Prologue

9.4K 123 2
                                    

Shane's POV

I so love my life right now! Sobra sobra! Halos mabaliw na ako sa sobrang ganda ng buhay ko ngayon!

Shit! Ito nanaman ang luha ko. Shit! Bakit naging ganto ang buhay ko? Shit! Bakit sa isang iglap nagbago ang lahat?

Hindi talaga ako masaya. Sinong magiging masaya sa kondisyon ng buhay ko ngayon?

Una sa lahat, nalugi ang business ng Papa ko at nakasuhan pa siya ng fraud. Pangalawa, kailangan niyang ibenta ang properties namin para lang makabayad sa lawyer niya at sa mga utang namin. Pangatlo, may utang pa rin kami at nalulubog parin sa utang. Pang-apat, kinukuha na ng bangko ang bahay namin. Panglima, I already have a 2 year old kid at kung kailan kailangan ko ang ama niya para tulungan kami Wala! Nawala ng parang bula!

This is so f*cking exhausting!

Kaya ito ako ngayon nasa bar kasama ang dalawang bestfriend ko. Alam ko dapat magtipid ako pero ito lang ang way ko para makalimot. Nagpapatulong rin kasi ako sa kanila para maghanap ng part time job. I really need another job. Hindi kasya ang sweldo ko bilang barista. Yes, barista ako dahil sa hilig ko sa kape.

"Hey Shane! Tama na pagbusangot! Tutulungan ka namin okey? So wag ka ng magisip masyado dyan. Enjoy girl." sabi ni Kesha. Ang pinakamalambing at mabait sa aming tatlo

"Oo nga. Kutusan kita dyan eh!" sabi naman ni Lyrin. Well, ang pinakastigan at boyish sa amin.

" Oo na...Oo na. Punta lang akong counter at may oorderin lang ako."

"Sige. Bilisan mo ha. Doon lang kami sa dance floor ni Ly." at nginitian ko sila bilang sagot

Bigla na akong tinamad pumunta sa dance floor kaya dito na ako sa may bar mismo nagsimulang uminom ng hard drinks.

"Why do you keep on smiling at me?" nagulat ako ng tanungin ako ng katabi kong lalaki. Tiningnan ko siya at hindi ko alam kung lasing na ba ako dahil ang gwapo gwapo gwapo ni kuya. Mukha namang kasing age ko siya pero wait. Anong tinanong niya?

"Excuse me? Sa tingin ko lasing kana..I've been frowning all night so hindi ako ang ngumingiti sayo."

"Nope. I'm sure it's you. I've been looking at you the whole night and you keep on smiling at me." and shocks! Mr. Crazy guy just smiled at me. Dinaig pa ang disco balls sa kinang ng ngipin niya.

"Hindi ko keri ang makipang-englishan sayo kuya. Sumasakit ang tenga at ilong ko. Hindi ako yun and that's final."

Tatayo na sana ako ng biglang dumating ang kasama niya.

"Ginugulo kaba niya Miss? Pasensya na ah. Tara na Daniel. Ang kulit mo talaga."

"Lasing na ata yang kaibigan mo. Sige una na ako."

"Pero juice lang naman iniinom niya."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ng kaibigan niya at nagsimula ng maglakad. Nakailang hakbang na ako ng nagsalita muli si Mr. Crazy guy.

"I'll make you smile again, Shane..."


Just Married A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon