CHAPTER 88: STREET FOODS

281 11 5
                                    


Levi POV
"I thought ililibre mo ako sa pinakamahal na pagkain? " tanong ko sakanya,  humarap naman ito habang lumulubo pa ang bibig niya dahil sa pinagsabay niyang kinain ang kwek kwek.

"oo nga pinakamahal, sabi ko sayo ililibre kita sa pinakamahal na pagkain. Hindi yung mahâl na expensive noh,  mahal na love." saad niya at kumain ulit, tsk, so ililibre niya pala ako ng pinakamamahal na pagkain niya.

Kinuha ko na rin ang isang plastic na baso na naglalaman ng limang kwek kwek at kinain na ito,  actually kumakain talaga ako nito.

Tiningnan ko ulit si Freya patuloy parin ito sa pagtusok ng kwek kwek at kaagad na isinusubo,  parang di siya kumain ng dalawang araw ah, maya maya ay bumaling ito saakin.

"ito try mo naman to" saad niya sabay turo ng kulay kayumanggi na pagkain at bilog na bilog na puti,  ano ba yan? 

napakunot ako ng noo, hindi ko talaga alam kong ano yan, sa lahat ng street foods ang alam ko lang ay kwek kwek at mga barbeque.

"di mo alam yan?! " gulat na saad niya at umiling iling naman ako,  nakita ko pa siya na napasapo sa noo niya.

"tss, kikiam ang tawag yan sa kayumangggi na yan at yung bilog bilog naman ay fishball" paliwanag niya kayat nanlaki ang mga mata ko.

"fishball?!  is that a male egg of the fish?! itlog ng lalaking isda like a men egg?!!! may ganon ba yun?! is that safe to eat?!" sunod sunod na tanong ko,

tumawa naman ang tindero at ang ilang mamimili samantalang napapikit ng mariin si Freya,

"hey" siko ko rito,  bumuntong hininga pa siya saka iminulat ang mga mata at umiling iling.

"nakakahiya kang kasama" saad pa nito

"ano bang pinagsasabi mo?! anong itlog ng isda?!  juskoo Levi walang itlog ang lalaking isda, ang fishball ay gawa sa laman ng isda at binilog bilog kayat fishball ang tawag, jusko umalis ka nga dito sa pilipinas wala kang ambag! " napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya,  napatingin ako sa paligid ang ilan ay umalis na pero ang ilang tao na nakakita saakin ay napapatawa, napahiya ako ron ah.

"m--ma-lay ko ba! " nauutal na saad ko

"HAHAHA nakakatawa naman tong jowa mo Freya" saad ng tindero kayat gulat kaming napatingin sakanya.

"ah hindi ko po siya boyfriend,  kaibigan ko lang po siya" saad niya.

"ay ganon ba?  bagay pa naman kayo" saad nito,  nagtinginan pa kami ni Freya pero umiwas rin siya kaagad.

"ah haha hindi po,  may girlfriend  napo siya" saad niya sabay turo sakin

"opo may girlfriend  na po ako" singit ko pa,

"ay ganoon ba? edi ss sainyo" saad nito kayat tumango ako

"salam--"
"separate soon" putol nito,

  what the--anong--separate soon?!

"HOOO?! "

"tayyy!" suway ni Freya at humalakhal naman ang matanda, abat iba rin ang trip niya.

"HAHAHA, biro lang,  stay strong kamo pala sainyo, kung sino man ang jowa mo" saad niya,  ngumiti naman ako

"salamat" sagot ko,  tiningnan ko pa si Freya,  nakangiti ito kayat ginantihan ko rin siya ng ngiti.

"kain na tayo"   tumango naman ako at kumuha ng mga street foods.

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon