintindihan kasi wala ka namang nagugustuhan" saad niya saakin,

abat-- ay oo nga naman, pero teka may crush kaya ako si Inigo at ang mahiwagang adams apple niya HAHA

"Meron kaya, at gagawin ko rin yang ginagawa mo magpapaka anonymous ako" saad ko, at nakita ko namang tumawa siya, bibigyan ko rin si Inigo ng mga sulat pero hindi yung sweet na letter kundi mga kalokohang sulat HAHAHA humanda ka.

Ito ang unang araw na gagawin ko ang mga kalokohan sa crush kong si Levi Inigo Fuego, kasalanan niya naman eh bat pa kasi siya nagpakita.

Naligo na ako at katapos ay lumabas na, alam ko naman ang bahay nila, lumingon lingon na ako at ng makita kong walang tao ay kaagad akong nagtungo sa gate nila at inilagay sa sahig ang box ng cookie at isang sulat, nah doorbell ako ng ilang beses at katapos ay umalis na.

Levi POV
Kakagising ko lang at kaagad ng nagtungo sa baba.

"DINGDONG! DINGDONG! DINGDONG"

what the?! muntik ko pang maibuga ang tubig na iniinom ko, sinong alien naman ito't panay doorbell.

Lumabas na ako at binuksan ang gate, wala naman tao, at akmang papasok na ako ng mahagilap ng mga mata ko ang isang box at papel sa sahig, pinulot ko na ito at binuksan. Isa itong cookies, okay. Binuksan ko narin ang papel at binasa.

(Inigo alam mo bang tao ka? wala lang pinapaalala ko lang HAHA)

Really? sinong tao ang magsusulat nito saakin? kay aga aga ang pangit ng bungad, patay ka saakin pag malaman ko kung sino ka.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Onde histórias criam vida. Descubra agora