CHAPTER 120: MICHAEL VALDOS

156 7 0
                                    

BEWARE⚠: GRAMMATICAL ERRORS A HEAD

NOTICE! : HINDI AKO GANON KAGALING SA ENGLISH KAYAT PAG PASENSYAHAN NIYO NA KUNG MAY ILANG MGA WRONG GRAMMARS, HIHI THANKYOU😊

Freya POV

Kanina ko pa hawak hawak tong burger na binili ko sa canteen, at kanina ko pa rin pinagmamasdan si Michael na sarap na sarap sa kinakain nitong noodles. Huminto ito sa pagkain at tumingin saakin, nanlaki mga  mata ko at kaagad na umiwas ng tingin baka iba ang maisip niya eh

"are you not going to eat that" rinig kong saad niya kayat lumingon ulit ako sakanya,  nakangiti ito saakin,  grabee ang layo na ng pinagbago niya parang kailan lang ng grade 2 kami ay sip-onin siya pero hindi siya dugyot tingnan non maputi kasi siya eh, expensive tingnan yung sipon niya non.

Tiningnan ko na ang burger na hawak ko,  buong buo pa nga ito kayat kaagad ko na itong kinain at nginuya. Naiilang ako sakanya,  ito kasi ang unang beses na may nakasama akong lalaki sa recess, maliban sa mga kuya ko,  dalawa lang kami at nasa harapan ko rin siya,  natatakot lang talaga akong iba ang isipin ng mga nakakakita.

Naubos ko na ang burger ko at lumunok ng kay lalim nakita ko naman siyang mahinang natawa kayat mas lalong dumoble ang hiya ko.

"Pftt you're  so cute" saad niya dahilan para mas lalo akong mailang, huhuhu send help! hindi kasi pumasok si Chi dahil nagkasakit siya, kung tatlo sana kami ngayon di ako masyadong maiilang kay Michael,  ilang taon na rin ang lumipas bago kami magkita ulit ngayon.

Michael Valdos ay classmate ko nung grade 2. Siya ang naging katabi ko sa upuan, nasa unahan pa talaga kami nun. Grade 2 palang ako may quadro squad na kami HAHA, sila Jena at Joseph ang naging ka squad namin kung baga, nasa likurang upuan lang rin namin sila. May pagkakataon nga non na umabsent si Michael tapos wala akong katabi non, sinabihan ko naman si Jena na tabihan niya muna ako kaso natatakot daw siya kay ma'am at sabi ko naman na 'hindi yun' so ayun para hindi siya mahalata dadaan nalang daw siya sa space na nasa likuran ng aming mahabang upuan. So ayun, una niyang pinasok ang ulo niya kaso na stock at hindi na yun natatanggal,  grabe yung kaba naming dalawa buti nalang ay nong itinabingi niya yung ulo niya saka na yun natanggal kayat hindi na niya yun inulit,  na zero pa kami nun dahil hindi kami nakinig kay ma'am dahil sa kat*ngahan namin nong mga araw na yun.

Wala na masyado akong naalala sa school days namin na yun pero may ilan parin namang alaala naming dalawa ang naalala ko, tulad ng sinundo nila ako ni Joseph sa bahay, naliligo pa ako non tapos pinuntahan ako ni mama sa cr sabi niya na may sumusundo daw saakin at ng tinggan ko, sila Joseph at Michael ito, wahhh naka tuwalya lang panamam ako non. Yung bahay niya ay malapit lang sa school at saakin naman ay medyo malayo pero dumiretso pa talaga siya para sunduin ako. Sinabi ko nun sakanila na mauna nalang sila sa paaralan pero ang tibay hinintay talaga nila ako.

Mahilig rin akong matulog non at siya naman ang gumigising saakin kapag may teacher ng paparating.

Isang araw habang nakaupo kami at walang guro ay may sinabi siya saakin sabi niya---sabi niya--- WAHHH wag nalang.

" heyy!" tawag pansin niya saakin, nabalik naman ako sa diwa ko at bumungad saaking harapan ang mukha ni Michael,  takang taka pa nga ito at iwinawagay way pa niya ang kamay niya sa harapan ko

Natulala pala ako kaka rewind ng elementary days namin, napapikit ako saka huminga ng malalim, dapat maging komportable ako sa pakikipag usap sakanya tutal bestfriend ko naman siya noon.

Iminulat ko na ang mga mata ko at marahang ngumiti sakanya, ngumiti naman ito pabalik saakin pero maya maya ay kumunot ang noo niya,

ehh??!

(SEASON 2) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS"Where stories live. Discover now