27: Blackmail

1.7K 29 0
                                    

"YOU FOOLED ME!!YOU LIED TO ME!! AND I HATE YOU!!" sigaw ko sa kanya ng maalis ko ang pagkakayakap niya sa akin.

Nakita ko sa mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko.I'm not guilty because what I said is true. "Hindi kita masisisi kung yan ang iniisip mo sa akin Shane, pero please naman makinig ka naman sa rason ko."

"No! Wala akong pakielam sa rason mo. Ayaw ko na sayo!" kinuha ko ang bag ko at aalis na sana pero natigilan ako sa sinabi niya.

"I guess mapipilitan akong bawiin ang lahat ng binigay ko sayo." tumingin ako sa kanya at seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Ehh di gawin mo! I don't need you. We don't need you." itutuloy ko na sana ang paglakad pero nagsalita siya ulit.

"Then say goodbye to your dad again."

"What did you say?!" hindi niya ako sinagot kaya umalis nalang ako ng tuluyan.

He can't scare me. How dare he! Kung babawiin niya lahat, ibig bang sabihin makukulong nanaman si Papa? Oh gosh no! Agad akong nagsabi kay Mason na aalis na kami ni Thor at babalik na sa bahay namin ni Dad. Hindi ko naman nakalimutang magpasalamat sa kanya dahil napakalaki ng naitulong niya sa akin.





Nang makabalik na kami sa Manila ay hindi ko akalain na tototohanin ni Daniel ang sinabi niya. May ilang pulis akong naabutan sa bahay at kasama naman ni Dad ang abugado niya. Nang makita ako ni Dad ay agad niya kaming niyakap ni Thor at sinabing namiss niya kami.

"What's going on here Dad?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya.

"Sweetheart let me take care of this. Umakyat na muna kayo Thor, okey?"

Hindi na ako sumagot dahil mukhang seryoso ang pinaguusapan nilang lahat. Nang nakatulog na si Thor ay bumaba na ako para tingnan kung anong nangyayari.
Paalis narin ang mga pulis pati ang abugado ni papa.

"Dad what was that about?"

"Shane, my case is open again at napakalaki ng chance na makulong ulit ako. Ang bahay, ang kompanya mukhang mababawi nanaman sa atin lahat. Hindi ko alam kung anong nangyari pero binabawi na ng asawa mo."

"I can't believe na ganito pala siya kasama. I'll talk to him Dad.Hindi niya pwede tong gawin sa atin samantalang siya naman ang may kasalanan." agad akong umalis at pumunta sa opisina ni Daniel. Sisiguraduhin kong makakatikim siya ng sapak o sampal sa akin. Ang sama niya!




Nang makarating sa floor ng office niya ay agad akong binati ng secretary niya na walang kaalam alam sa kasamaan niya. Tipid ko siyang nginitian at diretsong pumasok sa office ni Daniel.

"I'm busy." sabi niya pero nakatuon parin sa mga papeles na hawak niya.

"Busy ruining people's lives?" at agad siyang nagangat ng tingin. I saw a lot of emotions in his eyes. Happiness, Sadness, Loneliness, not really sure. Then he just smirked at me.

"Natutuwa ka pa sa ginagawa mo?" dagdag ko dahil wala siyang sinagot sa tanong ko.

"I'll cut it short to you hon. You leave me, you'll go back to the life before I met you. There will also be a possibilty that the custody of Thor will be mine." magproprotesta na sana ako pero nagpatuloy siya.

"You go back with me, and it will be a happily ever after." at ngumisi nanaman siya.

"How could you! Hindi ako makakapayag na mapasayo lang si Thor!" Naiinis ako. Naiiyak. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako sa ginagawa niya sa akin. Matapos niya akong lokohin sa tingin niya ba magiging okey lang ang lahat.

"I guess the cops already visited your dad. Think about it Shane and if your decided, our house is always open for you."

"I freaking hate you Daniel. My body and mind hates you!"

Tumingin siya sa akin at nakakalunod ang tingin niya." I freaking love you Shane. My body and mind will always love you."

Hindi ko inaasahan ang sinabi niya kaya agad akong lumabas ng office niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. I hate him for lying to me, for manipulating me, but what I hate the most is that I still love him.




Akala ko hindi na itutuloy ni Daniel ang balak niya dahil isang linggo na ang lumipas pero nagulat nalang kami ng biglang may dumating na mga pulis para hulihin si Dad.

"No! Please don't take my Dad. Kakausapin ko ang taong may pakana nito at makikipagareglo sa kanya."

"Siguraduhin nyo lang po Miss dahil bukas na bukas ay isasama na po talaga namin ang ama nyo sa presinto."

"I'm...I'm sure."

"Sige po aasahan po namin iyan. Ang sabi rin naman po kasi sa amin ng nagsampa ng kaso ay incase na sabihin nyo sa amin na kakausapin nyo siya ay wag na ituloy ang paghuli sa ama nyo."

Hindi ako sumagot sa kanila kaya umalis nalang din sila. Tinatanong ako ni Dad kung sigurado ba ako sa gagawin ko pero no choice naman. Lahat nalang ata ng nangyari sa amin ni Daniel no choice. Ang pagkabuo namin kay Thor, ang pagsagip niya sa amin dati at ang pagpapakasal namin. Tanging ang pagmamahal ko sa kanya ang binigay ko ng buong puso.




Andito na ako sa tapat ng mansion nila. So talaga bang itatapon mo lahat ng ginawa niyang masama sayo? Haaaayyy this is pathetic.





Just Married A StrangerWhere stories live. Discover now