CHAPTER 73: EJI SHANTELL

306 10 0
                                    


Chi POV

Naglilinis ako ngayon dito sa bahay, hayst namimiss ko na talaga si Nanay.

*FLASHBACK*

"Nay masakit po ngipin ko!"
"Yan kakaselpon mo yan"
"Chii!! jusko kong bata ka, yung sinaing nasusunog"
"Umuulan, Chii yung sinampay!!"

*END OF FLASHBACK*

Napailing iling naman ako sa mga naalala ko, bat naman kasi ganon? bat yun pa?!

Umupo muna ako sa sala, umupo at napabuntong hininga. Hinaplos ko naman ang litrato ni Nanay saka nagsalita.

"Nay miss na miss na kita, ikaw nalang ang meron ako, umalis kapa, ang daya mo nay. Nay balik kana please!"

"TOK! TOK! TOK!"
agad akong napabalikwas sa pagkakaupo ng may kumatok sa pinto namin.

Tiningnan ko ang litrato ni Nanay at nakikita kong parang nakangiti ito, WAHHH nay joke lang naman.

"TOK!TOK!TOK!" katok nito muli,

juskoo sinusundo naba ako ni Nanay?!

"Nay, kaya ko ang sarili ko HEHE wag na po kayong mag aalala, kaya ko na pong linisin ang iniduro natin kahit linisan ko pa ang septic tank natin HEHE wag mo lang akong sunduin" pag uusap ko sa litrato niya.

"TOK!TOK!TOK!"

WAHHH NAY!!!

"Chi nandito kaba?" saad nito dahilan para mapahinto ako, hinawakan ko naman ang puso ko at napahinga naman ako ng malalim ng malaman kung kanino galing ang boses nato, kala ko talaga si Nanay, nababaliw na talaga ako.

Umiling-iling na ako saka ibinalik ang litrato ni Nanay sa mesa.

****
"Kamusta ka?" tanong ni Eji saakin na ngayon ay kaharap ko kumain.

"Oko long oko" saad ko naman dito habang nilulunok ang pritong manok, grabi gutom na gutom na ako.

Narinig ko naman tumawa siya ng mahina kayat napatingin ako sa kanya, kaagad namang nanlaki ang mga mata ko ng marealize kung ano ang ginagawa ko, putragess si Eji pala tong kaharap ko,

'Chi!! for heaven's sake, bisitang gwapo mayaman matipuno kapatid ng kaibigan mo at artisa itong kaharap mo dito tulad sayo na mandurugas.' saad ko sa isip, at lumunok ng malalim,

nakakahiya!

Nakangiti lang siya saakin habang ako'y nakatitig parin sakanya,

maya-maya pa'y kumunot ang noo niya saka iniangat ang kamay niya patungo sa mukha ko, pinunasan niya ang gilid ng baba ko!!,

hindi ma process ang nangyayari sa utak ko parang huminto ang lahat, tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko,

"Wuy"
"Wuyy Chi!"
kaagad namang akong napabalik sa ulirat ko ng magsalita si Eji,

"Okay kalang?" alala niyang tanong kayat tumango nalang ako at kaagad na sinubo ang napakaraming spaghetti sa bibig ko.

"HAHA nakakatawa ka talaga, hinay hinay lang" saad niya pero diko siya pinakinggan at mas binilisan pa ang pagkain,

bat ganon?!

Bat ganito ang nararamdaman ko?! hindi na to tama!

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now